Malamig ang paligid at ramdam kong wala akong saplot... giniginaw na ako. Wala rin akong makita... Madilim. Wala akong matanaw sa kahit saan. Pakiramdam ko , kung nasaan ako... ito talaga ang totoo sa sarili ko. Pinipilit kong tumakbo sa liwanag, pero bakit ba ang hirap hirap na makarating doon. Bakit din ba , angdali dali na sirain ng ibang tao ang pinaghihirapan mong pagkakataon para lumaya sa dilim na ito.
Wala talaga... wala na kahit kabutil ng liwanag na makita. MARAHIL SA DAMI NG PANGIT NA MANGYARI SA AKIN, BAKA TALAGANG DITO TALAGA AKO, SA DILIM.
Sa gitna ng kawalang pag-asa, saka ko naalala kung ano ang nangyari... Patay na ba ako?
Napaupo na lang ako. Walang luha. Unti unti na ring nag aadjust ang mga mata ko... at ang dilim sa paligid ay unti unti nakong may nakikita.
Dun tumambad sa akin kung nasaan ako. Isang lugar na kung nasaan nandito ang lahat ng mga gusto kong kalimutan... Mga ala ala.
Bigla na lang nagkaroon ng libra sa harapan ko. May nakalagay sa buslo ng libra. Sa kaliwa ay mga pulang holen at sa kabila naman ay asul na holen. Patuloy kasi ang pagbagsak ng mga pulang holen mula sa clear na malaking imbudo sa kisame mula sa kisame. Gumugulong gulong ito at umiikot ikot sa pabukang bahagi ng imbudo hanggang sa mahulog ito sa butas pababa.
Mas madaming pulang na holen. Agad na nilapitan ko ang buslo na may asul na holen. Binilang ang mga holen. Tatlung put dalawa. Agad kong hinawakan ang pinakamakinang.
Pagdampi ng kamay ko sa holen ay lalo itong lumiwanag at biglang may lumabas dito na malaking bula.
Sinundan ng mga mata ko ang bula na nakalutang sa hangin. Biglang lumabas dito ang isang ala-ala. Alaala ng nanay ko nung huling birthday ko.
Dun ko narealize kung ano ang mga holen na ito. Tatlongput dalawa. Yun ang bilang ng mga magagandang kong alaala at ang mga pulang alaala ay...
Hinawakan ko ang isang pulang holen at dun ko nakita ang alaala kung paano ako ginustong babuyin ng mga hayop na yun sa compound. Pagkatapos nun ay sumabog ang holen sa harapan ko. Lumipad ako sa hangin dahil sa impact ng pagsabog. Nagtamo ng sugat ang hubad kong katawan.
Dun ko naisip na... sa buong buhay ko, ito lang ang magagandang alaala ko. At yung mga pula, yun yung mga dahilan kung bakit hindi ko na dapat gustuhing bumalik pa kung masusugatan lang ulit ako ng katulad nito.
"Siguro mas mabuti nga na dito na lang ako...", sabi ko sa sarili ko.
Tahimik lang ako na nakaupo at yakap yakap ang mga magaganda kong alaala. Nang biglang may paglindol na naganap at isang liwanag ang lumabas sa butas ng inbudo sa kanan . Dagli akong lumapit paramapagmasdan ang liwanag. Itinapat ko ang kamay ko sa liwanag.
Mainit ang liwanag. Masarap sa kamay. Napapikit ako para damhin ang liwanag. Pagmulat ko ay may iba sa liwanag. Para syang ilaw ng projector. At naaninag ko ... si Shima at si Owen.
Mula sa kawalan ay bumuo ng dalawang bula ang liwanag na yun at lumutang sa hangin. Nasa loob ng bulang yun si Shima at yung isa ay kay Owen.
Memorable ang mga ginawa ni Owen sa akin... para syang pinagtagpi tagpi ng video clip na pinag- isa· Mga kulilit days namin hanggang sa pagkanta nya with Kamikazee. Mga bagay na hindi ko inakala na laging nandoon.sya.
Pagkatapos ng liwanag ng kay Owen ay kay Shima naman ang sumunod kong napanood. Parang Disney movie ang dating ng bula kasi ito ang bula na may parteng pula at blue. PARANG sa Inside Out.
Bigla kong naalala kung ano yung alaala na yun.
Buhat buhat ako ni Shima , habang nagmamadali syang dalhin ako sa kung saan. Naramdaman ko ang pagkatga nya sa akin. Pinilit kong imulat ang mata ko nung nilagyan.nya ako ng damit pero hindi ko.na kaya. Hanggang sa nagkaroon nako ng sapat na lakas na makita ko kung ano ang nangyayari bago mawalan ako ng ulirat.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...