Chapter 15

15 0 0
                                    

Trisha POV

Nasa headquarter kami ngayon dito sa campus. Yup! Meron po kami dahil dito kami nag-uusap usap ng Pinchixs sa mga plano namin. Magbabayad ka lang naman ng malaking pera para magkapwesto kayo sa paaralang ito.

Now we're here because of Andrea. Gagawin ko ang lahat para mawala siya ulit sa eskwelahang ito. Baka agawin niya ang trono ko bilang Queen.

Ako na ang Queen ngayon. At hindi ko palalagpasin kung sino mang haharang sa aking daanan.

"So shall we start?" umpisa ko dahil andito na ang lahat.

"Yes Trish" Ayesha

"So anong plano natin?" Mika

"Papahirapan na ba namin?" nakangising saad ni Abegail. A member also of Pinchixs. Unti unti namang sumilay ang ngiti ko.

"Dahan dahanin lang natin siya hanggang siya na mismo ang susuko." sabi ko na nagpasaya ng mga kagrupo ko. Syempre, dahil gusto nila ang mambully at ito na ang oras.

Andrea POV

(So shall we start?)

(Yes Trish)

(So anong plano natin?)

(Papahirapan na ba namin?)

(Dahan dahanin lang natin siya hanggang siya mismo ang susuko.)

Anong klaseng dahan-dahan ba yan Trisha? Mag ingat ka, baka maunahan kita. *smirk*

Napapatawa nalang ako habang nakikinig at tinitignan sila sa monitor. Pinalagyan ko lang naman kay Shanica ng Camera ang headquarter nila.

"How stupids they are para di yun mapansin." nakangisi kong sabi.

"Syempre magaling ako eh." saad naman ni Shanica. Napataas naman kilay ko dun. Yabang ah!

"Ts" ako Naglalakad na kaming dalawa ni Shanica patungong room namin. Nakasunod naman ng tingin ang mga nasa paligid.

"Di pa rin ba sila tapos humanga sa kagandahan mo Faye? Haha haba ng buhok mo huh." Shanica Ewan! Di ko nalang siya pinansin saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Lahat naman ng nasa loob ay nakatingin lalo na ang Pinchixs na mukhang may inaabangan. Nasa harap kami ng pinto ngayon. Ano kayang meron?

Humakbang na kami papasok ng biglang may (Boogsh!)

"SHIT!"

Shanica POV

Kinakabahan talaga ako eh. Parang ayaw kong pumasok sa pinto na yan.

Hinawakan naman ni andrea ang braso ko kaya napilitan akong humakbang na rin.

Sana naman walang tubig o ano na nakaabang sa amin. Huhu (Boogsh)

"SHIT!" napasigaw nalang ako dahil sa gulat.

Tahimik lang ang lahat, halatang nagulat naman ang iba. Nakangisi lang si Abigail habang nakatingin sa amin.

Nakita ko namang napapikit si Andrea. And then she suddenly ..

"HAHAHAHAHA!" LAUGH? Well di lang siya but halos lahat ng nakakita ay napapahalakhak maliban sa Pinchixs.

"Oh my gosh!"

"Anong nangyari?"

"Shit! Si Queen!"

Sunod sunod na sabi ng Pinchixs. Napatawa nalang ako ng makita ang reaction nila lalong lalo na kay Trisha.

Paano ba naman kasi may bala ng Pellet Gun sa noo niya. xD Ewan ko lang kung saan nanggaling.

"HAHAHAHAHAHA"

"SHUT UUUUP!!" galit na sigaw ni Trisha.

"Who did this to me??!! SUMAGOT KAYO!!"

"Uhm. The pellet gun?" pa'inosenteng sagot naman ni Andrea. Haha! Playing safe huh.

Napatawa nalang ako ng mas lalong nagalit ito. Haha! May bigla namang pumasok sa room namin.

"W-Whoa! Anong pakulo yan? " jax

"A-Anong nangyari sayo?" sabi naman ni Jonathan na nagulat at humalakhak narin ng mag sink in sa kanya ang nangyari.

"Pffft" Si luke na nagpipigil ng tawa dahil ang sama ng tingin ni trisha sa kanya.

"Sinong may ahm kagagawan nito?" nagpipigil ng tawa na sabi ni Ethan.

Haha sino ba kasing di mapapatawa sa gitna ng noo talaga tumama eh. Nagmukha tuloy siyang unicorn XD

"Mukhang nag eenjoy ka sa hitsura mo ah. pfft Di mo magawang kunin yang nasa noo mo eh. HAHA! Wag kang mag alala. Bibili ako ng maraming Pellet gun para sayo." pang-aasar na sabi ni Andrea.

Kinuha naman agad ni Trisha ang bagay na nasa noo niya. Mukhang ngayon lang niya naalala na hindi pa pala niya yun natatanggal.

Agad agad naman siyang lumabas na sinundan naman ng mga kagrupo nito.

"Anong nangyari?"

"Diba dapat mabubuhusan sila ng basura na nasa taas ng pintoan?" What the hell?? basura talaga?!

Bigla namang umalis ang blaur sa may bandang pinto. haha takot rin palang mabuhusan.

"bakit may pellet gun tsaka kay Queen pa tumama." Bulungan pa ba matatawag diyan? Lakas ng boses huh!!

"So, para sa inyo pala yun." patangong tangong sabi ni Ethan.

"Sinwerte pala kayo dahil palpak ang plano nila ngayon. Ngayon lang naman. Ingat sa susunod baka di na kayo swertehen. Di niyo pa lubos na kilala ang grupo nila.Baka.." He paused

"Pag sisihan mong bumalik ka dito" Ethan.

Andrea POV

"Sinwerte pala kayo dahil palpak ang plano nila ngayon. Ngayon lang naman. Ingat sa susunod baka di na kayo swertehen. Di niyo pa lubos na kilala ang grupo nila.Baka.." He paused

"Pag sisihan mong bumalik ka dito" Dagdag niya. Tinatakot mo ba ako Ethan?

"Baka nakakalimutan mo Mr Scott. Alalahanin mong di na ako ang DATING.Faye.na.kilala.mo." sabi ko na may diin ang huling mga salita. He just looked at me intently.

"Iba na ako ngayon Ethan. Ibang iba na"

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon