Chapter 13

8 0 4
                                    

Andrea POV

Sabado ngayon kaya walang pasok. Nga pala, sa iisang condo lang kami tumutuloy ni Shanica.

Ayaw ko naman kasi sa bahay dahil sobrang laki naman yun para sa aming dalawa lang.

Nasa Amerika parin kasi si Mommy at Daddy. Si kuya naman ay nasa London for some business matter. He's 2nd year college na pero dun siya nag-aaral kasi di niya maiwan ang negosyo namin dun. Siya na kasi pinapamahala ni Daddy.

Para matutu na daw si kuya maghandle ng business hanggat maaga pa. Kasi sa kanya ipapamana ang ibang business namin. Sa akin naman yung mga natira. Nakakatamad ngang isipin eh.

Ding Dong! Ding Dong!

"Shan may tao. Paki buksan" ako
"Hoy Shanica Murphy!! Naririnig mo ba ako?!"

"Ay palaka!! H-Ha? Ano nga ulit sabi mo?" Lumilipad na naman isipan nito.

"May tao" sabi ko sabay turo sa pinto.

"Aw ganun ba." natataranta naman siyang tumayo at naiwanan niya ang cellphone niya sa couch. Biglang tumunog ang cellphone niya. Parang may tumatawag.

*Jonathan Calling*

"Ow? My number siya ng babaerong yun? Wag lang siyang tatakbo at iiyak sa akin. Ako talaga magpapatapon sa kanya sa Bermuda triangle." kausap ko sa sarili ko.

Nanood nalang ako ng tv shows. Tagal ni shanica ah.

"Para sayo oh" sabi niya sabay bigay sa akin ng isang envelope.

"Ano gagawin ko diyan?" nakataas kilay na tanong ko.

"Edi buksan mo ng malaman natin kung anong laman niyan! Nakuha ko lang yan dun sa labas ng pinto eh."

"Eh? Sino yung nag doorbell?" takang tanong ko.

"Ewan. Wala namang tao pagbukas ko eh. Tapos nakita ko yan dun oh." sabay turo niya sa may pintoan.

Death threats kaya to? Pagbukas ko ay nabigla naman ako ng lumantad ang maraming pictures ko.

Stolen shots lahat. Kinuha naman agad ni shanica at tinignan isa isa.

Kinuha ko yung envelope para sana alamin kung kanino galing. Nang may mahulog na isang papel galing dun.

~~ Mas maganda ka talaga kapag stolen shots. Dun nga kita minahal kasi dun ko nakikilala kung sino ka talaga. Kung ano ang totoong ugali ng isang Andrea Faye Smith. Sana bumalik na yung dating ikaw. Yung mabait na babae. Hihintayin ko ang araw na yun. : LC ~~~

T-Teka! Sino naman tong LC nato?

"Ayeeee! May secret admirer ka pala faye huh. Lumelevel up ka na talaga. Haha Pero sino kaya tong si LC?" sabay tingin sa papel na naglalaman ng sulat.

"Pero infairness ha. Ang ganda mo dun sa pictures. Photographer kaya yang si LC?" tanong niya na parang nag-iisip kaya binatukan ko na.

"Arayy! Ang sadista mo naman! " Di ko na siya pinansin at lumabas nalang ako sa may pinto ng condo.

Napaangat naman ako ng tingin sa may bandang CCTV. Sino ka ba LC? Bakit parang kilalang kilala mo na ako.

My Sweet Revenge (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon