Chapter Thirty

100K 2.8K 227
                                    

Clare

Wala akong maramdaman ngayon kung hindi saya. Sandali kong nakalimutan ang lungkot, sakit at hinagpis na dinaranas ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan niya ako at si Blue ng ganitong biyaya na nandito ngayon sa sinapupunan ko.

Iniisip ko palang ang magiging buhay ko araw-araw kasama siya, ang saya na ng puso ko. Parang bawat araw, sabik akong magising. Sabik ko siyang makasama. Hinding hindi ako mapapagod na mahalin si Blue.

"Penny for your thoughts, my love?" napa-igtad ako sa pagkaka-higa. "Nothing. Just thinking about our future, babe." that made his heart melt for sure.

"Come on. Tell me." inikutang ko siya ng mata. "I said, just thinking. Nakalimutan ko na. Tulog pa tayo, please?" sabi ko at isiniksik nalang ang mukha ko sa dibdib niya. "Mahal, dali na. Sabihin mo na. I'm getting so curious here, oh."

"Shut up."

Alas-syete pa lamang at hindi pa sikat na sikat ang araw. Malamig rin, dahil sa aircon na buong gabing naka-on. Agad ko naman siyang sinimangutan nang parang naka-amoy ako ng mabahong amoy sa kaniya na hindi ko gusto ang amoy. Well, hindi naman mabaho, pero ayoko. Nakakahilo. Napatakip ako ng ilong. Ewan ko ba.

"Ih! Doon ka na. Tumalikod ka. Nakaka-irita!" bigla siyang tumawa.

"Tingnan mo ang baby girl ko. Agad nabu-bwisit. Ayaw mo bang makita ang pogi mong asawa?" poging-pogi sa sariling sabi niya sa akin habang nag pogi sign pa. Kaya kahit anong inis ko ay medyo natawa ako sa ginawa niya.

"Yie! Tumatawa na siya.."

"Maligo ka. Ang baho ng amoy mo. Kung hindi ka maliligo, huwag kang tatabi sa akin." itinulak ko siya palayo.

"Baby girl naman. Gustung-gusto mo kaya 'yung amoy ko. Smell me. Come here." isinubsob niya ang mukha ko sa leeg niya.

"Magtigil ka nga! Ewan ko say---" agad akong tumayo at pumunta sa banyo.

Heto na naman ako sa pagsusuka ko. Naramdaman kong hinahaplos ni Blue ang likod ko at inayos ang buhok ko. Pagkatapos, naghilamos na ako, kaya nauna na siya sa kusina. Paglabas ko ng banyo, wala na siya sa kwarto. Bababa na sana ako para puntahan siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya na nakapatong sa kama.

Number lang ito, pero agad ko parin itong sinagot.

"Hello?"

"Oh my gosh. Pati ba naman cellphone niya, hawak mo?" boses 'yon ng babae ng nasa kabilang linya. Pamilyar ang kaniyang boses, kaya agad akong kinabahan.

"A-ano?"

"Hayaan mo. Malapit ka na rin namang iwan ni Blue. Alam ko naman na may anak lang kayo, kaya ka niya hindi maiwan-iwan, eh. Sige ha?" Sabi niya na nagpakilabot sa akin. "A-anong s-sa-sabi mo---"

Bago pa ako matapos sa pagsasalita ay pinatay niya na agad ang call. Nagbalik na naman siya. Kailan ba siya mananahimik? Kapag patay na ako? Kapag mag-isa nalang ako? O kapag wala ng nagmamahal sa akin? Kailan!?

Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa tuwing may nalalaman akong nakakakilabot na sikreto. Hindi ko na kasi alam paano 'yon ia-absorb ng utak ko, dahil punong-puno na ito ng hinanakit at wala ng puwang pa para sa mga nadadagag.

Para na itong baldeng puno na natatapon na lang, dahil sobra na.

"Clarey ko.." agad na lumapit sa akin at niyakap niya ako pagkatapos ay hinalikan ang tuktok nang aking ulo. Nabigla tuloy ako.

Ngumiti naman ako ng mapait. Baka mali ako. Baka hindi naman. Baka nagsi-sinungaling lang siya na anak lang namin ang alas ko at wala ng iba.

"Hey.. Tell me why are you crying.." nagaalala niyang tanong habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo parin hanggang ngayon. I didn't even notice na umiiyak na pala ako.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon