Chapter 6

7 0 2
                                    

"Amelia, come up here." rinig kong sabi niya sa mula sa second floor.

How did he know my name? I've never introduced myself to him.

Umakyat na ako sa hagdan. I saw him standing outside a door.

"Get in." sabi niya at binuksan ang pinto. I could say na kwarto niya 'to. Panglalaki yung colors ng wallpaper niya.

He closed the door behind us. Kinabahan ako. Hindi kaya?

HOMAAAAYGULAAAAY! This can't be!!

Uwaaaaaa~ Help me guys! Alam kong gwapo 'tong kasama ko at may atraso ako sa kanya but I AM NOT IN FAVOR OF THIS! Oh katawan kong never been touched ay hindi pa handa para sa ganito!

May nakalapag na mga damit na pangbabae sa kama niya at sa baba nito ay may mga sandals and high heels shoes. Para saan itech?

"'Yan ang susuotin mo."

Napalingon ako sa kanya. "What? Lahat 'yan? Kanino ba 'to?"

His face didn't show any expression. "Heck, no. Just choose one and pumili ka ng babagay na sapatos dyan. I don't know your taste so I took a lot from my cousin's wardrobe."

Ay? Hahaha! Sorry na po.

"Sa pinsan mo 'to? Hindi kaya siya magalit?" pag aalangan ko.

"She won't be. Napaka bait nun."

Siya ba magbibihis sa akin? Oh shemaymomay! Hindi pa ako handa! Note, hindi PA ako handa so ina-assume ko na someday gawin niya 'to sa akin. Juice colored! Umayos ka Amelia! Nilulumot utak mo.

Lumabas na siya sabay ni-lock ang pinto. Ahh. Hindi niya naman pala ako bibihisan. Char char ko lang yun kanina.

I let my eyes roam around the room. In fairness, hindi naman gloomy or sullen ang atmosphere ng kwarto niya di tulad niya.

Magbibihis ba talaga ako dito sa kwarto niya? Baka may CCTV siya dito at pinanunuod niya ako. Kyaaaaah! It's so creepy!

'Lol Amelia! Lakas talaga ng imahinasyon mo. Stop it! Magbihis ka na dahil may nag-aantay sayo.' sabat ng inner voice ko.

Tinignan ko na yung mga damit na nakalapag sa higaan niya.

Nang kunin ko ito, nagulat ako sa nakita ko. Muntik ko na itong maitapon sa higaan.

Kasi naman, nakita ko yung brandname. Forever21. Juicecolored! Ang mamahal naman nito. Yung ibang damit naman, Candy, Next, Atmosphere. Puro mga international brands 'to ah.

Nakakatakot namang suotin 'to ng isang tulad ko. Hindi ako sanay sumuot ng mga ganitong mamahaling damit. Hanggang tiangge lang naman kasi ang kaya ko.

Pinili ko na lang yung dress, para madali isuot at hubarin para di na 'ko mahirapang mag palit mamaya ng uniform ko.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Wow. How could I look this pretty, with just a dress?

Hindi naman sa nagmamayabang or inaangat ko yung sarili ko, pero nagbago talaga yung itsura ko sa damit na 'to. Kahit nakalugay lang yung buhok ko at wala akong kolorete sa mukha, I do look good. Though medyo naiilang akong suotin ang damit na 'to 'cause it's expensive.

Half A Heart Donde viven las historias. Descúbrelo ahora