Lumalalim na ang gabi. Dahil roon ,kina Owen matutulog sina Blue at Altran, sya na daw ang bahalang magkuwento tungkol sa ugnayan namin ni Alfonze, ang binatang may mamahaling ilong. Kami naman ni Shima ay nag-antay na nang masasakyan papuntang Antipolo.
Wala pang ilang minuto ay nagtext na si Owen.
" Kaya na ni Shima ito, mag backout na ako para samahan kita. "
Agad akong nagreply...
" Ilang beses kong sasabihin sa'yo. Hindi ako weak, kaya hindi. Lalaban kayo bukas... period, walang kasunod. May angal? Wala . Ok ! Good night.", sagot ko sa text habang gigil na nagrereply.
Hay naku naman, ano bang akala ng mga ito sa akin? Barbie doll? Anak ng kamote... hirap magpaliwanag! Sus!
Move on na lang.
Anyway,habang bitbit ko ang malaking ecobag ay natuon naman ang atensyon ko kay Shima. Tahimik ito. Halatang malalim ang iniisip. Heto pa ang isang tukmol, nag-aalala dahil sa isip nya hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Hay naku Shima!
Para mabasag ang katahimikan nito ay pumunta ako sa harapan nya at tiningnan ko sya sa mata habang inilalapit ang mukha ko sa mukha nya. Napaiktad bigla si Shima dahil nawiwirdohan sya sa ginawa ko.
" Anong ginagawa mo? ", tanong ni Shima sa akin.
" Sabi kasi nila, ang mata daw ang bintana ng kaluluwa. Baka kasi may direksyon pano pumasok sa mata mo, para mabisita ko kung anong tumatakbo sa utak mo. ", seryoso kong sagot.
" Para kang baliw... ", natatawang tugon ni Shima. " Akin na nga yan.", dagdag pa nito habang kinukuha ang ecobag na malaki na dala ko.
Nung hawak na nya yung bitbit ko ay tumabi sya sa akin. Inakbayan nya ako.
" Rodney... ",bulalas ni Shima.
" Hindi...", sagot ko.
" Why no agad? ", tanong ni Shima.
" Hapon, kilala na kita. Alam ko na sasabihin mo. Natatakot ka na tama ako at may mangyaring masama sa akin... kaya iniisip mong magbackout. Tama ba? ", nagtataray kong sagot.
Humarap si Shima sa akin gulat ako.
" I'm just worried na mapahamak ka, tapos , wala ako para sa'yo. I left you once, i don't want to make the same mistake. You're way too important para isugal ko ang safety mo.", wika ni Shima habang nakatitig sya sa akin at idinidikit ang noo nya sa noo ko.
Shit... may kilig yun ah. Shit, shit , shit. Blush alert! Kailangang icontrol ang sarili at wag hayaang lumabas ang ngiti sa labi ko. Buti na lang at gabi na at wala ng tao kaya walang masyadong makakapansin sa amin dito sa de castro street dahil kung hindi , mahahalatang my bromance sa may kanto.
Kailangan kong kumilos bago pa may makakita. Para mabasag ang kaseryosohan ay pakuwari akong nauubo para kumalas kay Shima. Napatawa na lang sya habang nakatingin sa akin.
" Seriously, fake cough, to get out of the moment. Isn't that too taboo already. ", wika ni Shima na parang nang aasar.
" Wala kang pakialam! Hindi ka na nahiya ! Nasa labas tayo eh , ganyan ang pinagkikikilos mo.",paglilitanya ko.
" Okey, so sa loob pwede. ", pabirong hirit ni Shima.
" Ewan ko sayo!!!", sabi ko sabay para ng dyip.
" Uy... sandali. ",wika ni Shima.
Lumagpas ang dyip na pinara ko kaya hinabol namin. Nakasunod si Shima sa akin . May bumaba sa harapan ng dyip kaya dun kami sumakay. Bigla kaming natigilan kung sino ang magiging katabi ng driver. Dahil ayoko kaya napilitan si Shima na maunang sumakay at ako naman ang umupo malapit sa pinto sa unahan.
Kalong ni Shima ang ecobag na may pagkain at ako naman ay bag namin ang dala ko. Nang magsimula nang umandar ang dyip, napansin ko na pahikab-hikab si Shima.Halata sa kilos nito na pagod na pagod ito.
Habang patuloy ang pagtakbo ng dyip ay malaming na hangin ang sa amin ay humahampas. Malamig at hindi mo mararamdaman ang alikabok. Ito ang dahilan kaya gusto ko dito sa inuupuan ko. Presko kasi.
Naeenjoy ko ang hangin. Aliw na aliw ako sa mga kalyeng aming nilalampasan at mga taong, kahit malalim na ang gabi ay patuloy pa rin sa paghahanapbuhay. Sabi nga nila, ang taong tunay na masipag ay walang kinikilalang oras ng trabaho.Napangiti ako. Malaki ang paghanga ko sa mga taong nagpupuyat para kumita sa malinis na paraan kasi roon ako galing at hindi yun madaling gawin.
Habang busy ako sa pagtunganga ay nakaramdam ako ng biglang pagbigat ng kaliwa kong balikat. Paglingon ko ay nakita ko si Shima na nakahilig sa balikat ko, tulog.
Mukhang mas pagod si Shima kaysa sa akin... paano kasi, yung pressure na manalo bukod pa sa gutom ... dahil hindi sya kumakain ng gusto nya para mapanatili ang hubog ng kanyang katawan. Pinagsasabay pa nya ang oras para sa trabaho at sa pageant duties. Hay Shima! Minsan, naiisip ko, kung hanggang kailan mo sasakyan ang kumplikadong buhay ko bago ka magsawa.
Iniayos ko ang ulo ni Shima sa pagkakahilig nya sa balikat ko. Wala akong pakialam kahit yung mga nakasakay ay nakikita kong nakatingin sa amin kapag nasisilip ko ang side mirror ng dyip. Ito lang ang magagawa ko ngayon, ang sya naman ang bantayan ko habang sya ay natutulog.
Ilang saglit pa ay ginising ko na si Shima. Malapit na kasi kami sa aming bababaan. Pinara ko ang dyip at kami ay bumaba. Pupungas pungas pa so Shima. Peto kahit nasa ganun syang situation, hindi pa rin nya nakakalimutan ang ngumiti. Anglakas makagaan ng loob ang ngiti na yun.
Hindi ko sya pinagod pa ng husto. Sumakay kami ng trycycle. Pinahilig ko ulit sya sa balikat ko. Sabi ko , "Idlip ka muna ulit. Alam ko pagod ka... ".
" Ikaw ba , hindi ?! Mas pagod ka kasi bumiyahe ka pa.", pagdadahilan ni Shima habang pilit na ibinubuka ang mga mata.
" Sanay ako sa ganito. ", sabi ko sabay marahan kong ihinilig ang ulo nya sa balikat ko. " shhh na! Idlip. Hapon, wag kang makulit. " dagdag ko para tumahimik na si Shima.
Mga five minutes na byahe din yun. Menos kinse bago mag alas onse na nang makarating kami sa tow away compound.
Pagpasok namin sa compound ay may bago na naman. May ilaw na daanan. Yun yung ilaw na nilalagyan ng asin? Basta yung hindi de koryente. Impressive! Kanino kayang pakana ito?
Inaalalayan ko si Shima kasi sobra ang antok nito. Ako ang nagbibitbit ng lahat tapos nakaakbay ba sa akin si Shima. Buti na lang talaga at walang aftershock yung sakit ng ulo ko. Kung nagkataon, gagapang kami pareho.
Nung malapit na kami sa Balai Bus ay nakita kami nina Yamato at Tomah. Nagtinginan ang dalawa bago ang mga ito lumapit. Kinuha nila ang dala ko . Si Shima naman , ayaw bumitaw sa akin . Nagpapabebe si hapon kaya hindi sya naalalayan ni Tomah.
" Tomah, Yamato , pagkain yan, bigay ng cliente ko. Mainit pa yan. Eh, alam ko hindi kayo nakakain masyado ng masarap dito kaya yan. ", sabi ko sabay ngiti.
Agad na binuksan nina Tomah at Yamato ang ecobag na malaki. Halos kuminang ang mga mata ng dalawa nang makita ang laman.
" Salmon! ", sabay na sigaw ng dalawa.
Napalakas ata ang sigaw ng dalawa kaya biglang sumilip sa bintana si Yuri at si Dasuri. Nagkatinginan kami ni Dasuri. Totoo , hindi ako sure kung okey kami kasi kahit ngumiti na sya sa akin , still hindi pa kami nakakapag usap.
Agad ang mga itong pumasok sa balai bus para ayusin ang pagkain. Pumasok na din kami ni Shima. Nagkasalubong kami ni Dasuri.
" Shima, are you okey? ", tanong ni Dasuri na halatang worried.
Humihikab na sumagot si Shima. Kumalas ito sa pagkakaakbay sa akin at nag stretching ng konti.
" I'm perfectly fine... I just needed a nap. ", sabay ngiti. " I "ll take a shower ... oh and by the way... Rodney brought food for everyone. Dasuri , its fave... ", dagdag ni Shima sabay kindat sa akin. Agad itong umakyat sa taas ng BB at naiwan kami ni Dasuri na kami lang. Awkward...
Ilang segundo din kaming nakatanga sa isa't isa. Hindi namin alam kung paano magsisimulang mag-usap. Kung anong topic ang magandang pambungad. Pero syempre, gusto ko talagang magkaayos kami. Sa isip ko , okay lang siguro na magsimula sa , How are you... para mag initiate ng convo.Tama ganun na lang ang gagawin ko.
Magsasalita na sana ako. Ready na akong bigkasin ang unang salita. Nagclear ng throat , huminga ng malalim at nagbasa ng labi.
"Ho....", sabi ko ng biglang tumunog ang phone . Fuck Shit ang timing ha! Seryoso!!!
Nawala ako sa momemtum at wala akong nagawa kung hindi ang tingnan kung sino tumatawag. Pagtingin ko sa caller ID ng phone. Ang nakalagay, unregistered number. Nakita din Dasuri ang nakasulat sa ID. Nagkatinginan kami ni Dasuri. Agad kong sinagot ang tawag.
Hindi ako agad nagsalita at nakinig muna ako kung sino ang tumatawag.
" Hawak ko ang mga documents na sisira sayo... ", sagot ng pamilyar na boses. Kumabog ang dibdib ko. Alam kong nakita ni Dasuri ang pagbabago ng expression ng mukha ko.
Agad akong lumabas ng BB para makalayo at makahanap ng lugar. Nung nakalayo na ako ay saka ako huminto.
" oh, bakit hindi ka makapagsalita , Rodney. Hindi mo ba ako tatanungin kung paano ko nakuha ang number mo. ", dagdag pa ng boses sa phone.
" Yung ilong mo ang patunay na walang imposible sa may pera. Tama ba ako,Alfonze? " sagot ko na nagngingitngit ako sa galit.
" Wow, klaseng inexpect mo na 'to. So, alam mo na yung kundisyon. ", sabi ni Alfonze na seryoso ang boses.
" Alfonze , kung ikukumpara ko sa android ang utak nating dalawa, utak mo, tumigil na sa kitkat. Utak ko, noggat na, upgradable pa . Kilala na kita... expected ko na ang tawag na ito... at no deal ang sagot ko. Tuloy sina Shima at Owen sa contest.", firm kung sagot habang nangigigil.
Nakarinig ako ng sarcastic na tawa sa phone. Klaseng napikon si Alfonze sa sagot ko. Instant din itong tumigil.
" Tapang mo rin no! Samantalang, isang surot ka lang na walang kayang gawin kundi ang magtago sa likod ng protektor mo kasi lampa ka. Your the weakest link sa kanilang dalawa. Alam ko na 'Pag kinanti kita... lalaban sila at matatalo lang ako. Pero kapag dinaan kita sa blackmail, wala kang choice kung hindi ang sumunod sa sasabihin ko." wika ni Alfonze. " Wala na ako sa drift squad... kaya ayos lang na traydorin ko si Gerard by exposing you. ", dagdag pa nito.
Kinabahan ako. Sa tono ng pananalita ni Alfonze, meron syang alam. Isang sekreto na makalasira sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Nawala ang pagkamahinahon ko. Napakuyom ang aking palad. Nanggigil ako sa galit.
" Subukan mo lang ... Alfonze na gawin yan. Promise... kahit ako lang mag-isa, sisiguraduhin ko... kahit si Vicky Belo, hindi marerepair ang pagmumukha mo.", nanggigigil kong tugon.
"Pano? I cacarwash mo ako. Don't be silly!!! ", singit ni Alfonze habang natatawa, " I tell you what... alam kong malaking iskandalo ito pag nagkataon... at madadamay pati ang nanay mo, kaya i'll give you enough time... to think. CHOOSE WISELY ", hirit ni Alfonze sabay hung up.
Tigalgal ako sa mga narinig ko. Chain reaction ang laro ni Alfonze. Alam nya na ako weakest link na pwede nyang gamitin para mapagback out sina Shima at Owen. Weakest link?! Tingnan natin. I guess, ito na yung time na masusubukan ko ang diskarte ko kung paano ito lulusutan. Ang challenge , hindi malaman ng mga kaibigan ko na may ganitong problema... lalo na nina Owen at Shima.
Agad kong tinext ang isang tao na hindi ko inakalang itetext ko.
" Meet tayo sa antipolo church ..." send. Ilang saglit pa ay may nagreply.
Forward tayo ng 15 hours, Sabado, mga alas dos ymedia. Papunta na ako sa Ynarez gym sakay ng motor dala ang damit ni Shima . Hindi ako nakatulog ng maayos kasi ang dami kong iniisip. Labing limang oras na ang lumipas pero wala pa rin akong plano. LORD, sana tulungan nyo ako makaisip ng paraan.
Rewind tayo ng anim na oras. Same day, 8:30 am ng umaga ay nandoon na ako sa Rotary club. Malalin ang iniisip ko dahil hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin.
Sinalubong nina Jello at ng mga kasama nya sa sayaw. Inabot ko sa kanya ang lalagyan na ipinahiram nila sa akin para dun sa pagkain na ibinigay nila kahapon.
" Coach... ", wika ni Jello. " Ang galing mo kagabi. Nga pala , alam namin busy ka kaya okay na daw po na doon ka sa pageant maging busy... kaya na po namin. ", dagdag pa nito.
" Sure kayo?", sagot ko naman kay Jello.
" Syempre, kahit tulog , masasayaw na namin. From start to end. Ipapakita pa nga namin sa'yo mamaya. With lights.", confident na sagot ni Jello.
Klaseng handang handa na sila sa anniversary nila dahil ayos na ang lahat. Inilalagay na rin ang LED screen sa stage. Kinamamayaan pa ay lumapit naman sa akin ang ama ni Jello.
Inabot nito sa akin ang isang sobre. Nagulat ako ng makapa ko ang laman, medyo makapal.
Agad ko itong binuksan at napatanga. Confused ako kung bakit ang dami.
" Sobra po ata 'to? ", bungad ko na medyo nahihiya. " 2400 lang po yung charge. ", dagdag ko.
" I know , pero nung kinumpute namin sa hours na inilagi mo sa pagtuturo, 25 hours ka na nagtuturo sa amin. Pumapatak na less than a hundred ang charge mo kada oras. Ikaw pa yung umayos ng mga music. Tapos hindi pa kami madaling turuan. Bukod dun, ang dami pa ng tinuruan mo kaya we are amazed on how you were able to pull off such a great performance for us ... i dont think na deserve mo ang 2400 lang.",ngumingiting sagot ng tatay ni Jello.
" Sobra na po ito. Naenjoy naman po eh. ", nahihiya kong sagot.
" Rodney!", sabi ng tinig na natinig ko.
Paglingon ko ay si maam Sofia at naglalakad ito papalapit sa amin.
" Tanggapin mo na yan, and i don't want to here any but's.", sagot ni Maam Sofia na firm.
" Per... ", subok kong magdahilan.
" Hep.... ", pigil sa 'kin ni maam Sofia. " Zip it . "
Hindi nako nakapalag at tinanggap ko na lang. Siguro ay mga 7,500 pesos din yun. Nalula ako kasi triple ang binayan nila sa akin.
Habang nag-uusap ay namention ng isang amiga ni Maam Sofia ang tungkol sa support sa mga kandidato namin. Nagconfirm sila ng support sa kanila at inaayos ma ang online diposit para sa dalawa. Laking pasasalamat ko dahil nagtiwala sila sa ngo na napili naming isupport.
Nakakagulat na updated ang mga ito sa mga shifting ng results ng pole pagkatapos ng show kagabi. Totoo , wala yun sa isip ko ngayon.
Mga 10 am nang magsimula kaming magdry run. Mula simula hanggang katapusan. From opening hanggang sa finale ay ni run through nila ng tuloy tuloy. Masaya ako sa performance nila. Malinis at walang mali.
Pagkatapos ng last performance ay biglang nagopen ang LED screen. Nashock ako nang ipakita sa monitor ang stage ng pageant. The Sun and Moon of Rizal.
" We checked kasi kung televised ang pageant ... kaya nung malaman namin na i bobroadcast. Kaya we subscribe sa pay per view. Lalo pa't everyone is interested to find out kung mananalo ang pambato namin. ", sagot ni Madam Sofia.
Speechless ako. Lalong nabup sa isip ko na hindi talaga dapat na magbackout ang dalawa. Lalo pa ngayon , madaming naniniwala sa kanila na kaya nila, bukod dun, noble ang reason namin kaya sila pumayag na sumali... kaya hindi ko sila dapat idamay sa maduduming paraan ng kalaban nila.
Meanwhile, nagpahinga muna kami ng sandali pagkatapos ng run through. Nagpaalam na ako na kailangan ko nang umalis nang lumapit si Maam Sofia at ibinigay nito sa akin ang malaking box na puti na naglalaman ng damit na isusuot ni Shima. Wag ko raw muna buksan kasi para surprize daw.
" Dahil kilala na namin ang magsusuot kaya ni level up na nila ang pagkakayari.", sagot ng isang beki na amiga ni Maam Sofia.
" Go! We're good na dito... kaya punta ka na sa main event. ", nakangiting sagot ni Maam Sofia.
Nagpasalamat ako sa lahat ng tulong nila. Kahit nalulunod na ako sa tuwa dahil sa support nila kina Owen at Shima at sa pera na pandagdag ko sa pag- aaral ko, hindi pa rin naaalis sa isip ko ang banta ni Alfonze.
Forward tayo ulit. 2:45 pm sabado. Nasa harapan na ako ng ynares gym. Nakatitig lang ako sa kawalan. Biglang tumunog ang cellphone. Si Alfonze. Agad ko itong binuksan at nakinig sa kung ano ang pwede nitong sabihin. Wala akong imik.
" tik tok, tik tok, tik tok... Ano ... may babackout na ba? ", tanong ni Alfonze.
" Wala... walang baback out sa amin, at wala kang mahihita sa pangbablack mail mo sa akin. ", tugon ko habang pinipilit ko na maging mahinahon.
"Kaw bahala. Alam mo nakakahanga ka , you have the gutts . Kaso nasa mali kang kampo. Anyway... intayin mo sa show kung paano kita ipapahiya. I quess deretsahan ko na lang gagawin. For sure , this kind of humilliation would be enough to distract them. ", sagot ni Alfonze. Naputol ang linya.
Naiwan ako sa dalawang moral choices, family or family. Pamilya ko na ang mga carwash boys at nandoon sila nung hirap ako kaya hindi ko kaya na sirain ang pinaghirapan namin para tulungan ang isa pero kung hindi ko sila iaabandona ngayon, mabubulgar ang sekreto ko, na magdadala ng kahihiyan sa nanay ko. Kailangan kong mamili sabi ng isip ko pero sabi ng puso ko, hindi ko kailangan, yun ay kung handa akong lumapit at humingi ng supporta , sa mga hindi ko mga close.
Pumasok ako sa entrance ng mga staff. Inaantay ako ni Cram sa gate. Ibinigay nya sa akin ang staff ID para makapasok ako.
Si Cram at si Claudia ang magiging PA ni Owen habang ako at si Amor ang magiging PA ni Shima.
Nang makarating ako sa loob ay wala doon ang mga contestants. Nasa stage ang mga ito at nag rurun through din. Hindi ako mapakali. Iginagala ko ang paningin ko sa paligid. Iniisip ko kung ano ang posibleng way ni Alfonze para naexecute nya ng maayos ang masama nyang balak.
Sa gitna ng pagtunganga ko ay may biglang dalawang palad ang humawak sa magkabila kong balikat. Paglingon ko ay sina Owen at Shima.
" Dito ka lang ... para safe ka. ", bungad ni Owen.
" No outsider can go inside... kaya stay close sa amin. DON'T WORRY, WILL WIN THIS. ", confident na hirit ni Shima.
After seeing Owen at Shima... may kung anong ideya ang pumasok sa utak ko. Ginagawa nila ang lahat para sa akin. Yun ang dahilan kaya hindi ko masabi sa kanila ang totoong sitwasyon. Hindi kaya ng konsensya ko na mag ququit sila para protektahan ako, napaka selfish yun. I quess ang kailangan kong tulong ay manggagaling sa mga taong pipiliin ang interest ng iba over me... and alam ko kung sino ang taong yun.
Habang timityempo ako ay tinext ko agad si Dasuri na kailangan naming magkita. Wala pang 30 minuto ay nandyan na sya sa gate kasama si Yuri. Agad akong lumabas. Iniwan kami ni Yuri makapag-usap. Awkward man ay kailangan. Deep breath... hay... enlishan na naman ito.
Inabot ko ang ID kay Dasuri. " You can do more , when you're in there. I just need to fix some things. I hope you will help me. My friends are now your friends as well. I don't want to waste all their efforts just to protect me. I have to face my conflicts alone. ", bungad ko kay Dasuri.
" I don't get it. I don't dig you. ", nalilitong sagot ni Dasuri.
" Someone is going to use my tragic past so that Shima would quit. I know that you know now, why they joined the contest and how important it is for them to win. I can't stand in their way. Specially now that we have a chance. ", paliwanag ko kay Dasuri. " I beg you to please keep them focus to our goal , and don't let any SET BACKS to stop them from winning. ", dagdag ko.
" You really think that I'm worth trusting?", mataray na sagot ni Dasuri.
" I don't know, but I'm sure of one thing, no matter what, you'll do what is best for Shima.", sagot ko na nangingiti.
Inabot ni Dasuri ang ID. Ngumiti ito. " Your a very honorable man, Rodney. Now i understand why Shima's smile is sweater when ever he's with you. You're simply chaotic, stubborn, unpolished, reckless ...and... and ... pu... pure. Qualities that i'm scared to have .", wika ni Dasuri.
Pareho kaming nakatingin sa isa't isa. Walang imik. Ito siguro yung point na masasabi kong okay na talaga kami. Na sa gitna ng mga salitang hindi nasambit, nagkaunawaan kami , at buti na lang. Critical level na ang english ko.
" So what's next? ", tanong ni Dasuri habang naglalakad kami papunta sa motor. Sumakay ako at isinuot at helmet sabay start ng motor.
" face my demons ... alone.", sabay patakbo ng motor.
Humaharurot ang motor. Para akong riding in tandem na tumatakas dahil sa sobrang bilis. Papunta ako sa Antipolo church, ang meeting place.
Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang dome ng simbahan. Pagkarating ko doon ay agad akong pumasok. Nagfaflashback sa akin ang pagtetext ko sa kanya kagabi. Agad syang nagreply.
" What do you want from me?", Gerard.
Hindi na ako nagreply pagkatapos. I want to keep him guessing para masigurado kong pupunta sya. At hindi nga ako nagkamali. Nandoon sya sa gitnang bahagi ng simbahan, nakatayo.
Lumapit ako at tumayo sa tabi nya. Nakaharap kami sa Altar ng simbahan at hindi namin magawang lingunin ang pagmumukha ng isa't isa.
" What do you want from me? ", tanong ni Gerard.
" Wala... pero ikaw, may kailangan kang sabihin sa akin. ", sagot ko na firm.
" I don't owe you anything. ", sagot ni Gerard sabay talikod at aktong aalis na.
Agad kong pinigilan si Gerard at hinawahan ko ang balikat nya. " Sandali , hindi pa tayo tapos. ANONG KATANGAHAN ANG GINAWA MO PARA MAY MAHALUKAY SI ALFONZE TUNGKOL SA AKIN?", galit kong tanong.
Tinanggal ni Gerard ang kamay ko sa balikat nya at saka ito humarap.
" His not part of my squad anymore. Kaya i don't care kung ano pa ang malaman nya tungkol sa'yo! ", sagot ni Gerard na may nakakalokong ngisi.
" Wala kang pakialam ? Talaga ? Kahit pa madamay si nanay na nanay mo rin. ", sagot ko habang nagtitimpi na hindi magalit. " Binablackmail ako ni Alfonze naalipores mo dati, at may alam sya tungkol kay nanay... at ieexpose nya yun kung hindi kami mag backout sa pageant. ", pagdedetalye ko kay Gerard.
" The equation is easy... backout... tapos ang problema. ", pilosopong sagot ni Gerard.
"Hindi! Hindi ko sasayangin ang pinaghirapan ng lahat para masagip ko lang ang sarili ko. ", apila ko kay Gerard.
" Then what do you want me to do?", pasigaw na sagot ni Gerard.
" TULUNGAN MO AKO , KAHIT NGAYON LANG ... alang-alang man lang kay nanay. Kasi hindi ito gulo ng iba... gulo natin 'to. ", sincere kong apila kay Gerard.
" Now you know why, i hated you. Kasi ...gulo ang dala mo kahit saang tingnan, ang i wish you were never born. Kasi kung wala ka, walang dapat pagtakpan , walang dapat itago. ALL OF THIS IS HAPPENING NOW BECAUSE YOU EXISTED", nanggagalaiting sagot ni Gerard.
Nasaktan ako sa mga sinabi ni Gerard. Totoo naman lahat ng sinabi nya. Nanghihina ako sa mganarinig ko. Ang sakit masumbatan at masisi sa kasalanang nabuo bago pa ako nabuhay. Humugot ako ng malalim na hininga. Nag-ipon ng lakas ng loob bago ako nagsalita.
" Isisi mo sa akin lahat , kaya kong tanggapin. Gusto mo akong mawala ... sige , madali lang yan. Sana lang, marealize mo na gagawin ko 'to , para protektahan si nanay , ang mga taong mahalaga sa akin at kahit hindi mo tanggapin, pinoprotektahan din kita , kasi kuya mo 'ko.", sagot ko kay Gerard sabay alis.
Agad akong nagmotor para makalayo. Wala akong aasahan na tulong kay Gerard. Naguguluhan na ako sa dapat kong gawin.
Pumunta ako agad sa overlooking para doon magpalipas ng oras. Gusto kong sumigaw kasi nasasaktan ako. Tama ang sinabi ni Gerard. Kahit anong sikap ko para protektahan ang ibang tao, hindi ko rin maitatanggi na gulo din ang dala ko. May mga taong nasasaktan dahil sa akin. Wala na akong ibang option. Walang nang madadamay.
Tinawagan ko agad si Alfonze... agad nya itong sinagot.
" O Rodney... nakapagdecide ka na ba?", bungad ni Alfonze sa akin.
" Walang magbaback out at wala kang ilalabas na iskandalo. ", sagot ko habang mabigat ang dibdib.
" Eh , bakit ka tumawag? Para sa ano itong tawag mo kung wala akong mapapala. ", pilosopong tanong ni Alfonze
" Wag kang ipokrito , Alfonze. Kung gusto mo talaga silang mag backout para manalo ang kapatid mo, didiretsahin mo sila, pero hindi. Idinaan mo sa akin para masamantala mo ang pagkakataon. Alam ko na ito ang gusto mong mangyari , ang makipagtawaran ako.Pwes makukuha mo na. ", sagot ko na seryoso.
" At ano kaya mong ibigay na kapalit. ", tanong ni Alfonze na mukhang interesado.
" Ako. Alam ko na gustong gusto mo akong tirisin dahil sa kahihiyan na binigay ko sa'yo . Alam ko rin na gusto mong pahirapan ang mga kaibigan ko dahil sa nangyari sa bodega kaya inabala mong gawin ito. Kaya heto na, sayong sayo na. Solusyon sa lahat ng problema mo. Walang resbak na darating sahil ako lang ang may alam. Ipangako mo lang na tatantanan mo ang mga kaibigan ko pagkatapos nito at hindi mo na idadamay ang nanay ko. At bigyan mo ako ng ilang oras para makapagpaalam. ", malungkot kong sagot.
" Deal... ", sabay naputol na ang linya. Pigil hininga ako noon. Walang anoano ay naiyak ako.
Siguro , ito ang pakiramdam ng isang bayani. Ang piliin ang mga taong mahalaga sa'yo higit sa halaga ng sarili mong buhay. Kung tutuusin sobra sobra nang kabayaran ang buhay ko, kaso iba na ang panahon ngayon. Ang mga tulad ni Alfonze ay sobra kung maningil. Isa pa, para sa nanay ko, maliit lang na sakripisyo yun, magkaroon lang sya nang matahimik na buhay.
Ito na siguro ang ending ng detour. Sa dinamidami ng liko ng byahe ko, sa dead end lang pala mapupunta. Pero masaya ako na atleast sa huli , wala akong sinayang. Kahit sa huli , nagkaroon ako ng mga kaibigan na nakasama ko sa hirap, nagkaroon ako ng mga magagandang ala-ala at higit sa lahat , may nagmahal sa akin ng walang tanong, well meron pero konti lang. Naging masaya ako kahit sandali kaya anong karapatan ko na magreklamo.
May malalim akong dahilan. Kapag naikwento ko na yun, roon palang majujustify kung bakit payag na ako na mawala.
9:00 pm , trenta minutos na lang at magsisimula na ang pageant. Tumawag sa akin si Maam Sofia para sabihin na succesful ang anniversary at nakatutok na sila sa LED screen para manood. Puno na ang Ynarez Gymasium. Kahit balisa, ay nagpanggap akong walang problema.
Sa inuupuan namin ay kumpleto ang lahat. Ang mga carwash boys at si Mang Nato, Ang mga hapon boys lead by Yuri, Ang mga kusina gays at si Lexi, Ang mga Coolilit teens at mga kaibigan at kaklase na dating nag-aaral sa Colehiyo de San Francisco. Kanya kanya silang paandar.
Nakakagulat na makita na angdami na palang supporters nina Shima at Owen. Mga supporters na hindi ko kilala. Ipinakita pa Jonas sa akin na sobrang dikit na yung dalawa dun sa number 19 na contestant sa poll , far fourth at fifth sina Altran at Blue pero malayo na rin ang agwat nila sa iba pang contestant.
" Jonas, konti na lang at makakapagsimula na kayo nang mas magandang buhay ni baby Vien. Ginagawa nila ang lahat para manalo. ", excited kong hirit kay Jonas.
" Alam mo Rodney, hindi na naman kailangan. Nakalabas na si Vien sa hospital at yun naman ang mahalaga. Masuwerte na nga kaming mag-ama na nandyan kayo. Sapat na yun . ", sagot ni Jonas. " Mas nag-aalala ako sa'yo. Kilala kasi kita, pinanganak kang yatang martir ba o likas na tanga... basta! Sana lang, hindi mo inilalagay ang sarili mo sa peligro para protektahan kami ", dagdag pa nito.
Tinamaan ako sa sinabi nya, pero hindi nako nakasagot. Mahirap na. Baka may nasabi akong mali.
Habang nag-aantay sa show ay tumayo si Yuri at bumaba. Dahil naiihi ako ay bumaba din ako. Pagkatapos kong magcr ay nakita ko si Yuri na may kausap sa phone at pagkatapos ay nilapitan ito ng isang bantay ni Dasuri na babae. Hindi ko nalang pinansin at sa halip Lumabas muna ako para magpahangin.
Naiimagine ko na kasi ang mangyayari. Pagkasundo palang nila akin, sa sasakyan palan, tiyak bubugbugin na ako ng husto hanggang sa magkaluray-luray na ang buto ko. Tapos pagkarating namin sa kung saan man, katakot takot na torture ang aabutin ko. Gore mang isipin , hindi nalalayo na kapag napatay nila ako, baka itapon na lang ako na putol putol ang katawan or buo tapos may sign board sa katawan na may nakasulat... " Pusher , wag tularan. "
Sa gitna ng pag-iimagine ko sa aking potential ending ay naramdaman kong may nagbibibrate sa bulsa ko.Inilabas ko ang cellphone ko nang maramdaman ko na may tumatawag. Si Dasuri. Agad kong sinagot.
" Hello..."
" Rodney, wait you have to talk to him...", sabi ni Dasuri
"Hello...", sagot ng isa pang tinig. Si Shima." Alam ko may balak kang gawin... alam ko may hindi ka sinasabi para protektahan kami. I knew it lalo na nang makita ko si Dasuri kapalit mo. ", seryosong salita ni Shima.
" Sira, mas gusto ko manood. Dami mong drama...", sabi ko habang pinipigilan kong ipahalata na nagsisinuling ako.
"Kagabi ko pa ramdam yun dahil hindi ka nakatulog ng maayos sa tabi ko. You became detached like when we first met. ", mahinahong salita ni Shima. Hindi na 'ko nakasagot kasi totoo.
"Ayoko na ganyan ka. Ayoko na kinukulong mo ulit ang sarili mo. I had to talk to you just to set things straight kasi hindi ako mapalagay. Isa lang ang gusto kong marinig from you... isa lang. You won't do anything stupid! We'll stay in the competition because you want us to win this pero please... wait for me. ", pagsusumamo ni Shima.
Hindi ako makasagot kasi nakapagbitaw na ako nh salita kay Alfonze. Naririnig ko si Dasuri na minamadali na si Shima pero hindi pa rin ito bumibitaw sa phone. Iniintay nya akong sumagot.
" Galingan mo ha... pulbusin mo yang si Zan na yan para sa akin. Ako na ang bahalang pumulbus sa kapatid nya dito. Wag kang papakita na talo.", sagot ko habang nangingilid ang luha.
" I'm good with that. ", huling salita ni Shima.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY 2 " Detour" (boyxboy)
Romance"The most memorable journeys were those that had unexpected detours." In book 1, naiwan si Rodney with Owen habang nasa Japan si Shima. Rodney faces the greatest challenge lalo pa't parang magsisimula sya ulit and technically , mahirap talaga for h...