Bigla akong tumigil. Huminto din si Shima na parang nagtataka habang si Karma ay nauunang tumakbo sa amin ay tumigil din at bumalik sa kinatatayuan namin.
Tama ba ang narinig ko? Sa dami ng dapat isipin, ito ang reason nya kung bakit sya nandito.Check in daw! Hala, naghihilom pa lang ang sugat ko sa ulo, tapos gusto pa nitong mokong na ito na sugatan ako ... sa ibang paraan. Kinabahan ako bigla...
" Seseryosohin ko ba yang sinasabi mo? Dumayo ka ng BGC para lang mag check in tayo? WOW!", react ko na medyo naiirita.
" Chill! Ang dumi naman ng utak mo... I didnt mean it, in that way. ", pa cool na sagot ni Shima.
" E ano ang ibig mong sabihin... Hoy hapon... naka first base ka lang , akala mo naman pwede ka nang makahomerun...", pagmamatapang kong sagot sabay tanggal ng pagkakahawak ni Shima sa braso ko.
Ngumiti lang si Shima at lumapit sa akin sabay akbay." Look... im not a pornstar , at hindi yun ang lagi kong iniisip...paminsan minsan lang...".
"Tingnan mo ...", hirit ko.
" Pero its not a priority now... you know what, Topher told me one thing about love... last time nung nasa Detour celebration tayo. Just to let you know, Topher is dead serious kay Lexi... and one thing he told me... he will respect her until its time na kaya na nyang pakasalan si Lexi... kasi ganun daw kayong pinoy ... conservative ... pero totoo namagmahal", sabay dikit ng ulo nya sa ulo ko.
Kinilig ako ng konti pero iniisip ko na na sweet talk lang ako... patuloy lang ako sa pakikinig. Tiningnan ko sya at tumingin din sya sa akin.
" Rodney, though I know your not sure about whats going on between us, sakin, sigurado ako na mahal kita. And if I need to comply with your tradition to prove it, I will... kaya wag kang mag isip ng sobra ... no sex ... check in lang .Ano tara na ?", dagdag na paliwanag ni Shima sabay flash ng killer smile.
Huminga ako ng malalim. At dahil wala kaming tutulugan dahil wala si Owen at hindi naman kami pwede ni Shima sa Balaibus kasi nandun si Dasuri, walang choice. Pilit akong tumango to say yes.
" Sigurado ka ha... hindi mo ako gagapangin...", sagot ko na medo nagpapakamanong. "Rape yun...",dugsong ko.
" Tara na nga.", palambing na sagot no Shima sabay lakad namin.
Naglakad lang kami at dun para kaming namamasyal nina Karma at Shima. Kahit walang tali si Karma behave ito.
Tuloy sa kwento itong si Shima. Idenetalye nya sa akin ang mga nangyari sa Balaibus nung nagising si Dasuri. Alam nya na kailangan nyang tulungan si Dasuri pero Shima has another way kaysa ipamper ito.
" Ano ? Pagtatrabahuhin mo si Dasuri sa Carwash? "
" Yup, at inayos ko na yun agad kay Mang Nato... ", proud na sagot ni Shima.
" Eh di nahirapan yun... gusto mo talaga syang umuwi noh, na luhaan...", sabat ko na medyo naguluhan sa logic ng desisyon ni Shima.
" Yan ka na naman... I'm doing that for her. IM actually doing her a favor...kasi... she needs to learn na life is not like this... a walk in the park. Madali, magaan at laging masaya. " , sabay pause.
Bigla kaming huminto at humarap sya sa akin.
" Rodney , hindi mo ba naitatanong bakit ikaw... ang nagustuhan ko. Sa kabila na your hard headed, sarcastic and difficult to deal with... I see a person who is much like me... someone who can survive and someone who will sacrifice a lot so that others will survive as well...", sabay hawak sa ulo ko at titig sa akin.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...