" Okey ka lang ba, kuya Rodney ", sabi ng tinig na nasa harapan ko.
Mula sa pagkakapikit ay unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Blurr pa ang paningin ko sa una hanggang sa unti unti na itong luminaw. Dun ko lang naaninag na si Gelo pala yung tumatawag sa akin.
" Kuya ? ", muling tanong ni Gelo na halata mong nag- aalala.
" Ayos lang ako...", sagot ko habang pinipilit na tumayo. " Sumakit lang ang ulo, pero humuhupa na yung sakit. " , sabay ngiti para mabawasan ang worry ng bata.
" Sigurado ka kuya, ha? Nga pala kuya ,Pinabibigay ni mommy ... kasi napansin nya na hindi ka man lang nagbreak. ", sabay abot ng isang baunan at tubig sa akin. " Luto ni Mommy ... masarap yan... yan din kasi ang baon ko. "
" Naku nakakahiya naman ... pero hindi ko tatanggihan... hehehe libre eh. ", sagot ko habang pahapyaw na nangungulit.
Lumakad na ulit si Gelo papalapit sa mommy nya. Sa malayo ay nagpasalamat ako.
Naglakad ako papunta sa isang lamesa at dun ay naupo para magpahinga. Medyo sumasakit parin ang ulo ko. Ang paningin ko ay may minsanang pag blurr. Siguro, kung hindi ako nagtake ng gamot ... baka mas malala pa ang naranasan kong pain.
Mga ilang minuto pa ay humupa na ang sakit. Napapaisip na ako. Ngayon lang ulit sumumpong ito, pero nakakabother ang sharpness ng pain. Para syang binibiyak na walang anestisya tapos yung paningin ko , sobrang labo.
Sa halip na i stress ko ang sarili ko... inisip ko na lang na baka natagtag lang ako sa byahe. Pinikit ko ang mga mata ko , humingang malalim sabay bulong ko sa sarili ko...
" Lord... Okey lang naman ako, diba? Okey ako... Magiging okey ako... ".
Pagkamulat ko ay agad kong binuksan ang laman nang baunan. Napangiti ako... Grilled Salmon , potato salad , beef and mushroom , at brown rice. Wow special... Yayamanin!
Bihira ako makakain ng ganitong putahe... kaya kahit medyo wala pang gana dahil sa sakit ng ulo... aba , talo talo na. Hindi ko sasayangin ito ! Ieenjoy ko ang pagkain kasihodang malaglag ang ulo ko habang ngumunguya.
Hindi tumagal ang pagkain sa baunan. Inupakan ko agad. Honest... nakatulong yung food para maialis ang isip ko sa nangyari kanina. Pano kasi, pang fine dining ang lasa. YUMMY!!!
Kinamamayaan pa ay lumapit ang daddy ni Gelo sa akin. Agad akong tumayo at nagpasalamat sa food kasi naabutan nyang simot ang baunan. Specialty daw ni misis nya yun kaya yun yung ibinigay nila sa akin. Kaya pala...
Walanh ano ano ay kinuha ng daddy ni Gelo ang bauna.Hindi ko sana ibibigay yung baunan kasi huhugasan ko muna at ibabalik ko nang kinabukas kaso sabi ng daddy ni Gelo na okey lang. Tinawag nya si Gelo para iabot ang baunan. Agad naman itong lumapit.
" ANO COACH RODNEY? Champion no po? ", hirit ni Gelo habang hawak ang baunan.
" Lasang pangrestaurant... ", sabay approve.
" MOMMY , NAGUSTUHAN... PANGRESTAURANT DAW... ", sumigaw si Gelo habang nakatingin sa mommy nya.
Agad na lumapit ang mommy ni Gelo na nakangiti.May dala ito na mas malaking lalagyan na nasa eco bag. Umalis naman si Gelo bitbit ang baunan na pinagkainan ko.
Tumabi ang mommy ni Gelo sa asawa nito na nasa harapan ko.
" O Rodney... pangtakeout mo... for share , good for four. ", sabay abot sa akin ng malaking baunan.
" Ay! Sobra sobra na po 'to. Pakain na nga po ... pa take out nyo pa. Sobra na pong nakakahiya.", sagot ko na medyo hindi kumportable.
" Ano ka ba... madami kasing natira sa pinaluto sakin for lunch. Nagcheap in lahat para sa food. Eh lahat nabigyan na at yung iba , ayaw mag take home kasi naiipon lang sa ref, kaya we decided to give you yung natira. Maliit na bagay kumpara sa nagawa mo sa anak namin. ", pagpaliwanag ng mommy ni Gelo.
" Rodney . Malaki kasi na tulong yung itinuro mo kay Gelo nung nagperform sila sa BGC. Naging confident sya after ... eh , wala pang ilang oras yun ... malaki agad ang impact sa kanya ... eh , isang taon namin syang inenroll sa dance workshop... hindi nila nagawang matanggal yung stage fright nya. ", dagdag ng daddy ni Gelo.
" Nakalimutan ko nga po yun... ", nahihiya kong sagot.
" Basta... kunin mo ito, " , sabay abot sa akin ng baunan na malaki ," tapos ishare mo sa mga mahalagang tao sa'yo... isoli mo na lang yung baunan bukas.", dagdag ng mommy ni Gelo.
Habang nakangiti ay napapakunot ang noo ko.Tinitimbang ko yung baunan... bakit parang medyo mabigat?
" Salamat po dito... pero... sure po kayong good for four lang po ito ? "
" Oo, plus " Extra Extra order " ... ", sagot ni Maam. " para sigurado na hindi kayo mabibitin. "
Natameme ako. Gumana agad ang isip ko. Hala ! Sa laki ng baunan na ito, para atang mas madami pa sa "good for four " yung " Extra Extra order. "
@@@@@@@
Hindi alam ng driver ni Mam Sofia ang daan papunta sa Sta lucia. Nakakahiya naman kung magcoconvoy kami na ang gamit ko ay motor kaya nagdesisyon ako na sumabay na lang sa kanila at iniwan muna ang motor sa Rotary Club. Isa pa, may bitbitin ako na pagkain. Baka mapanis kung mabibilad sa araw. Sayang naman kaya okey na sa sasakyan ako ni Maan Sofia sumabay... at least malalamigan yung pagkain... at ako.
Dahil wala nang dapat ayusin... sumama na rin sa Sta lucia sina Jello , ang mga parents nya at ang ilang mga family . Okey yan the more the many...er. Pandagdag palakpak. Hehehe...
Biyernes... at malamang, gets nyo na ang traffic. 4:30 na ng hapon kasi kaya nagbubuild up na ang dami ng sasakyan sa kalsada.
Doon kami dumaan sa cubao, tapos ay binaybay na lang namin ang lrt 2 . Habang nagbabyahe kami ay parang question and answer ang peg ni Maam Sofia.
Madami silang tanong. San ako nakatira, anung kurso ko, san ako nag-aaral at marami pang iba. Awa nang Diyos, nasagot ko naman ang ibang mga tanong at yung iba naman ay nalulusutan ko na hindi sagutin, lalo na sa tanong na nasaan ang mga magulang ko.
Pinagpawisan ako ng husto dahil sa tanong na yun. Naging maingat ako sa pagsagot kasi ayoko na mukhang napapaawa.
" Tatay ko po, wala na, ang nanay ko po ", pause sabay hinga ng malalim , "nasa malayo. ", mahinahon kong sagot habang nagdadasal na wala nang follow up question kasi baka hindi ko na masagot.
Siguro na gets na nila na medyo komplikado anh siywasyon kaya hindi na rin sila nagtanong pa tungkol doon.
Mga 5:45 na nang makarating kami ng Sta lucia. Sinuwerte na kahit nagbuild up na ang traffic... si manong driver eh kabisado ang daan sa Manila kaya hindi kami tuluyang naipit sa traffic.
Agad kaming pumunta sa activity center ng mall. T shape ang stage. Halatang pinaghandaan ang fashion show kasi kahit open for the public, maganda ang backdraft at ang lights na ginamit. Malaki din ang tent para sa dressing room sa likod. May barikada ito sa paligid , para sa seguridad.
Madami ding mga upuan ang naka ayos. Naanticipate na siguro nila na mas madaming dadagsang tao ngayon kasi makakapunta ang mga supporters ng bawat candidate kasi sabado bukas at walang pasok.
6: 30 daw ang simula ng show. Buti na lang at medyo maaga pa kami kaya nakaupo kami sa 2nd row habang mga vip ang sa first row. . Nagpaalam ako kina Maam Sofia na aalis lang ako ng sandali para pumunta sunduin sina Shima at Owen na pambato namin. Nagpaalam din ako ipapakilala ko rin sila sa mga kasama ko sa trabaho at mga kaibigan na pupunta rin para sumupport.
Habang naglalakad papunta sa dressing room ng lalaki ay nakasalubong ko sina Amor at Claudia na kagalang galang ang suot, syempre pambabae pa rin ang damit. Kwento ng dalawa , audience sila ngayon kasi may dalang make up artist ang organizer kaya hindi daw sila kailangan at fabor daw sa kanila kasi toxic daw sa loob.
Nasabi din nila sa akin na nandoon na sina Owen at Shima pero baka daw hindi palabasin kasi may problema sa loob. Binigay ni Amor sa akin ang pass para hayaan akong makalusot sa organizer kasi medyo mahigpit din ang security.
Pupunta na sana sa audience seat yung dalawa ng may maalala ako.
" Uy sandali, may papakiusap ako... Nakikita nyo ba yung mga yun? ", sabay turo sa kinauupuan nina Maam Sofia , " Mga audience natin yan kaya makikiusap sana ako asikasuhin nyo. ", dagdag ko.
" Paanong asikaso ba ? ", tanong ni Amor.
" Medyo formal ?. ", sagot ko.
" May englishan bang kailangan ? ", tanong ni Claudia.
Sumenyas ako to approve na may konting english conversation na magaganap.
" Nu ba yan ! Aasikasuhin na nga tapos gagamitan ko pa ng utak...naku magkakapimples ako sa stress... ", nag iinarte na sagot ni Claudia sa akin.
" Buti nga sayo pimples lang ... eh paano naman ako ? ", sabat ni Amor kay Claudia at pagkatapos ay tiningnan ako nito. " Rodney naman ! Yung pang bangs ko , nanggagaling na sa bunbunan. Baka lalong maubos kapag kinausap namin yan. "
" Wala eh ... pinakyaw lang naman nila yung bente ng ticket votes nung dalawa. ", maagap kong sagot.
" Ay VIP... !!! ", sabay na tili ng dalawa.
" e kung ganyang level kahit british accent ... papatusin ko na. " , excited na hirit ni AMOR .
" Yes... yes... basta go na kahit yes lang lagi kong sagot. ", makulit na hirit ni Claudia.
" Salamat ha... o pano ... puntahan ko na yung dalawa. ", sagot ko kina Amor at Claudia.
Naghiwalay na kami. Agad nilang pinuntahan si Maam Sofia at ako naman ay tumungo na sa back stage. Habang naglalakad ay tinext ko sina Shima at Owen. Sinabi ko agad sa kanila ang tungkol sa mga kasama ko na taga Rotary at kailangan ko silang ipakilala. At sinabi ko rin na hihintayin ko na lang sila sa labas.
Habang naglalakad ako papunta sa dressing room ng lalaki ay nakasulong ko ang isang model na lalaki na parang galit. Sinundan naman sya ng isang babae. Lalabas sana yung babae para sundan yung lalaki pero pinigilan ito ng production staff. Wow! LQ ?
Pagkarating ko sa may dressing room ng lalaki ay hindi rin ako pinapasok ng manong security kahit may back stage pass ako kaya nakatunganga lang ako sa labas na barikada . Nagkakainitan daw ang dalawang model na lalaki sa loob dahil sa isang babae. Hirap na daw na magpapasok nang ibang tao na hindi production kasi baka daw maleak ang gulo sa loob. Wow kuya!!! Bawal ako pumasok pero detalyado mong tsinitsismis sa akin ang ganap sa dressing room!
Habang naghihintay ay nakita ko ang flow ng program na nakapost sa likod ng tent. . As expected, apat ang designer at bawat isa ay may 6 casual collection , 6 couture collection at isang finale.
" Wow! masaya ito... ", bulong ko sa sarili , "Masusulit nina Maam Sofia ang show. "
Kinamamayaan pa ay lumabas sina Shima at Owen na wala pang ayos. Wala pa daw kasi yung isusuot nila kasi late daw ang wardrobe ng unang designer. Agad ko silang binitbit para dalhin kay Maam Sofia.
Dahil takas lang ito kaya nagmamadali kaming pumunta sa audience seat.
" Maam Sofia... sila po ang pambato namin... Si Owen at si Shima. ".
Kinamayan ng dalawa si Maam Sofia at ang mga amiga nito.
Titig na titig ang mga amiga ni Maam Sofia sa dalawa. Nakikinita ko na kung anime kami... based sa naging reaksyon nila... tiyak na hugis puso ang mga mata nila habang laglag ang panga. Ika nga nila drop jaw handsome ang dalawa.
" I guess , well be your supporters tonight.", nakangiting salita bi Maan Sofia.
" Salamat po sa pagsupport po sa amin... hindi namin po kayo ipapahiya. ", magalang na sagot ni Owen.
" And i hope, your long travel just to see us, is all worth it... if it's yet to be determined... I'm sure your make up your mind once the show starts. ", confident na sagot ni Shima sabay palihim na kumindat sa akin.
Natigalgal ako. Baliw talaga itong isang ito. Hanggat may pagkakataon , gagawa ito ng takaw issue na hokage moves.
Anyway... all eyes sa dalawa ang mga amiga ni Maam Sofia. Alam ko na pinagpipilian ang dalawa. Atleast... kahit na may makakalamang sa dalawa, ang mahalaga merong support na makukuha.
May ilang sandali pa na tumambay sina Shima at Owen. Kahit papaano ay personal silang nakausap ni Maam Sofia. Hindi nagtagal ay kinailangan na nilang bumalik nang makita nila sa malayo ang nagmamadali nilang wardrobe dala ang mga damit na isususuot nila.
Magalang naman na nagpaalam yung dalawa bago sila umalis. Inihatid ko ing dalawa sa backstage.
Bago tuluyang pumasok ang dalawa sa dressing room, ay biglang huminto ang dalawa at humarap sa akin.
" Salamat sa hirap mo na makahanap ng sponsor ... para makasabay kami sa ibang contestants.", bulalas ni Owen.
"Wag kang mag-alala , makukumbinsi namin sila, pati yung mga judges sa gagawin namin mamaya... nood ka lang. " confident na dagdag ni Shima.
Hindi na ako nakapagsalita. Wala rin naman akong sasabihin. Pero isang tango lna may makahulugan lang na tingin ang ibinigay ko. Siguro sapat na yun para maramdaman nila na yung effort na ibinibigay nila sa stage, tinutumbasan namin yun sa pamamagitan ng paggawa ng paraan na ang mga effort nila ay hindi nasasayang.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Sir Tungol. " Magagawan ng paraan , kung gugustuhin ko. " Tama nga siya, hindi naman impossible ang manalo sila, basta lahat kami nagtutulung tulong para mangyari ang gusto naming mangyari.
Hay! Iba talaga ang naduloy ng pageant na ito sa amin. Siguro ... bukod sa kagustuhan naming matulungan si Jonas at baby Vien sa pamamagitan ng cash price ng pageant , ang contest nato ang naging daan para mailabas ang kakayahan naming magpahalaga sa isat-isa. Yung pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Dun pa lang panalo na kami. Sa kabila kasi ng usapang pera, yun kasi ang premyo na mas mahal pa sa sikwenta mil ... ang magkaroon ng mga tunay na kaibigan na nandyan kahit anung hirap ng sitwasyon. Swerte sina Shima at Owen dahil nandyan sina Amor at Claudia para ayusin sila ng walang bayad... swerte si Jonas dahil nandyan sina Owen at Shima na sumasalang sa stage para kay baby Vien... ako... swerte ako dahil ... simple lang ang dahil ko... sapat na sa akin na nandyan silang lahat.
@@@@@@@
7 pm na.
Sa sandaling oras mula sa pagdating namin dito hanggang ngayon, mabilis na kumapal ang dami ng tao. Kanya kanyang gimik, ang mga supporters. Streamers , tarpoline, at yung iba ay may cut outs pa ng pangalan ng contestant.
Sabay ng pagkapal ng tao ay ang pagdating ng mga pala nina Shima at Rodney. Dumating sina Mako , Kram at Angela , kasama sina Dasuri at Yuri. Napapangiti ako kasi, first time na nginitian ako ni Dasuri. Klaseng nakakatulong na lagi nyang kasama si Yuri.
Sunod naman dumating sina Mang Nato, Lexi at Topher, Aldrin at Jonas. Hindi kasama si Vien kasi... baka matagtag ito eh... kagagaling lang nito sa sakit.
Hindi magkakatabi ang inupuan ng dalawang grupong dumating. Doon naupo sina Dasuri sa malapit sa judges seat ma nasa dulo ng T stage. Sina Mang nato naman sy dun tumayo sa gilid dahil wala nang maupuan.
Habang hindi pa nagsisimula ay pumunta ako sa restroom. Naiihi ako sa kaba. Habang umiihi ako ay tinitingnan ko ang poll results sa Fb. Pumasok sa Top 6 sina Owen at Shima. Pang apat si Owen at nasa pang anim si Shima. Klaseng nakatulong ang inupload na video ng talent portion para makakuha ng attention ang dalawa.
Pagkatapos kung umihi ay pumunta ako sa lababo para maghugas ng kamay. Habang nagsasalamin, ay biglang nagdilim ang Cr sa paningin. Hala ! Magpapanic sana ako ng biglang nakatinig ako ng tili.
" Eeeeeiii ! Chaka bes ! Gabi ng lagim... ", sabi ng tinig mula sa isa sa mga cubicle.
Pagkatapos ng tiling yun ay bumalik naman agad ang ilaw. Sa halip na matawa sa narinig ... ay biglang kumiliti sa isip ko ang isang bagay.
Matindi ang sumpong ng ulo ko kanina. Lately , kahit nakainom nako ng gamot ay sumasakit pa rin. Palabo pa na ng palabo ang paningin ko... pano kung sa huli... mabulag ako bigla. Kaya ko ba na mag-isa habang puro kadiliman ang nakikita ko? Kaya ko bang maging pabigat sa mga taong mahalaga sa akin ?
Grabe naman... Sana hindi ... pero kung sakali man, siguro kikimkimin ko nalang. Hindi problema ng iba ang problema ko.
Sa gitna nang pagmomoment ko, ay nakarinig na naman ako ng boses.
" Mga kuya ! may tao ba dyan ? ", sabi ng tinig na nanggaling sa isang cubicle. " May tissue po ba kayo dyan... ", dagdag pa nito.
Hindi ako nagsalita. Agad akong lumapit sa dispenser . Naghulog ng limang pisong barya at kumuha ng tissue.
Lumapit ako sa cubicle at iniabot sa ilalim ng pinto ang tissue na hawak ko.
" Eto po... ", sagot ko.
" Ay... thank you... you're a life saver. ", sabi ng tinig.
" Sige po... kulang pa po ba...", dagdag kong tanong habang iniintay ang sagot ng tao sa cubicle.
" No , I'm good. Salamat ha .", sagot naman ng tao sa cubicle. " Sorry sa bother, na tense lang ako kasi nagkakagulo sa backstage. ", kwento ng tao sa cubicle.
" Ganun po ba? Naku... dapat po talaga pag show, may extra kang baon ng pasensya... at sandamakmak na plano kapag may emergency. ", sagot ko habang nakatingin sa pinto ng cubicle. " Sige po ... una na po ako. "
" Ay teka, anung name mo. Manonood ka ba ng show... ", tanong nung tao sa cubicle na hindi pa rin lumalabas.
" Opo, sina number 4 at si number 12. ", sagot ko.
" A ... okey... check ko yang mga contestant na yan... kakaintriga... ".
" Bakit naman po... ", tanong ko gabang nagdududa kung bakit ang tagal nung tao sa cubicle.
" Wala lang ... kasi kung mabait ka, yung tropa mo ... tiyak mabait din. "
Napapangiti ako. Sa isip isip ko... sobrang mabait.
" Ahm, anung pangalan mo ? "
" Rodney po... kayo po?".
" Nice name... by the way , just call me Ice ...well matatagalan pa ako dito sa cubicle kaya hindi kita makikita face to face pero someday i'll get to meet you. ".
" Sige po... ", sagot ko habang naguguluhan kung ano ang ginagawa ng taong ito sa loob ng cubicle. " Una na po ako... ", paalam ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot kasi malapit ng magsimula ang show. Agad akong lumabas ng restroom at pumunta sa audience seat.
Buti na lang at sakto lang ang pagbalik ko. Ilang minuto lang pagkatapos kong umupo , katabi sina Maam Sofia ay biglang nagdim ang ilaw sa activity center.
Isang paalala ang iniwan ng organizer sa mga manonood na ito ay isang fashion show at ipinakikiusap sa mga manonood ang pagtahimik. Mahigpit daw na pinagbabawal ang pag iingay habang lumalabas ang mga sinusuportahang contestant upang hindi masira ang concepto ng show. " High fashion at your reach. "
Bumulong sa akin bigla si Maam Sofia.
" Wow, this is the kind of show format that i watch sa fashion week sa Paris, interesting...".
Napatingin lang ako kay Maam Sofia. Wala naman kasi akong alam sa fashion. Alam ko lang sa damit ... wash and wear fashion... pagkalaba , suot. Anyway, siguro , dahil sa takot na makaapekto sa score ng mga pambato nila, kaya tumahimik ang lahat ng mga supporters mga contestant.
Ngayon gets ko na kung bakit ang mga audience na nakaupo ay naka smart casual, pati sina Amor at Claudia. Peg nang show ay isang semi formal mall event.
Sa pagtahimik ng paligid, bumukas ang isang AVP habang ang mga ilaw ng lights and sound ang naglalagay ng drama sa stage.
Ilang saglit pa ay pumasok ang anim na dancer na sumasayaw ng isang contemporary piece.Hindi mo makikilala ang dancer dahil balot ng fish net ang mukha, pero mahusay ang mga ito.
Sa pagbigat ng music at pagtingkad ng ilaw, naabot ng dancer ang peak ng kanilang performance... saka pumasok ang unang contestant na babae , suot ang damit na may newspaper print.
Angbilis ng transition ng mga nagrarampa. Sa unang set ,12 na contestant na babae ang nagraramp. Syempre dahil nasabihan na hindi pwedeng mag ingay kaya pigil na pigil ang mga lalaking audience habang pinapanood ang mga magagandang contestants na nakasuot ng mga designer' s masterpiece.
Pagkatapos ng 12 na female contestants ay lumabas ang finale creation ng designer suot ng model ng model na nakita ko kanina na pinipigilan ng production staff ns lumabas.
IN FAIRNESS ... MAGALING SYA. Sa tindig pa lang ng model na nakasuot ng finale design ay mahahalata mo na beterano na ito para madala ng maganda ang damit na sobrang komplikado ang pagkakagawa.
Pagkatapos ng pagrampa ng finale design ay nagsilabasan na ang mga babaeng contestants , ang female model ng finale kasama ang designer.
Luminya sila habang naglalakad sa rampa. Palakpakan ang mga tao. Sa tinginn ko naman ay sulit ang bineyahe nins Maam Sofia. Unang set pa lang ay mukha ng pang finale.
Nang lingunin ko si Maam Sofia ay nakita ko naman na enjoy sya sa mga nakita nila. Libreng show na ganito ang kalidad... diba... san kapa!
Anyway after makabalik sa main stage ang mga contestants at model, ang designer ang umalis. Naiwan ang mga models. Naglakad ito na magkabilang gilid ng stage nang bigla silang nag freeze.
Biglang nag flicker ang ilaw at lumabas ulit ang isang AVPsa gitna ng stage. Habang nag paplay ang presentation ay nakapose ang mga model. Nagpapalit sila ng pose kada 4 counts.
Laman ng second Avp ang tungkol sa work ng second designer. As the AVP reaches the peak ng presentation , saka pa lang lumabas ang unang model suot and damit na yari sa barong na ginawang functional.Klaseng ang second set ay puro naman mga lalaki ang kasama.
Si Zan ang opening ng second set. Saka palang umalis ang mga models na babae nang magsimula nang maglakad SI Zan.
Magaling syang maglakad. Hanga ang mga tao sa tikas ng tindig nito. Halatang sanay na sanay. Kaya sya siguro ang inuna kasi magandang simulan ang 2nd set sa isang veteran ramp model sa batang edad. Grabe ang dami ng photographer na kumukuha sa picture nya... iba na talaga ang kilala.
Nakakatuwa nsman nung si Blue yung lumabas. Mukha syang matured sa soot nya na damit. Hindi ko rin maisip kung paano nacombine ng designer ang tela ng pina at cotton kaya nagmukhang pang alis ang damit
Nung lumabas naman si Altran... halatang lakad hiphop dancer. Mayabang at maangas at bagay naman sa kanya yung suot nya na parang pwedeng pangsayaw sa Club.
Grabe ... sa pinakita ng naunang tatlo... nakakakaba ang magiging performance nina Owen at Shima. Malaking puntos din kasi sa pageant ang confidence at galing sa pagdadala ng damit... Kung ano ang magiging performance nung dalawa ay makakaapekto din sa kung mag pupush through si Maam Sofia sa pagsupport samin.
Lumabas na ang ika apat na contestant... ikalima ... ikaanim, hanggang sa ang ikapito na... Si Shima na! Nakatungo ito. Suot ni Shima ang black na damit na overlapping sa puti na coat na kalahati lang tapos sinasara ng belcrow para hindi matanggal.
Bumulong sa akin si Maam Sofia at sabay sabing, " Let us see , kung may ump factor anh una nyong pambato. "
Napalunok ako habang nakatingin kay Shima. Pigil hininga ako...
Nang tumunghay si Shima, speachless ako. Narinig ko ang isang amiga ni Maam Sofia na ang symetrical daw ng mukha ni Shima... at ang sarap titigan.
Anglakas ng kabog ng dibdib ko... lalo ng ginawa ni Shima ang una nitong hakbang.
Nawala nalang ang kaba ko ng lagpasan kami ni Shima at nakita kong madami din ang kumukuha sa picture nito. Nang umabot si Shima sa dulo ng T stage, tinanggal nito ang belcrow para mahubad ang coat na half lang.
Doon tumambad ang magic ng suot ni Shima. Pagkahubad ng half coat na puti, wala palang damit sa ilalim nito. Kita ng audience at judges ang kalahati ng chest at abs ni Shima.
Bagamat revealing ang suot ni Shima, napaka elegante pa rin ng tindig nito. Nilingon ko di Kram na nasa likuran ng mga judges at nakita ko na nag approve ito. Klaseng natutu ng husto si Shima sa mga basic trick ni Kram.
Paglabas ni Shima ay sinundan sya ng isa pang contestant bago lumabas si Owen suot ang damit nya parang sapin sapin sa dami ng kulay.. Agad akong tumayo para makita nya ako.
Magkaiba ang style ni Owen. Kung si Shima ay nakatungo muna tapos naglakad na parang suplado hanggang dulo. Si Owen naman ay sinimulan ang pasok nya ng isang adlib na pose with smile at saka nagseryoso nang magsimula na itong maglakad.
Humirit ulit ang isang amiga ni Maam Sofia na... na perfect daw ng smize ni Owen. Smize? Ano yun ?
Nung tiningnan ko ulit si Kram... mas napansin ko ang reaction ng judges... nilabas nito ang sarili nitong cellphone at pinicturan si Owen. Sabay tingin sa resulta . Tumatango ito na para bang nagustuhan nito ang resulta sa pic sabay bulong sa katabi.
After ng turn ni Owen ay saka pa lang ako napanatag. Maayos naman daw ang ginawa ng dalawa ayon sa senyas ni Kram.
Pagkatapos ng tatlo pang contestant na lalaki ay lumabas na ang finale ng Second set. Isang veteranong model ulit na lalaki ang lumabas suot ang damit na napaka masinsin ang pagkakatahi dahil sa dami ng tela ng barong na iba iba ang kulay. Mukhang sarimanok ang model pero in a good way.
After ng finale walk ay saka lumabas ang 12 na contestant , model ng finale at ang designer. Grabe ... palibhasa ay puro bading ang audience kaya abot hanggang langit ang lakas ng palakpak.
Nag exit ang mga model after ng curtain call kasama ng designer. Pagkatapos noon ay humudyat ang organizer na magkakaroon ng 30 min break . Niremind din ng organizer na ang votes sa poll ay nirefresh na at ngayon palang magsisimula ulit ang botohan. This time ay magkakabearing ito sa isa sa special awards.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...