" Ano ka ba... drama mo... hindi pa ako patay , kaya wag mo kong iyakan. Wala lang yun." , pabiro kong sagot para malihis ang usapan. " Ang mahalaga, ok na si Baby Vien tapos , maayos na ang kita Carwash... yun yung priority.", sabay isang pekeng ngiti ang pinakawalan ko, hoping na maniniwala sya.
Kinulit ko si Shima para tumahan ito ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero hindi nya ito binitawan sabay titig sa akin.
" Bakit? Wag mo nga akong titigan ng ganyan? ", awkward kong salita kay Shima.
Patuloy lang akong tinitigan ni Shima. Titig na malalim ang hugot. Nahahalukay ng titig na yun, ang kailaliman ng nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit out of nowhere... gusto kong lumayo at tumakas, pero hindi ko magawa. Kasi...ewan. Shit... ayoko ng ganito!!!
May kung anong bagay na pumipitik sa loob ko na hindi ko alam, at nalulusaw ako, nakakaramdam ako ng kirot , dahil heto ang isang tao na sobra akong mahalaga sa kanya , samantalang ako, nakalimutan ko na may halaga ... ako.
Kung ako nagpipigil, si Shima , hindi nakapagpigil. Bigla nya akong niyakap, habang malapit sa tenga ko ang labi nya, sabay bulong.
" I'm always here, but please, don't push me away... You're part of me already... and I'm dying , knowing that you're slowly drifting...", mahinang tugon ni Shima.
Ramdam ko ang bawat salita na binanggit ni Shima.Napapikit ako , at yumakap pabalik kay Shima. Yakap na tumatapat sa higpit na yakap nya.
Lalong humigpit ang yakap ni Shima sa akin.
" Hindi mo kailangang magpakabayani para sa lahat... para itago ang totoo ... na kailangan mo rin ng tulong na hindi mo hinihingi... ",dagdag ni Shima. " Bakit ba isinasarado mo pa rin ang mundo mo... kahit sa akin?"
Sa malambing but firm na salita, tuluyan nang kumawala ang nararamdaman ko kahit anung pigil ko.
Tuluyan na akong naluha. Para lang kaming tanga. Kanina sya. Tapos ngayon ako. Pero wala eh, wala nang kawala.Bakit mga ba ako naglilihim? Bakit nga ba ayoko magsalita? Bakit ba mas iniintindi ko ang iba kaysa sa sarili ko? Bakit nga ba?
Parang sasabog na dibdib ko. Hindi ko na mapipigil to.
" Natatakot ako...", bulong ko. " Natatakot ako , na pag binuksan ko ang sarili ko ng tuluyan sa iba, baka umasa ako na dadating sila kapag kinailangan ko... ng tulong, tapos hindi dumating. Ayoko masanay ... masakit yung pinapaasa... tapos wala... kaya naisip ko na sarilinin na lang... at least hindi ako nagiging pabigat sa iba.".
Tinanggal ni Shima ang pagkakayakap at humarap sya sa akin. Hindi ko sya matingnan kasi ayoko na nakikita ako sa totoong pagkatao ko , pagod at nawalan na ng pag-asa.
Nag ipon ako ng lakas para makapagkwento. Kahit patuloy ang pag-iyak ko, gusto kong magsalita. Shit ka Shima, sinimulan mo , yan tuloy , hindi ko na alam kung paano ko patayahanin ang sarili ko.
"Pag nakakakita ako ng mga taong mahalaga sa akin na nahihirapan . Mas nasasaktan ako higit pa sa sakit na kinikimkim ko, Kaya kahit imposible, pinipilit ko na nandoon ako para sa kanila, kasi ayoko na umabot sila sa ganito. Pagod... Ayoko na maranasan nila ito. Kung mawawala ako , at least may nagawa ako ... para hindi sila maging tulad ko, isang wasak na bus, na pinipilit na magkaroon ng pakinabang. ", patuloy ko habang humahagulgol.
" Stop! Dont say that! Stop...", firm na pasubali ni Shima. Hinawakan nya ang mukha ko at iniharap nya sa mukha nya. Nalapit nya ang mukha nya sa mukha ko na basang basa sa luha.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...