Clare
Nagising ako sa liwanag ng araw na nakatutok sa kwarto ni Blue. Wala na siya sa tabi ko nang kapain ko siya sa tabi ko. Tuluyan na akong bumangon at agad na nagtungo sa banyo, para maghilamos. Nang maayos at kumportable na ako sa itsura ko ay lumabas na ako at nadatnan ko naman si Blue na naka-upo sa kama, habang nag se-cellphone.
"Oh, saan ka galing?" tanong ko sa kaniya.
"Sa kusina lang po." binitawan niya ang cell phone niya at tumayo upang halikan ang pisngi ko. "Ahhh." pinigilan ko ang kilig ko.
"Bakit ang tagal mo? Malamig na niyan 'yung pagkain." reklamo niya
"Sorry. Tara na. Kain na tayo." sumimangot naman siya
"Oh, bakit?" tanong ko, dahil hindi ko alam kung bakit biglang sumimangot siya.
"A simple kiss will do, honey." walang reaksyong bigkas niya atsaka iminuwestra ang labi niya sa akin.
"Alam mo.. Ang harot mo!" sigaw ko sakaniya at humalakhak.
"Oo, basta sa'yo." kumindat naman siya. In all fairness.. kinilig ako sa banat niya.
"Ah, basta! Tara na ang corny mo na, eh. Baka gutom ka lang." naglakad na ako palabas sa kwarto, kaya sumunod naman siya sa akin.
Habang nasa hapag-kainan ay hindi ko maiwasan na maisip kung tama ba ang desisyon ko na pinag-iisipan ko mula kagabi. Parang buo na ang loob ko na tanging konsensya ko nalang ang humahadlang.
Sana maging mas makakabuti itong plano ko. Sana.
"Inom tayo mamayang gabi, babe?" he asked out of nowhere.
"Sure, sure. Basta sa'yo lahat ng expenses." at humalakhak ako
"Dito lang naman tayo sa condo. 'Wag ka nga." sabi niya
Ugh! Paano ko ba maisasa-gawa ang plano ko kung ngayon palang ay hindi ko kaya ang isang araw na wala siya sa paningin ko? Paano?
"Kung magkaka-anak tayo, ilan ang gusto mo?" tanong nito
"Ano ba naman 'yan, Lewisito! Kumakain!" saway ko.
"Bakit? Ayaw mo ba?" nalungkot naman ang itsura niya.
"Uy, ano ka ba? Syempre gusto ko. Huwag ka ng malungkot, okay? Ayos lang sa akin, kahit ilan. Basta sana kaya natin silang buhayin." I smiled at him and kissed his forehead.
"I want a specific number, babe."
"Shut up." nanahimik naman siya, pero nangulit parin pagkatapos nang ilang segundo. "Pero ilan nga?"
"Thirty-nine, Blue. Thirty-nine. Para mas sumaya ka gawin nating Eighty hanggang sa magsawa ka. Tse!" pagsusungit ko sa kaniya at iniwan siya sa mesa, dahil tapos na akong kumain.
"Sorry, hindi ako magsasawa.. Kaya ba natin 'yung more than eighty?"
"Tahimik. Please! Ayokong marinig ulit 'yan ngayong araw, ah?"
"Ganda, ang sensitive mo." pag-habol niya sa akin.
"Sensitive? Sensitive mo mukha mo! Panget ka!" patuloy parin ako sa paghahanap ng remote ng TV.
"Ay.. meron ka ba ngayon? Ang init ng ulo mo, babe." pang-aasar niya ulit.
"Bond Lewis Ueri Earon, ano ba?! Tumigil ka nga! Nakaka-aawkward, eh! Isa pa talaga." at patuloy padin ako sa paghahanap ng remote.
"Ilan ka--- aray!" nagtagumpay ako sa paghahanap ng remote at binato ko sa kan'ya. "Aray!" mukhang seryoso nga siyang nasaktan kaya lumapit ako. Sa ulo ko siya natamaan at mukhang sakit na sakit ito.
BINABASA MO ANG
Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)
Novela JuvenilHIGHEST RANK ACHIEVED: #2 in TEEN FICTION!!✨ COMPLETED and PUBLISHED UNDER PSICOM!! ❤️ I know some of you might say that the title says it all. But let me tell you that this story is beyond of what you think. This story is not the typical nerd st...