Chapter 10.2

16 0 0
                                    

Nilapitan ko siya. I couldn't control myself from smiling. "Thanks for bringing me here, Blaze. Sayang nga lang hindi ako makakapag swimming. Wala akong dalang extra na damit eh."

He opened his duffel bag and revealed a dark green shirt. "Who said you wouldn't?" Ibinigay niya sa akin yung shirt. "Use it for a while."

"Sure ka? Pano ka?" I asked.

"I'm a guy, Am. I could go topless."

"Err, okay. Sige, magbibihis na ako." I said at naglakad na patungo sa mga puno para magbihis.

Nang maisuot ko yung shirt ay hanggang sa pwet ko ang haba nito. May suot naman akong cycling kaya okay lang.

I left my uniform kay Blaze na naghahanda ng pagkain. He's roasting a fish. Habang ako naman ay tumakbo na ako patungo sa tubig.

The salty water enveloped my body. Sobrang ganda ng dagat. Ang linaw pa ng tubig. Kitang kita mo pa yung paa mo sa ilalim ng tubig.

I let my hair down as I swam under the water. It's so refreshing.

It's a cloudy day kaya hindi naman ako iitim nito. I hope so. Haha!

"Amelia! Kain muna tayo." Blaze called.

Umahon na ako sa tubig at pinuntahan siya. We eat the roasted fish he made.

"D'you like it?" he asked while we eat.

"Yeah." I said munching a part of the fish he gave.

"Thank goodness you liked it." he sighed.

"Oh bakit hindi?"

"First time ko kasing gawin 'to mag-isa. Nagpaturo lang ako kila Will. Madalas si Johnny gumagawa nito sa amin." he stated.

"Hindi ka ba tinuturuan ni Papa mo nung bata ka pa?"

"Hindi na kami dumating sa ganoong punto. Maaga siyang namatay." he said in a low voice.

I felt sorry for him. Sa mga katulad niyang tao, ayaw nilang kinakaawaan sila. Ayaw nilang may makakita na weak sila. "Ah.. Halika, swimming na tayo!" Hinila ko siya ng sandali at tumakbo na ako patungo sa tubig.

Akala ko nakasunod siya sa akin pero when I popped my head up from the water, nakaupo lang siya sa buhangin. Nakangiting pinagmamasdan ako.

"Blaze! Halika na! Masarap sa pakiramdam yung tubig! Ang ganda oh! Don't overlook this beauty!" I shouted at him.

Nginingitian niya lang ako kaya umahon na ulit ako sa tubig para lapitan siya.

"Halika na. Sayang naman yung pag drive mo patungo dito tapos di ka naman magsi-swimming." sabi ko as I kneel down in front of him.

Half A Heart Where stories live. Discover now