"The 1st Senior High School Annual Ball will be held at the University Pavilion at 7 in the evening until 12 midnight. Semi-formal clothing is required." pagbabasa ni Chandria sa isang bulletin board.Humarap siya sa akin. "Aattend ka ba?" she asked.
"Yeah. Bakit hindi? First ball natin 'to dito tapos hindi ako mag-aattend? Atsaka pioneers tayo ng ball na 'to kaya gora lang!" sagot ko. "Ikaw, hindi ka aattend?"
"Mag aattend kasi mag aattend ka din." naka ngiting sagot ni Chandria.
Dumungaw ako sa railings ng 3rd floor kung asan kami ni Chandria.
Nahagilap ng mga mata ko si Kevin na abala sa pagbabasa ng libro habang naglalakad.
"KEV--!" Tatawagin ko na sana siya kaso napatigil ako ng makita kong sa di kalayuan ay nasa likod niya lang si Ciara at Ice na magkasama.
"Oh? Anong meron?" nagtatakang tanong ni Chandria. Tumingin din siya kung saan ako nakatingin.
"KE--!" Tinakpan ko kagad ang bibig niya bago pa man niya masambit ang lahat ng sasabihin niya.
Inalis niya yung kamay ko sa bibig niya. "Ano ba Am?" she looked confused. "Ba't mo ko pinigilan? Dati kapag tinatawag ko si Kevin, sinasabayan mo ako. Tapos ngayon, pinipigilan mo na ako."
I rolled my eyes at her. "Chands, wag ka nga magdrama. Hindi mo ba nakikita?"
Tumingin siya ulit sa area kung asan si Kevin. "Si Ciara at si Ice?"
Tumango ako bilang sagot.
"Bes, anong problema?"
"Ayaw kong makita nila ako habang magkasama sila."
"At bakit?" pag iintriga sa akin ni Chandria.
I sighed. "Kasi.. I get awkward na makita nila ako habang magkasama sila."
"Awkward nga lang ba?" pag uusisa niya.
"Okay. Nasasaktan din." pag amin ko. "Tignan mo sila. They look so good together. Bagay sila. Sobra. Kahit hindi mo sila kilala, iisipin mong they look so perfect with each other."
Inakbayan ako ni Chandria. "Am, diba sabi ni Ice, mahal ka niya? Panghawakan mo 'yun. Dapat nga maging masaya ka. Gusto mo din naman 'to na magkaayos sila't maging magkaibigan. Nakalimutan mo na bang nangako si Ice na if ever may mahal siyang iba noon, ikaw ang babalikan at mamahalin niya?"