Chapter 16

4 1 0
                                    

Asan na ba si Chandria? Kanina pa ako dito nakatayo sa may tindahan na nasa tapat ng school namin. ╥﹏╥

Ayoko kasing mag-isang pumasok sa school. Natatakot akong may marinig na naman akong kung anu-ano.

The whole school knows me now. But the only thing they know is that pinagtuhog ko daw yung kambal. But they didn't the whole story between me and the twins.

I saw Ice coming out from the car which just stopped sa may school gate.

He looked at me and came towards me.

"What are you doing here?" he asked.

"Inaantay ko si Chandria." sagot ko.

"Why?"

"Wala lang. Gusto ko lang na sabay kami pumasok. Alam mo na, friendship goals." pagsisinungaling ko.

Mas lumapit siya sa akin. He looked me on the eyes. "Don't lie to me, Am. It's okay to tell me."

I better tell him. "Hinahantay ko si Chandria dahil natatakot akong pumasok mag-isa sa school. Natatakot akong baka may marinig na naman akong masama tungkol sa atin. Natatakot akong baka may mang-away sa akin." paliwanag ko.

Hinawakan niya kamay ko. "I'm sorry, Am. Halika. Ako na lang sasama saiyo. Po-protektahan kita, promise."

"Pero mag aantay si Chandria para sa akin. Ayokong paasahin siya." sabi ko. Oy, wala akong gustong i-mean sa sinabi kong 'yan ah.

Umiwas siya ng tingin. "Tawagan ko na lang tuloy siya na ako na mismo maghahatid sa'yo papunta sa room mo."

Hindi na ako makasagot pa. Alangan namang mag-'No' ako.

He took his phone from his pocket and contacted Chandria.

"Hello Chandria? Yeah. I'm here in front of the school with Amelia. Is it okay if ako na magsama sa kanya papasok sa school?" he said through the phone.

Medyo mahaba ata and seryoso yung sinagot ni Chandria kay Ice. Nag iba din yung expression niya. Parang napalibutan siya ng gloomy aura.

"Okay, bye Chands. Thanks." he said lastly before putting down his phone.

"Ano sabi niya?" I asked.

"She agreed. Male-late din naman daw siya." he replied. "Halika na."

Naglakad na kami papasok sa school.

The moment we came in, nakaramdam na ako ng hiya sa palibot namin.

Students were walking every where, taking glances at us.

Napayuko na lang ako habang naglalakad kami.

Nabigla na lang ako when he placed headphones on my ears. Tatanggalin ko sana pero hinawakan niya kamay ko, intertwining our fingers.

Maybe he's doing this para di ko marinig kung ano mang masasakit na salita tungkol sa akin ang marinig ko sa paligid.

He confidently hold my hand na para bang hindi niya napapansin ang matatalas na tingin at mga bulong-bulungan sa aming paligid.

Hinayaan niya na akong tanggalin yung headphones niya nang makaabot na kami sa room ko.

"Thanks." sabi ko nang maibalik ko sa kanya 'yun.

"I'm sorry, Am. I'm sorry dahil nahihirapan kita sa sitwasyon na 'to." he said as he looked into my eyes. Bigla niya kong niyakap. Mahigpit.

Matapos niya akong yakapin, hinalikan niya ang ulo ko. "I love you, Am." he said and tried to smile although his eyes showed pain.

Half A Heart Donde viven las historias. Descúbrelo ahora