"Bakit mo ko iniwan?!" mangiyak ngiyak kong sabi with matching kusot kusot ng mata.
Mukhang confused na confused ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Pano ba naman, hindi niya ako kilala at gumagawa ako ng eksena dito sa Mall.
>>> Earlier <<<
"Chan, ba't ba tayo nandito? Nabo-bore na ako." pagmamaktol ko kay Chandria.
"Teka nga lang bes, wala pa si Kevin." sagot ni Chandria habang tumitingin tingin siya sa phone niya.
Kasi ba naman magdadalawang oras na kami dito kakahantay sa boyfriend niya.
"Hay nako, kung alam ko lang na maghihintay tayo ng ganito katagal, edi sana nakapag-ayos pa ako ng sarili ko. Nakapag linis man lang ako ng kwarto ko, natapos ko man lang yung iba kong assignments, nakapaglaba man lang ako nung mga panty ko. Andami ko na sanang nagawa, Chan. Hindi kayo marunong sumunod sa usap--"
She cut me off. "Okay. Tama na. Sorry na oh." she said, apologetically. "Ganito tuloy, maglaro na lang tayo."
Ako lang naman kasi ang marunong tumupad ng usapan eh. Mas gusto ko kasi yung ako yung nag-aantay kesa sa ako nagpapa-antay. Pero hustisya naman teh! Dalawang oras na kami naghahantay!
Birthday kasi ni Kevin ngayon and sabi niya iti-treat niya daw kami. Pumunta lang naman ako para kay Chandria. Hindi kasi alam ng parents niya na may boyfriend siya kaya dapat kasama niya ako kasi baka may makakita sa kanya na si Kevin lang ang kasama niya eh baka magsumbong sa parents niya. At kahit birthday ni Kevin ngayon, mababatukan ko talaga siya. "Sige." kahit konti nabuhayan loob ko.
"Every week in one month, may supply ka ng egg pie sakin.."
Bigla namang kuminang yung mga mata ko dun at mas lalo akong nabuhayan. "Ay bes! Gusto ko yan!" Fave ko ang egg pie eh.
"But!" she raised her hand at me to stop my excitedness. "I dare you to make a scene in here. You must confront a guy saying that he left you and didn't love you all the years he spent being with you. Magdrama ka all you want. Basta make a scene."
Napabusangot ako. "Just WTF, Chands." I said plaintively. Hindi na nga ako kagandahan, papagawin niya pa ako ng ganyan. Shete lang. Pero one month din na supply ng egg pie yun. Egg pie yun. EGG PIE! And egg pie is life for me!
"Ano, goodbye one month supply ng egg pie na ba, Am?" Chandria said slyly. I know she's tempting me.
After a few moments, pumayag na din ako.
"Okay, fine. Basta ha! Yung egg pie." paninigurado ko. Tumango siya.
"Sino bang lalaki dyan?" tanong ko while letting my eyes roam around the mall.
Tinuro niya ang isang guy na naglalakad patungo sa escalator. He looks like a good guy. Medyo shy pa nga ang aura niya. Ang tanga din talaga minsan pumili ni Chandria. Mukha bang manloloko yang lalaking 'yan?
Tinakbuhan ko na siya para maabutan ko siya. PARA SA EGG PIE NG BAYAN! este NI AMELIA FEDRICO!
Hinila ko siya medyo palayo doon sa escalator dahil magiging harang kami sa daan. Napaharap siya sa akin.
-------
And here we are now.
"After all the sacrifices I did for you! I disobeyed my parents for you! I left my friends for you! All the heartaches and headaches you gave me, iiwan mo lang ako? Iniwan mo ako just for a girl you just met?" naghi-hysterical na ako doon. Pero deep inside kinakabahan ako ng bonggang bongga. Leche lang talaga Chandria!