Chapter Eleven

107K 3.2K 163
                                    

Eviana

Hiyang-hiya kong sagot habang feeling ko ay tinakasan ako ng aking dugo sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung bakit.

"I just wanna tell you guys a very important announcement. Really important." umayos siya ng upo. Kinakabahan ako. Sobra.

"I don't wanna hear complains and but's. All of you, do not be surprised about the arranged marriage." It took me for about twenty seconds to absorb the announcement.

"WHAT?! MARRIAGE?! ikakasal niyo si Irvin kay Kina? NO WAY! Ang bata bata pa ng kapatid ko para sa kaniya! Don't be too selfish.. Irvin deserves to have a degree first. To enjoy life being single. To live freely. Masyado pang maaga! Kung sila talaga para sa isa't isa, magiging sila sa huli." Natameme naman silang lahat sa tuluy-tuloy kong litanya. Hindi talaga ako nag-stop. Kaya ngayon, hinahabol pag-hinga ko. Hindi ko nakuhang huminga kanina habang nag-sasalita ako.

Nanghina ako sa susunod pang mga salitang binitawan niya. Napaka-ikli, pero napa-sabog nito ang buong pagkatao ko. Parang wala akong naririnig. Nabingi ako. Hindi ko ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Nakikita kong gumagalaw ang mga bibig nila, ngunit walang lumalabas na salita. Slow motion ang nararamdaman ko.

Tumayo ako ng hapag, pero nabigo akong maka-lakad palayo sa kanila nang tukuyan na akong lamunin ng dilim. With that, alam ko nalang na sinalo ako ni Jaeo sa mga bisig niya.

-----------------

"Kayo ni Jaeo ang ikakasal."

Nanghihina ako. Blurry parin ang paningin ko nang magising ako sa kwartong napapalibutan ng pastel na kulay. Oo. Nandito ako sa dream room ko.

Tanging natatandan ko bago ako mahimatay ay ang sinabing limang salita ng matandang lalaki kanina. 'Yun din ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.

"Okay ka na ba?" It was Jaeo who just woke up from his sleep. He's not sleeping literally in bed. His head was just resting beside my left arm.

Looks like he's been waiting for me to wake up.

Kikiligin na sana ako, pero naalala ko na dapat ko pala siyang paulanan ng mga tanong. Paano siya nakapunta dito?

Sinundo rin ba siya ng mga lalaki kanina at pinasakay rin sa limousine?

"Uy, Evi. Tinatanong ko, if okay ka na ba. Sagot ka naman d'yan. Stop making me worry.."

"I'm okay. Thanks for the concern." matamlay akong ngumiti sa kaniya.

Nakakabigla parin ang mga pangyayari. Hindi biro ang pagpapakasal.

Marriage is a lifetime commitment – a commitment of trust, mutual respect and love. Paano ako magpapakasal? Takot ako sa commitment. I also have trust issues. We don't have a mutual understanding, but we respect each other.

Love? I don't know if I can still love. It's so dangerous.

Isa pa, hindi pa ako tapos sa pag-aaral. One of my dreams is to get a diploma, to have a job, to save money, then to get married.

Ni hindi ko pa nga natatapos ang pag-aaral ko, tapos kasal? What a funny joke.

Tumayo ako at bigla naman niya akong dinaluhan. Ano bang nangyayari sa kaniya? His level of concern today leveled up. I like him. He's kind, caring, and surely a great guy. But that doesn't mean that I'll say yes.

Marupok ako, pero hindi ako bobo.

Gusto ko siya, pero hindi ko siya mahal.

Hindi ito gaya ng isang pelikula na in-arrange marriage ang babae sa lalaki para makabayad ng utang. Hindi ito fictional story na kailangan mag-pakasal ni babae kay lalaki para sa ikabubuti ng lahat. Hindi. This is real life. And the effin' reality that sucks.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon