Para akong nasa mga ulap. Lumulutang lutang habang papalapit sa pinto, may natatanaw akong nakatalikod. Hindi ko maaninag kung babae ito o lalaki kasi dahil sa liwanag na nagmumula din sa pinto . Nung malapit na ako ay natanaw ko na babae ito. Lalapitan ko na sana ng biglang sumara ang pinto ng sobrang lakas.
Bigla akong napabangon. Hai naku! Nananaginip lang pala ako. At take note, pagkagising ko ay nasa clinic ako ng ospital, habang pinalilibutan nina Shima , Owen at ibang mga nurse.Double shit!!! Si Vien ! Yung hospitalization nya...
Bigla akong nagmadali na tumayo... pero pinigilan ako ni Shima...
" Easy!!! Easy!!! ", sagot ni Shima.
" Teka si Vien... ", sabi ko at tuluyan nako bumangon na parang walang nangyari.
"Uy, wag kang magmadali... Ok ka na ba?", tanong ni Owen. "
" Oo , ok na, si Vien ok na ba yung kwarto.", tanong ko.
Sa halip na makakatayo na ako at nakaalis, bigla akong binuhat ni Shima at ibinalik sa higaan.
" Uy, Shima ? Anung drama mo?", tanung ko kay shima habang namemewang.
" Can you explain to me, what just happened?", tanong ni Shima...
Biglang pumasok ang Doctor... kinausap ako . INFAIRNESS KAY DOC... BOMBSHELL NA MAGANDA. Bata pa ito.
" Hi po, Rodney yung pangalan mo diba ? ", tanong ng doctor.
" Ahm ... opo?!", sagot ko.
Nakipagkamay ako sa Doctor , at nagpakilala ito.
" Doctora Khristine Chua... Ako yung resident doctor dito na tumingin sayo while your unconcious. Nakausap ko yung Doctor mo sa UST. Kinontact nya..."
" Hello po... salamat po... ",sagot ko.
" Can we talk in private ?", tanong ni Doctora... na nakangiti .
Klaseng napagkaisahan ako habang tulog ako ah... parang may alam.ang mga mokong na hindi ko alam kasi yung tingin nung dalawa sa akin napaka seryoso. DEADS !!!
@$@$@$@
Shotgun Check up... yun yun... It seems like... habang lumalabas sa ER yung mga kolokoy.
Normal na gawain ng doctor. Inhale ,exhale, titingnan ang mata , bangangangahin at at sasabihan na sabihin ang Ahhhhh.
Pagkatapos ay tinanong ako ng history ko ... health record. Nakakatawa , pero kahit minalas malas ako, isang ulit lang ako naospital. Dun ko na nakwento ang tungkol sa unang poknat ko sa ulo. Napilitan na rin ako sabihin ang tungkol sa bago kung tahi na itinago ko nalang sa dahilan na, the wound that healed me... I think. Romantic pala di Doc, kaya hindi na sya nagtanong ng follow up tungkol sa fresh wound.
Tinanong na lang ako ni Doc tungkol sa record at prognosis sa una kong poknat. Gusto nila kasi nyang malaman ang dahilan kung bakit bigla akong nag black out.
Nagdadalawang isip ako kung magsasalita na ako. Hindi pa ako nagsasalita ng sumingit si Doc para lang sabihin na " Don't hesitate to talk , kasi now, you need help, bukod dun, yun oh. ", sabay nguso ni Doc. Sinundan ko ang tinuturo ng nguso ni.Doc. Sina Shima at Owen , na sisilip silip. Tiningnan ko ng masungit ang dalawa. Sinenyasan ko silang dalawa na puntahan sina Jonas at baby Vien. Kakamot silang umalis. Bumalik ang tingin ko kay Doc na naghihintay ng sagot.
Tama naman si Doc. Kailangan ko ng tulong. Para akong nasa soap opera at may flashback tungkol sa kung ano.mga pinagdaanan ko bago sila dumating.
Noon kasi, sa kabila ng kulit at tapang na nakikita ng tao sa akin, tulad din lang ako ng Balai Bus, Matatag pero hindi umuusad.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Storie d'amore"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...