5:30 ng umaga, pabaling baling ako sa higaan at hindi makatulog. Si Shima naman ay himbing na himbing at halatang pagod sa byahe. Ito yung unang pagkakataon na natulog kami magkatabi na may basbas sa akin... Pero teka lang, wag madumi ang isip. Walang nangyari. Tulog lang. Isa pa ayoko malison ang isipan ni Karma. Teka nasan si Karma?
Anyway,Binabalikan ko yung nangyari kagabi at nakakinis. Naiinis ako sa sarili ko dahil, walang akong intention pero nasasaktan ko na pala ang bespren ko. Akala ko kasi ,"okey lang" na hindi ko sabihin na tigilan na nya yung ginagawa nya. Na hindi ako bakla kaya hindi ko sya mapagbibigyan... na hindi kami pwede kasi may namamagitan na sa amin ni Shima... Teka , kahit ako nagulo dun. Hindi kami pwede tapos may namamagitan samin ni Shima. Parang magulo. Tang-ina!!! Alala ko na. Pano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyun Kung kahit sa sarili ko magulo. Hindi ako bakla para mahulog sa kanya pero heto ako at katabi si hapon at yakap ako ng mahigpit at may saya akong nararamdaman. Complete contradiction.
Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at uminom ng tubig. Unfair kay Owen kaso anung magagawa ko. Pinapaasa ko ba sya sa wala? In the first place, may sinabi ba ako na may posibilidad? Na magkaroon ng kami sa aming dalawa?
Para mawala ang gulo sa isip ko, nagluto nalang ako. Pumunta ako sa cabinet ng mga delata at napansin ko na wala ng dalang gamit si Shima. Imposibe naman na wala. Lumingalinga ako at sa wakas natagpuan ko rin. Natatanaw ko mula sa loob ng balai bus ang mga maleta ni SHima na iniwan nya sa labas. Agad akong lumabas. Kaya pala hindi ko napansin si Karma. Nandoon sya at nagbabantay sa gamit ng amo nya.
Hinimas ko si Karma sa ulo. " Pasok ka na sa loob... tulog ka na. AKo na bahala dyan.". Parang naintindihan naman ni Karma ang sinabi ko kaya umalis ito at pumasok na sa Balai bus.
Isa , dalawa , tatlo... Apat?! Ano to lipat bahay? Ang dami nyang dala... seryoso ata sya sa sinabi nya mas matagal sya ngayon dito. Apat na maleta na malaki? Wala na ba syang planong bumalik sa Japan? Pano nya kinaya to nang mag-isa?
Isa isa kong hinakot ang mga gamit ni Shima. ANGBIGAT!!! Ano ba ang pinagdadala ni Shima at ganito yun kabigat. Pagkatapos kong hakutin at mailagay sa may cabinet ay saka ko ipinagpatuloy ang nauna kong plano na gawin.
Nagsalang muna ako ng mainit na tubig para sa kape at tsaa para kay Shima. Sinangag ko yung bahaw na kanin kanina at niluto ko na lahat ng laman ng icebox wala na kasing yelo kaya baka mabulok. Tocino, tapa, dalawang itlog at tatlong piraso ng hotdog. Syempre hindi mawawala ang paboritong noodles ni SHima na Nissins ramen na lagi nyang kinakain.
Sinilip ko si SHima at mahimbing pa ito. Hindi talaga ako mapakali kasi ang dami nyang maleta. Sayang ang oras kaya pinakealaman ko yung iba. Iba kasi naka lock pa. Napapaisip ako dahil buti nalang at hindi napagdiskitihan ng Laglag bala gang sa Naia ang maleta ni SHima. Pano kasi, Yayamanin ang brand ng maleta... Hideo wakamatsu. Syempre normal, japanese brand kasi hapon si SHima.
Anyway, Inayos ko muna yung iba. Nakakatawa yung unang maleta na nabuksan ko. Hulaan nyo kung anong laman. Mga kung ano ano na galing sa Japan. Greentea na kitkat, Baemax na toy, DHC na clenser...Make up at kung ano ano pa. Para saan ito?
"Anung ginagawa mo dyan?", sabi ng malambing na boses sa likuran ko.
Nakita ko si Shima na nakatayo sa may likuran ko na namemewang. Agad akong tumayo at hinarap si Shima.
"Bakit hindi mo pinasok ang mga gamit mo sa loob... Mahirap na sa panahon ngayon baka may magnakaw nyan , hindi ko yan kailangang bayaran".
" I was so excited to see you that I totally forgot , I have luggage.", sabay ngiti sa akin. "diba, anglakas ko, nadala ko yang lahat mag-isa...".
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...