Chapter 18

14 0 0
                                    

Sembreak na. I turned my phone off for 3 days already. Di naman ako umaalis ng bahay kaya di naman kailangang i-contact ako nila Mama through phone. Bukas, birthday ko na.

Hindi ko alam if Ice has been texting or calling my phone. Ayoko namang umasa. Malay kong busy pala siya kay Ciara at nakalimutan niya na ako.

'Stop saying that, Am! Ang gaga mo naman kasi at in-off mo pa phone mo. Edi pano mo malalaman na maybe he's worried sick about you!' pagsasaway ng inner voice ko sa akin.

I sighed. Ano ba inner voice, kailan mo ba ako kakampihan? Habangbuhay mo na lang ba akong papagalitan?

'Sorry Am. Ginagawa ko lang naman kasi 'to para mapabuti ka. Minsan kasi nabubulag ka na ng endless emotions mo kaya nakakalimutan mong gamitin ang utak mo at palawakin ang pag-iintindi mo.'

Habangbuhay na lang ba na ako ang mag-iintindi? Lagi ko na lang ba iintindihin ang nararamdaman ng iba? Pano na lang yung akin? Pano naman yung nararamdaman ko? Will I forever hide what I truly feel and let them overrule me?

'Am, hindi mo rin ba naisip na maybe they are fighting with their inner voices too? That maybe nagko contemplate din sila ng dapat nilang gagawin in order to be right?'

Gosh. I can't believe I'm fighting with my own self. Mababaliw na ata ako.

Nakarinig ako ng kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

I opened to see Chandria and Kevin standing at my door, holding a white with pink ribbons ice cream cake and a 'Happy 18th Birthday Am-am! Love, Chands and Kevs' written on top of it.

"Advance happy 18th birthday!" sabay nilang bati sa akin.

I smiled. "Thank you. Nag-abala pa kayo." I said at lumabas na ng kwarto ko.

"Of course, tomorrow you're going to be a legal adult already!" masiglang sabi ni Chandria. I know she's just lifting up my mood.

Nagtungo na kami sa dining room namin para kainin yung cake.

"Binati ka namin ngayon kasi may family outing daw kayo bukas." saad ni Chandria.

"I think so. Kaya siguro wala sila ngayon sa bahay dahil nag go-grocery pa ng mga kakailanganin bukas."

Iniwan lang nila akong mag isa sa bahay. Sabi nila Mama at Papa mag family outing na lang daw kami bukas kasi you know, tag-hirap kaya di din namin maisama sila Chandria at Kevin.

"Am, regalo ko sa'yo." naka ngiting sabi ni Kevin at iniabot sa akin ang isang red na box.

"Aww, thank you Kevs!" sabi ko at kinuha ang box. Pagbukas ko ay isa itong neck pillow na Baymax. It's adorable!

Half A Heart Where stories live. Discover now