"Hindi pa umuuwi si Blaze."
It's been two days na hindi umuuwi sa kanila si Blaze. After their fight, hindi na umuwi si Blaze sa kanila.
"I'm sorry, Ice." malungkot kong sabi.
"Hey," he coaxed and held my face. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Don't blame yourself. It's his decision. It's not your fault, okay?"
Hinalikan niya ang noo ko. I realized na I've learned to love these twins in my life.
Mahal ko si Ice in a romantic way habang si Blaze, mahal ko siya in a friendly way.
Kaya hindi ko din maiwasan na hindi mag alala sa kanya.
"Excited ka na ba sa Ball bukas?" tanong niya.
"Yeah." sagot ko.
"What will you wear?"
Nagulat ako sa tanong niya. It's not a guy thing to ask a girl what she's gonna wear.
"Ewan ko. Bakit mo natanong?"
"I want to match the color of your dress to my bowtie."
Semi-formal nga pala ang dress code. Us girls are required to wear cocktail dresses while guys should wear long sleeves with ties and black leather shoes.
"You don't have to." mungkahi ko.
"But I want to."
"Hindi ko pa talaga alam. Maghahanap pa lang ako mamaya."
*ring ring*
His phone is ringing. He took it out from his front pocket.
"Hello? Yeah.. Okay.. I'll be there.. Yeah.. See you!"
What the? Napapakunot na lamang ako ng noo habang pinakikinggan siya.
"Am, I have to go." nagmamadaling sabi niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Grabe. Ngayon na nga lang kami nagkakasama, iiwan niya din naman pala ako.
"To Ciara. Samahan ko daw siyang maghanap ng susuotin para bukas. Sige Am. Bye! I love you!" sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.
Yeah, alam nga naming mahal namin ang isa't isa pero bakit nagiging doubtful ako sa kanya?
Mahal ba talaga niya ako? Or mahal niya na ulit si Cia..
I couldn't even say it. Hyy :( Sinasaktan ko na naman sarili ko.
At saka, Ice is responsible enough naman siguro to say kung may mahal niya pa ako o hindi na.
I watched him walk away from me.
Hmm.. What if hanapin ko si Blaze? Baka na kila Will siya diba?
Medyo naaalala ko pa naman kung saan ang bahay niya.
Bahala na! Kaya ko 'to!
Lumabas na ako sa campus at pumara ng taxi.
Matapos kong ituro turo kay manong driver yung daan patungo sa bahay ni Will, I successfully found it.
Kumatok ako sa gate nila Will.
I was shocked to see Johnny coming out of the house. Akala ko ba bahay 'to nila Will?
'Hindi ba pwedeng tumatambay lang si Johnny kila Will at si Johnny muna ang lumabas dahil baka busy sa loob si Will?' paliwanag ng inner voice ko.