Mag-isa akong pumasok sa university. Hintayin ko daw sila Chandria sa may covered walk malapit sa entrance.Kaya heto ako ngayon, nakasandal sa isang poste ng covered walk. Busy ako sa pagse-cellphone nang biglang may humawak sa balikat ko na ikinagulat ko. Muntik na akong matumba nang dumulas yung katawan ko sa sinasandalan kong poste dahil sa gulat. Buti na lang nahawakan ako ng humawak sa balikat ko kanina kaya hindi bumagsak yung katawan ko sa lupa.
Pagtingin ko kung sino, OOOOOHH CRAAAAP! Si ex!! Si ex mga teh!! Ang bilis nang tibok ng puso ko. Inayos ko yung pagkakatayo ko at binitawan niya na rin ako.
"Oh it's you." sambit niya at ngumiti. Omg!! Ang pogi! Nakakatunaw yung ngiti niya. "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong niya.
Pinilit kong ngumiti kahit sobra akong nahihiya. "Ah--eh.. O-okay lang ako.." nauutal kong sabi. Meghed! Umayos ka nga Amelia! Nakakahiya ka.
"Sorry kung nagulat kita." sabi niya.
"Ah hindi. Okay lang." pasimple kong sagot. Pabebe ka pa Amelia!
"Gusto ko lang itanong kung alam mo kung saan ang SJW building."
"SJW?" Oh my! Doon din ang room ko! Don't tell me, classmate ko siya?!
"Yeah. SJW 101 to be exact." sabi niya.
Ayy shet. SJW 103 ang classroom ko.
"Amelia!"
Sabay kaming napalingon sa tumawag sa akin. It's Chandria with Kevin.
Natigilan siya nang makita niya kung sino kausap ko.
"Oh sorry. Have I interrupted something?" tanong ni Chandria.
Ay te! Hindi! Wala! Wala kang na interrupt sa amin! *insert sarastic tone* Juiceme!
Ex smiled sweetly. Leche!! Nakakamatay yung ngiti niya! "I was just asking her if she knows where the SJW building is. I seem lost eh." ex said nicely.
Damn! Ganito ba talaga siya kabait? Is he an angel?
"SJW? Oh, magka building lang pala kayo ni Amelia. Tara, samahan ka namin sa room mo."
Really Chands? Kailangan talaga sabihin na pareho kami ng building? Nakakahiya *insert crying face* Alam niya tuloy na lagi kami magkikita. Tangerines lang.
Sinamahan nga namin siya. Hindi ko nga alam kung bakit di niya alam ang building na 'to kasi as far as I remember, nag tour kami lahat ng incoming senior high students sa school para hindi daw kami mawala sa campus at hindi kami ma-late sa class namin. Maybe absent siya nung panahon na yun.
Huminto kami sa tapat ng SJW 101. His room. Nasa may pinto kami. "Here's your room." sabi ni Chandria. Habang ako, tahimik lang. Langya naman kasi, wala akong masabi. Kapag sinusubukan ko kasing magsalita, naaalala ko yung nangyari kahapon. Like omg, it's still vivid in my mind. Ang fresh pa ng memory na yun.
"Thanks ha!" ani ni ex tapos ako naman dahan dahang humahakbang palayo kasi nakikita ko na yung room ko. Hinayaan ko lang silang mag usap. Nang bigla niya akong tinawag. "Amelia!"
Shutangenes! Yung puso ko, kumakarera na naman! Lumingon ako sa kanya. "Bye Amelia!" sabi niya with a smirk. He waved his hand at me at pumasok na sa room niya. Ermegesh!! Gusto ko na magwawala! Hindi niya man lang ako binigyan ng chance na mag react sa kanya.