"Am, gising na. Maglalaba ka pa."Naramdaman kong niyuyugyog ako ni Mama sa higaan ko.
"Dali na. Bangon na dyan. Madami ka pang aasikasuhin. Aalis na ako." sabi niya.
Nag stretch ako ng konti at tinignan ang wall clock na nasa may taas ng pinto ng kwarto ko. 7 am na.
"Bahala ka na dito ha." sabi ni Mama at umalis na.
Magbabantay siya ng tindahan namin na walking distance lang dito sa bahay namin. Nasa talipapa yung tindahan namin ng mga gulay.
Naabutan kong nag aayos si Papa ng mga tools niya sa sala. "May trabaho ka pa, Papa?" tanong ko sa kanya habang papunta ako kusina para maghilamos.
"Oo, nak." matipid na sagot ni Papa.
Naghilamos na ako at nag check ng mesa kung may agahan na.
Meron na. Scrambled eggs at fried fish with matching fried rice.
Sisimulan ko munang maglaba bago kumain.
Ibinabad ko na sa tubig yung maruruming damit habang pinupuno ko ng tubig ang isang planggana.
"Amelia, aalis na ako. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Umalis na nga pala si Julian, may group project daw silang gagawin sa bahay ng kaklase nila. Si Ernie at Jhealy, pakainin mo na lang ng agahan diyan. Dalhan niyo ng pananghalian Mama niyo mamaya. Laging siguraduhing sarado ang gate." bilin ni Papa.
Hindi na ako sumagot. Hindi kasi nagsasawa si Papa bilinan ako ng same thing every saturday. Like Pa, i'm 17. Nagsimula akong mapag iwanan sa bahay since I was 9. Yeah, I grew up to be independent. Indie queen na ata ako eh. Akalain niyo yun, 8 years na akong naasahan.
Tinunaw ko na yung powdered soap sa plangganang pinuno ko ng tubig.
Sinimulan ko nang labhan yung mga damit. Actually, hiniwalay ko na yung mga damit ko sa mga damit nila Papa at ng mga kapatid ko. Mas inuna kong labhan mga damit nila.
"Ate,"
Napasigaw ako sa gulat. Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses, nakita ko kapatid ko.
"Leche flan ka Ernie! Ba't ka ba nanggulat?! 〒_〒" ani ko.
"Nasan si Papa?" tanong niya. Kakagising lang niya. Pangatlo siya sa aming magkakapatid.
"Nasa trabaho. Kumain ka na dyan." sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkukusot sa mga damit.
"Ate, mag babasketball kami ni Bryan pagkatapos ko kumain."
Hindi pa pala siya umaalis. "Naghahanap ka ba ng sakit sa tiyan? Bagong kain ka tapos magbabasketball ka?!" I berated.