Clare
Pumalakpak si Kina, kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya.
"Wow! Wow naman. Nagpapaka-hero ka na naman, Blue." pagtawa niya. Nababaliw na siya.
"Ano ba ang sinasabi mo?" iritang tanong ni Blue, habang tinutulungan niya akong makatayo.
"Ano?! Anong sinasabi ko. Ha?!" tumawa siya ng malakas.
"Huwag ka na ngang magmaang-maangan! Alam ko na alam mo ang sinasabi ko!" sigaw ni Kina sa kaniya.
Naguguluhan ako.
"Tumigil ka nga, Kina! Lasing ka. Umalis ka na rito." ngayon ay nasa tabi ko na siya. I suddenly feel safe.
"Oo! Lasing ako, pero hindi ako tatanga-tanga katulad ng babaeng 'yan!" bigla namang umitim ang aura ni Blue, dahil sa pagduro sa akin ni Kina.
"A-ano ba ang pinagsasasabi mo, Kina?" tanong ni Blue.
Nauutal siya... Bakit?
"Gusto mo ba na sabihin ko sa kaniya ngayon, honey?" umiling si Blue.
Nakita ko ang mga mata niya na nagsusumamo kay Kina, pero tumawa lamang ito.
"Na sa tuwing natutulog siya sa kakaiyak, sa kakaisip sa'yo, ako ang katabi mo?" hinaplos ni Kina ang dibdib ni Blue.
"Na sa tuwing kakain siya ng walang kasama, pinagluluto mo ako?" patuloy parin siyang humahawak kay Blue.
Nanghihina ako.
Hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang. Gulung-gulo at litong-lito ang isip ko. Wala akong maramdaman. Manhid na nga talaga ako.
"Na sa tuwing gabing nangungulila siya sa mga halik mo, ako ang hinahalikan mo? Na sa tuwing namimiss niya ang katawan mo, ako yung kinakama mo---"
Nagdilim na ang paningin ko. At sa pangalawang beses, nasampal ko siya at nagmarka ang palad ko sa mukha niya.
Humarap ako kay Blue na ngayon ay nangungusap na sana ay wag akong maniwala, pero hindi ko ma-control ang sarili ko.
"Babe, Evi, let me explain..." imbes na umiyak, bigla akong natawa. Isang masakit na tawa.
"Babe? Explain? Wow. Ano? Sige i-explain mo na. Habang bukas pa 'yung isip ko." hinintay ko siyang magsalita, pero hindi siya ang nagsalita kundi si Irvi.
"Ate, ano ba?"
"Bakit, Irvi? Kasama ka rin?" tumawa ako nang mahina.
"Don't tell me, you believe what this crazy obsessed woman in front of us just said, ate.."
"Bakit? Ano ba sa mga sinabi niya ang hindi ko dapat paniwalaan, Irvin?"
"Lahat." tugon ni Blue, kaya sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas.
"I knew it. You'll gonna hurt me again and again until I die.. Bakit kapa bumalik? Put*ngina. Lagi ka nalang nangangako... Masakit na.. Sobra sobra.." sinuntok-suntok ko pa ang dibdib ko, dahil sa sobrang sakit nito.
Lumuluha akong kumaripas ng takbo sa kwarto ko, pero hindi pa ako nakakapasok ay naharangan niya ang pinto, kaya nakapasok siya.
"Yes, I always hide things from you. I always do and I'm sorry, but the last thing that I will do in this world is to cheat on you.. I will never.. ever.. do that.." isang halik ang iginawad niya sa akin, pero malakas ko siyang itinulak palayo sa akin.
Nabigla siya. Wala akong pakialam sa sasabihin niya.
Hindi ko kayang hawakan siya tuwing naaalala ko ang salitang lumabas sa bibig ni Kina. Kinakama. Wow. Hindi ako makapaniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/77172722-288-k220160.jpg)
BINABASA MO ANG
Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED: #2 in TEEN FICTION!!✨ COMPLETED and PUBLISHED UNDER PSICOM!! ❤️ I know some of you might say that the title says it all. But let me tell you that this story is beyond of what you think. This story is not the typical nerd st...