CHAPTER XXIX: RANDOM KINDNESS

1.2K 48 0
                                    


Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Owen. Hindi ko rin kasi alam king ano ang sasabihin ko.Nakatingin sa akin ang lahat. Ngayon nagkaroon na sila ng dapat itanong. Bakit nga ba ako mag-isa na nakatira sa balai bus? Nasan ang mga magulang ko?

Sa totoo, ayokong dumating ang pagkakataon na yun na tanungin na talaga nila ako tungkol sa detalye ng buhay ko. Komplikado kasi at nakakahiya.

Napaling ang tingin ko kay Shima. Para syang nalilito sa mga nangyayari. Siguro ang akala nya, sa kanya lang ako walang kinukuwento, yun pala sa lahat. Hindi sya nag- iisa na may gustong sabihin pero bilang respeto sa akin, hindi nya ginawa.

" Uy! Madami pang gagawin Rodney... tama na ang katutunga...aba'y kilos! Dalhin mo itong pasalubong ni Shima sa stockroom.", biglang singit ni Mang Nato. SALAMAT po Mang Nato sa pagsalba. Agad akong sumunod para makaiwas.

" At kayo , nakita nyo nang madaming magpapacarwash , nakatanga pa kayo dyan.", rinig kong dagdag ni Mang Nato habang naglalakadako papunta sa stockroom.

Pagpasok ko sa loob ng shop ay agad ko silang sinilip sa labas.para silang mga langgam na disperse. Wala akong nakita na senyales na bulungan o chismisan. Parang walang nangyari. Si Mang Nato ay nakita kong lumingon sa akin at palihim na nag approb. Salat talaga Mang Nato.

Lumipas ang araw. Walang tanong na naganap. Walang pag uusisa. Siguro ay dahil busy lahat para sa Opening ng Talyer. Lahat may gagawin, kahit si Karma may participation. Isa syang mascot. Maganda yan. Maging busy ang lahat para makalimutan na yung tanong.Wag lang magiging makulit si Owen...

8 na ng gabi ng matapos ang mga kailangang gawin. Tiba tiba ang kita ng carwash dahil sa mga suki ni Shima. Si Owen naman ay nakita ko na biglang hinatak ni Lexi. Kinabahan ako bigla. Kambal ni Lexi si Gerard. Baka may alam si Lexi.

Nagpaalam si Lexi kay Topher na pupunta lang sa may 711... at magpapasama sya kay Owen. Bibili sila ng meryenda.Dahil busy pa si Topher kaya hindi na nya sinamahan. Ok lang sa kanya kasi hindi na ibang tao si Owen. Ok lang sa kanya, pero sakin hindi. Baka maypagkwentuhan ang dalawa.

Nang makalayo na ang dalawa ay patakas akong nag eskapo sa shop para sundan ang dalawa. Bumili sila ng pagkain sa 711 pero lumabas sila na walang dala at tumingo sila sa may tagong lugar sa,may paradahan ng dyip. Nakinig ako ng mataimtim. Kahit ako ay may mga tanong.

" Ano ang kailangan nating pag-usapan at diba kambal ka ni Gerard? Bakit kasama ni Gerard ang nanay ni Rodney?", tanong ni Owen.

"Wag ka masyado maingay... ", pigil ni Lexi kay Owen." Una ... I'm adopted, inampon ako ng daddy ni Gerard when they found me really ill sa orphanage and since Gerard's aunt, my mama, is childless kaya they made me part of the family. We became kambal because we were born the same time. Yun lang.", paliwanag ni Lexi.

Naghihintay ako sa dapat kong malaman patuloy akong nagtatago. Malakas ang kabog ang dibdib ko. Natatakot ako na may malaman pa pero hindi ako pwedeng tumigil now... dahil ... tungkol ito sa nanay ko.

"Ok sinagot mo yung pangalawa kong tanung. Pero yung una, sagutin mo... Bakit kasama ni Gerard ang nanay ni Rodney...", malaimbestigador na tanong ni Owen.

Natahimik si Lexi. Nag-isip.

"Ano?",sundot ni Owen.

" Wait, wag excited."

" Importante kasi ito...".

" Okay ... relax, heto na, ahm, well imposible na si mama ang kasama nya kasi na London sya now. Kaya I'm sure, its Aunt Cella, And imposible na maging nanay ni Rodney yun. Kauuwi nya lang from States. And she was there for the longest time. Ngayon lang sya bumalik dahil ok na sila ulit ng daddy ni Gerard. Kaya baka kamukha lang."

DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon