Napaisip ako bigla... Ano ba ang naaalala ko bago ako pumasok nang compound. Ano ba ang nakita ko sa,may gate? Anung oras na ba? Si Mang Nato kasi, nagpapapark ng tow away truck nya ng mga 8: 30 ng gabi . Yung mga nangangalakal naman ay mas maaga pa dun .Isa pa nakalock ang gate kaya dapat walang makakapasok... ang gate? Naalala ko na dirediretso lang akong pumasok. Inisip ko kasi na baka nandito na si Shima, pero kung nandito na si Shima , dapat nandito na rin si Karma... at nag aantay sa gate para sumalubong. Kanila kaya yung itim na kotse na nakaparada sa labas,mga 50 metro ang layo sa gate. Wala na kasing bahayan dito.
Biglang tumunog ang alarm ng cellphone. Wala namang nakaset sa phone, pano yung tumunog? Agad akong nagtago... baka nila ako marinig.
11 pm? Para saan to? Bakit iseset ni Shima ang relo ng alasonse?Anyway...Hindi ko alam kung sino yung dalawang lalaki na yun. Kung magnanakaw sila... napaka tanga naman nila, una , dahil madumi silang trumabaho, ang ingay nila, at pangalawa, seryoso, maso at jungle bolo... wala ba silang baril... ano to 1950's na panahon pa ng Sampaquita pictures. Wapak! Classic!
Inilabas ko ang cellphone at sinubukan kung alalahanin yung speed dial ng police hotline... Masubukan nga ang bagong 911 ni Presidente Digong... dahil kailangan ko ang tulong nila ngayon.
Nakita ko sa cellphone ang message ni Shima na pauwi na sya at may mga kasama sya... Bilisan mo Shima ! May magnanakaw dito.
Bigla kong naisip na tawagan si Shima. Pero bago pa makasagot si Shima sa tawag ko ay may humawak sa bibig ko. Nabitawan ko ang phone. dahil sa pagpupumigjlas. Agad ko itong kinagat. Agad akong nakawala at tumakbo papunta sa pinaka malapit na gate , yung sa likod. Hindi ko na naisipan na lingunin kung sino. Kailangan kong makalabas ng compound.
Pero pagkarating ko sa backgate ay may taong nakatalikod.
" Dito ka pala nakatira... kaya pala hindi ka namin mahagilap...", sabi nung lalaking nakatalikod." Naalala mo ba ako?"
Humarap ang lalaki at tinitigan ako. Nakipagtitigan din ako. Hindi ko sya talaga maalala at bakas sa mukha ko na napapaisip ako.
" Ano kilala mo na ako?", tanong ng lalaki habang namemewang. Halatang gusto akong sindakin.
Awkward silence. Eh sa magagawa ko, hindi ko talaga sya kilala... hindi ko na napigilan. " Si... no nga kayo ulit?", tanong ko.
" Ay bobo, hindi mo na ako ? ", sabay post sa mga iba ibang anggulo , para maalala ko lang... Then inilabas nya yung motor at dun sya pumuwesto . Kumabog and dibdib ko, kilala ko na.
Ah , kayo pa yan... ", paseryoso ko na sagot.
" Kamusta, bata... ? ", lilingon lingon ito sa paligid... ," nasaan na yung imported asusena ko...?".
Palinga linga din ako at papalapit na rin ang mga kasama nya. Si Manong lang kilala ko, yung tatlo , hindi ko kilala pero mga mga past 25 na ang itsura ... mga bata pa pero halata mo sa itsurang sabog... lalo akong kinabahan. Wala na akong mapupuntahan.
"Wala ka nang kawala , boy! Babawian kita sa eskandalo na dinala mo sa negosyo ko. Nawalan ako ng kita at nasira pa pangalan ko sa barangay...kinailangan ko pang magtago dahil sa pangengealam mo!!!", habang nanlilisik ang mga mata nito at makikita mo ang pag ngingitngit nito sa akin. Hala!Si manong , hindi na nakamove on.
" Manong Ano... eh mali naman po talaga yung ginagawa nyo. Bukod sa kumakatay kayo ng aso ng patago, Ninanakaw nyo pa yung mga aso sa mga may ari.", mariin kong sagot." Tapos ako pa ngayon ang masama... "
Tumawa ng malakas si manong at bigla itong pumalakpak. "MAGALING , MATAPANG...Marunong ka rin sumagot , ano?" , sabat ni Manong." Pero tingnan natin ngayon kung makapagmatapang ka pa... ikaw ngayon ang kakarnehin ko. Tumingin sa lalaking may maso si Manong ano.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...