Chapter 7

14 0 2
                                    

It's 7:10 am. Andito na ako sa labas ng entrance gate ng school. Nakaupo sa may waiting shed. Asan na kaya 'yun si Blaze? Juice colored! Wag lang talaga siyang ma late kasi isusumpa ko talaga siya! I don't want to be late for my first class.

Nag sandals lang ako ngayon. Alangan naman isuot ko pa yung silver high heels. Para namang timang ako kapag sinuot ko pa 'yun.

Gosh! Ano ba oras ng klase nun? Baka tulog pa 'yun kasi nakainom 'yun kahapon.

7:15 am na. Napabuntong hininga ako. Huwag naman sanang kalimutan ni Blaze. T^T Actually, kanina pa akong 6:40 am dito. Told yah sanay akong maghantay ng matagal. Inaasahan ko din naman kasing baka dumating siya ng 7 am.

Napa angat na lamang ako ng ulo ng makarinig ako ng motorbike na pumarada sa harap ko. Nabuhayan yung loob ko.

Teka siya ba 'to? Naka tank top lang, basketball shorts and flipflops? He took off his helmet.

Ghaaaaaaaad! Oh juice colored! Amang mahabagin, wag sana akong magkasala!

Ang hot niyaaaa! As in, HAAAAAAWT! O/////O

His eyes, mukhang bagong gising nga lang siya. His hair, glossy as usual pero medyo magulo ng konti.

Hindi na ako tumayo at hinayaan siyang makalapit sa akin, hawak ang isang paperbag.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at inalis yung sandals sa paa ko. "Ah.. Ako na." ani ko at pinigilan siya. Pero, inalis niya yung kamay kong pumigil sa kamay niya.

"Let me." sabi niya. Kaya ayun hinayaan ko siyang siya ang magsuot ng sapatos ko sa akin pati footsocks na nakasiksik sa loob ng sapatos ko.

Para akong si Cinderella sa kaganapan ngayon. Ang haba ng hair ko gaya ng kay Rapunzel! Nasa Disney ba kami ngayon? Lol

Nahihiya nga ako kasi may mga estudyanteng nakatingin sa amin habang papasok sila sa campus. May mga naririnig din akong mga bulong-bulungan lalo na sa mga babaeng napapadaan sa harap namin.

"Si Blaze ba 'yan? Naku, ikakamatay ko siguro yan kapag ginawa sa akin 'yan ni Blaze." bulong ng isa.

Pero na windang ako sa sunod kong narinig.

"Wow. Feeling maganda naman ito si girl. Libag ko nga lang siya eh." bulong ng isang babaeng medyo maitim sa kasama niya

Tinignan ko yung kutis ko. Wow lang. Maputi yung kutis ko. So ano 'to, puti libag niya? XD Hayyy mga tao talaga ngayon.

Di ko na lamang pinansin mga naririnig ko. Natapos niya din yung pagsuot sa akin ng sapatos.

"Thanks." nahihiya kong sabi.

Binigay ko na rin sa kanya yung paperbag na hawak ko. "Ito na nga pala yung damit at sapatos ng pinsan mo. Pakisabi na lang na salamat." sabi ko.

Nginitian niya ako. It's refreshing to see him smiling. Napansin ko kasing bihira lang siya ngumiti. Buti pa si Ice, madalas ngumiti. Kaya ayan tuloy, madalas na ding buo ang araw ko dahil ngiti niya ang binubungad niya sa akin kapag nagkikita kami.

"Nilabhan ko na din 'yan so don't worry." saad ko.

"Thanks." sabi niya.

Half A Heart Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ