A.N
sorry po talaga sa tagal ng UD kasi naman pinasabugan ng Kuya ko yung computer namin kaya ayon wasak tapos ang tagal pa'ng napalitan tsaka yung trahedya pa dito sa Cebu..:3
Anyways, hope you enjoy and continue reading this story :)
ELLA's POV
*RINGGG*
Hay! sa wakas, tapos na rin yung klase namin at makaka-uwi na rin ako makakasama ko na ang pamilya ko.
Ang OA ko talaga! parang araw-araw naman kaming nagkikita nina mama at Gayle hahahaha.
Nagkabati na rin kami ni Nive, ewan ko ba doon may pa kanta-kanta pa siyang nalalaman ang panget naman boses ,hahaha.
Simula noong nakalabas na ako ng hospital parang bodyguard ko na si manong Nive,parating nakabuntot at parang tatay ko kung maka-asta.
"ELLA!!!! *kaway-kaway*"
ayan na naman siya
i ALMOST rolled my eyes on him,kaya nga almost kasi hindi ko magawa siguro kasi---kasi I Like Him? hindi pa kasi ako sure kung like ba talaga.
"Oh, tatay anong problema natin ngayon?"
"hatid na kita Nanay"
oh ang taray ng endearment namin noh? ewan ko sa kanya porke't tinawag ko siyang Tatay ay tinatawag na rin niya akong Nanay para tuloy kaming mag-asawa :3
"Pero kasi Tay sina Kylie, nag-iintay sa akin"
"huh? eh Nay kanina pa sila umuwi,nakasalubong ko sila kanina sa parking lot "
"eh baka naman doon nila ako hihintayin Tay,ikaw naman.."
"hintayin? eh sumakay na nga sa kotse tapos umalis na, hihintayin pa rin?"
Mga traydor talaga ang bruhang yun,may pa "see you there" pang nalalaman, iiwan din pala ako.
Sumuko na ako.sumama nalang ako sa kanya eh kesa naman mag-isa lang akong uuwi,boring din no
"Nay punta muna tayo ng rooftop, maaga pa naman eh, 5:45 pa oh "
Naku itong lalaking ito kung anu-ano ang sinasabi, ano na naman kaya ang balak nito ngayon?
nasabi ko na ba sa inyo na parang "nangliligaw" na itong isang 'to sa akin? kasi naman kahit saan niya ako dinadala tapos may mga kung anu-ano pang binibigay sa akin. Ayaw ko namang maging isang Assuming pero--ewan!
"Tara na,Nay"
hindi na ako nakasagot pa kasi hinila na niya ako papunta doon.
Hiamala naman ngayon at maagang nagsi-uwian ang mga students, very good.
naglakad-lakad pa kami papunta roon at siya naman walang tigil sa pagdadaldal sa isang topic lang naman kami sumeryoso at pigil na pigil ko ang mga hininga ko sa oras na'to ang lakas din ng kabog ng dibdib ko parang sasabog na.
"Nay, if i tell those three words and eight letters to you which we both know kung ano yun, sasabihin mo rin ba sa akin yun?" lutang na lutang akong nakatitig sa mga mata niya.
Matagal bago nagsink-in sa utak ko yung mga sinabi niya sa akin. He was sincere and i know there's love nung sinabi niya yun sa akin. Kahit hindi man yung whole 'I LOVE YOU' yung narinig ko, i know soon tsaka sigurado na rin ako sa isasagot ko kapag ganun.
"Nay! huminga ka naman oh~ baka akdjikchjniwaije" huh? ano daw? hindi ko siya maintindihan.
"Ano? may sinabi ka?"

BINABASA MO ANG
The Unexpected ( editing)
Novela Juvenila cliche story of a girl that does not believe in the so called forever by couples and later on finds her "long lost" childhood friend and whom she sees as a boyfriend. Can he change her thoughts of not believing love? Can he be love for her himsel...