Chapter One

316K 6.6K 1.2K
                                    


Eviana

NERD... Manang.. Baduy...

Ilan lamang iyan sa tawag sa'min ng mga ibang tao na walang ibang alam gawin kung hindi and i-judge ang kapwa nila. Excuse me, pero nag-aaral kami ng maayos!

Ano ba'ng mali sa pagsusuot ng mga below the knee dresses? Anong masama kung makapal ang buhok at naka-salamin kami? For your information, looks won't define us.

I myself admit that I tend to criticize. Often. I will be a hypocrite if I will say that I never judged people by their looks. But upon realizing, everytime that I am starting to have a negative thoughts about a person, I always stop myself. Kasi ayokong maramdaman ng iba ang nararamdaman ko everytime na pinag-uusapan ako behind my back. It freaking hurts so bad.

In this world, kahit na anong gawin mo, talo ka. Maldita ka, pangit ugali mo. Mabait ka, but some will call you fake. You're helping, but they would say pabida ka. You're excelling, pabibo ka. Saan tayo lulugar? Do we really need to change just to be accepted by the society? Oh dear, the reality is just so sad.

-----

"Evi, gisingin mo na nga ang kapatid mo. Kumain na kayo rito!" boses 'yon ni Mommy na parang naka-microphone sa sobrang lakas ng boses.

Tumayo na'ko mula sa higaan at kumatok na sa pinto ng kwarto ni Irvin na sa tingin ko ay humihilik parin hanggang ngayon.

"Irvin! Labas ka na nga d'yan. Tama na 'yung pag-aano mo d'yan!" pambu-bwisit ko sa kanya. Ang sarap kasi niyang inisin, eh. Napaka daling mapikon. Pero 'pag napikon naman, hindi ko matitiis at agad kong lalambingin.

"Ate?! Anong pag-aano ka d'yan? Alis ka na nga diyan. Tapos ganiyan pa suot mo. Ate, mag-ayos ka nga." sabi nito pagbukas niya ng pinto.

"Sorry na, bebe ko. Nagjo-joke lang naman ako. Alam mo naman na love ka ni ate, 'diba?" umiling ito. Alam ko naman na 'di niya rin ako matitiis. Kaunting lambing lang, mapapatawad niya agad ako.

"Tsk. Sige na. Go! Alis! Ayos na!"

Porque sikat siya at hinahangaan sa school, hina-harass niya ako at nilalait nang ganito. Makikita niya, kapag ako sumikat --- just kidding. Hindi ko pinangarap. At kung bibigyan ako ng pagkakataon, hindi ko susunggaban. Being famous? Thanks, but no thanks.

Nagmadali na akong gawin ang mga morning routines ko atsaka na lumabas sa dining area. Nagdesisyon ako na magsuot ng puting long sleeves na pinatungan ko ng mustard yellow dress na five inches lang ang itinaas para maabot ang sakong ko.

----------

"Ma, 'wag mo na'kong ibili ng maliliit na damit, okay?" hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa pag-kain niya.

"Kumain ka na, Evi. Namamayat ka na, oh. Tignan mo dati ang sikip sa'yo ng damit na 'yan. Ngayon, ang luwang na. 'Yung sinabi naming sa'yo kagabi ng Daddy mo, ha?" nagkibit-balikat ako at kumain na rin.

"Mom, 'wag kang mabibigla.." tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ibina-bagsak presyo ko lang sa mga kasama ko sa trabaho 'yung mga damit. And I'm so sorry, okay..." kurot sa tagiliran ang inabot ko.

"Ano kaba, Eviana! Eng-eng ka! Ang mahal ng bili ko sa mga 'yon, tapos binabagsak presyo mo?! Suotin mo lahat 'yon---" tumango-tango ako at hinalikan ang Mommy, para mabawasan ang inis niya sa akin na effective naman.

"Ate Evi, tara na! Alis na tayo! 'Wag na tayo kumain.. Late na'ko, oh...
Kasalanan mo to, eh." Maktol ni Irvin habang papalabas ng bahay.

"Lalabas na ho, mahal na hari!!" natawa naman si Mommy sa aming dalawang magkapatid.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon