Kahit walang pasok ay maaga na naman akong nagising. Matic na kasi. Pupungas pungas pa ako ay agad akong nagluto ng almusal. Pagkatapos kong makapagluto ay iniayos ang lamesa at ipinatong ko ang dalawang pares ng pinggan, Baso at mga kubyertos. Tiningnan ko ang lamesa. Ang dami kong niluto. Napangiti ng isang saglit pero babawiian agad ang ngiti ko. Mauupo sa kabilang bahagi ng lamesa. Habang nakatitig sa kabilang upuan kung saan nakaayos ang isa pang pinggan.
"Kamusta... Ako si Rodney, Naalala nyo pa ba ako? Ako yung taga tow- away area, Yung sira ulo na nakatira sa isang double decker na bus... Ano? Alala mo na? ... VERY GOOD! ", sabi ko habang nakatingin sa upuan na wala namang nakaupo. Mapapahugot ako ng malalim na hininga.
Nakakatawa di'ba ? Para lang akong tanga... Heto ako at kinakausap ang hangin habang nakaupo sa lamesa na may dalawang plato na nakahanda. Ako lang naman ang kakain ng niluto ko. Ewan ko ba. Nakasanayan ko na kasing may ipinagluluto ako ng almusal. Na may kasabay akong kumain. Pero ngayon, balik ulit sa dati, ako nalang ulit mag-isa.
Lalapit sa akin si Karma... Ang cute kong trained na aso. Magpapapansin ito sa akin. Sasampa ito sa aking hita para dilaan ang mukha ko.
"Okay lang ako... Ikaw talaga... Namimiss mo na rin ba ang amo mo?", sabay haplos sa ulo ni Karma. " Halika , ikaw na lang ulit ang umupo sa upuan para sabayan akong kumain...", dagdag ko sabay akay kay karma sa kabilang upuan. Buti na lang trained dog na si Karma, kasi kahit iniwan ko sya na may pagkain sa hapag, hindi nya ito ginalaw. Inintay nya ang pagkain para sa kanya.
Buti na lang talaga nandyan si Karma. Nakakabawas ng lungkot. Hay!!! Bigla kong naalala yung chopstick na ginawa ko noon. Agad akong tumayo at pinuntahan ang taguan nito sa cabinet. Hinanap ko ito agad pero wala. Napangiti ako bigla.
"Dinala pala nya yun... Atleast kung kumakain sya ngayon, maalala nga ako sa kada subo nya.", sabay balik ko sa upuan para ipagpatuloy ang pagkain.
Paagkatapos naming kumain ni Karma ay nagligpit ako agad. Madami kasi akong gagawin ngayon. Hinayaan ko si Karma na lumabas kasi tiyak nabuboryong na ito sa loob ng Balai Bus. Nang makapaghugas na ako ng pinggan ay agad akong pumunta sa may cabinet para kunin ang notebook.
Maraming resibo ang nakaipit dito. tubig, kuryente , gamot ko at mga brochures ng mga schools na pwede akong lumipat. Nakasulat naman sa notebook ang mga kinikita ko sa pag cacarwash boy. Meron nalang akong 400 na cash. Wala pa akong pera na naka tabi para sa pamasahe at pagkain. Buti na nga lang, may HACHIKO grant si Karma, kaya may supply sya ng pagkain dahil kung nagkataon ... pareho kaming gutom.
Nakaramdam ako bigla ng pagsumpong ng ulo ko kaya agad akong kumuha ng gamot at naglakad papalapit sa water jog para kumuha ng tubig. Bumalik ako dala ang baso na may tubig at doon ko na ininom ang gamot sa may harapan ng kalendaryo. Binunot ko ang bolpen sa notebook at nilagyan ng ekis ang isa pang araw sa kalendaryo.
Binilang ko ang mga araw na nakaekis. Isang buwan na rin pala ang nakalipas simula ng mag sembreak. Habang ang mga teenager na kasing edaran ko ay nag eenjoy magbakasyon, ako naman ay busy... paghahanap ng extrang mapagkakakitaan. Wala na kasi akong scholarship grant kaya ako na ang sasagot ng lahat ng gastusin para makapag-aral ako ulit."Nagawa ko na 'to dati, tiyak kong magagawa ko yun ulit. Focus , Rodney ... Focus.", bulong ko sa sarili pangpalakas ng loob. "Kakayanin ko'to...", dagdag ko pero aamin ako, mahihirapan ako.
Kaya gusto ko puro libre na lang. Hindi dahil sa buraot ako, pero sa katayuan ko sa buhay, hindi ko kaya ang kahit ano na may bayad. Bakit kasi ipinakabit pa nang taong yun ang kuntador sa kuryente at linya ng tubig, eh lalayasan naman pala nya ako, tapos ako rin lang pala ang magbabayad ng mag-isa. Nakakapikon!!! Grabe sya oH! O sya, dahil binabayaran naman ang tubig na ... maghihilod ako ng todo at masuswimming ako sa drum, para masulit ko naman ang gastos ko.
Habang naliligo ay napapaisip ako. Isang buwan na din pala ang lumipas simula nang bumalik "Sya" sa Japan. Isang buwan na wala kaming kahit anong connection sa isa't isa. Walang text o tawag man lang sa kanya. Isang buwan na ako lagi ang tinatanong kung nasaan sya, kung babalik pa sya at kung kailan. Isang buwan na nagtatanong ako kung naalala pa ba nya ako o nakalimutan na nya ako ng tuluyan.
Isang buwan... Isang buwan. At sa loob ng isang buwan na yun, kinailangan kong magpanggap na wala lang, na ok lang. Magkaibigan lang kasi kasi, Hindi magka-ibigan. Ika nga nila, There was never an Us, just him and me... Ayos ba ?! English yun , huh.
Sa paglingon ko ay para ko syang nakita sa isang bahagi ng palikuran. Agad kong kinusot ang mata ko at tiningnan kong muli. Wala. Guni- guni lang. Hay! Makapaligo na nga... kung ano ano na iniisip ko.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...