Blue
Ang hirap makita na ang mahal mo. Ang taong ayaw mong makitang nasasaktan, nahihirapan, umiiyak ay nasa harapan mo na nagdu-dusa nang dahil sa'yo.. Ang hirap, pero kailangan.
Kailangan ko siyang iwasan, kasi bawat pag-lapit ko sa kan'ya, walang kasiguraduhan kung kailan siya mawawala sa buhay ko. Sa bawat oras na mag-kasama kami, parang ini-lalapit ko lang sa kaniya ang kamatayan. Huli na. Nawala na siya sa buhay ko. Nasaktan ko na siya. At masasaktan ko lang siya, kung hindi ko pa tatapusin ito.
Litong-lito na ako. Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, never kang magkakaroon ng second thought, pero in reality, mahirap. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Kung ang pamilya ko ba o ang taong nagpa-ramdam sa akin kung paano mag-mahal at paano mahalin. Pareho kasi silang mahalaga sa'kin.
Hindi ko kaya na mawala ang pamilya ko, hindi ko rin kaya na mawala si Evi.
Pero napaka gago ko, dahil nakaya ko. Hindi na siya sa'kin. Tama na siguro ang tatlong buwan na pagmamahal na ipinaramdam ko sakan'ya. Nagpapasalamat ako na sa loob ng tatlong buwan, naramdaman niyang mahal na mahal ko siya nang sobra pa sa buhay ko.
Ang mahalaga saloob ng maikling panahon, nakita ko siyang sumaya sa piling ko. Nai-paramdam ko sa kan'ya ang pagma-mahal ko, kahit na pansamantala lamang.
Ang makita siyang umiiyak habang naka-salampak sa sahig ngayon dahil sa akin ay ang huling tanawin na gusto kong makita. Gusto ko siyang mahalin, pero hindi na pwede.
Mas gusto ko na hindi kami magkasama, pero alam kong ligtas siya, kaysa sa patuloy akong nasa tabi niya, ngunit hindi ko alam kung kailan siya mawawala.
Ang duwag ko. Hindi ko siya kayang ipaglaban. Hindi sa hindi ko kaya, pero takot akong lumaban na walang kasiguraduhan kung mananalo ba ako sa huli. Takot ako sa mga consequences.
Kahit ilang sampal, pananakit, at tampa ang ibigay niya sa akin, tatanggapin ko, dahil hindi 'yon matutumbasan ang sakit na nabigay ko sa kan'ya.
Oo, tama siya. Wala akong kwenta. Hindi ako karapat-dapat para sa kaniya. Gago ako. Ako yung nagma-mahal sa kan'ya, pero hindi ako 'yung lalaking pinapangarap niya.
I'm not her knight and shining armor.
--------
"Sana naman, sa loob nang tatlong buwan, hindi mo ako ipinag-kaila sa lahat ng taong nagtatanong kung sino ako sa buhay mo. Sana, sumaya ka sa ginawa mo sa'kin." Nanatili akong nakatingala, dahil sa oras na tignan ko siya ay baka tumulo ang mga luhang nagbabadya ng pumatak.
"Sorry." Nadudurog ang puso ko habang naririnig ko ang hagulgol niya.
"Blue... bakit ngayon pa..." ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat salitang binibitawan niya, pero heto akong isang gago na walang magawa.
"Sorry kung nasaktan kita." Narinig kong tumawa siya, kahit na puno ng luha ang mga mata niya.
"Nasaktan?" humalakhak siya. "Pinatay mo'ko, Blue.." sa sinabi niyang 'yon, parang nanakawan ako ng hininga. Kusang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko kayang mawala siya.
Akmang lalapit na ako para yakapin siya at sabihin ang dahilan kung bakit ko nasabi ang mga bagay na 'yon, na mahal na mahal ko siya, pero itinaboy niya ako.
"Evi---"
"Huwag mo'kong hawakan."
"Evi, mahal---"
"Tama na! Ayoko nang marinig kung ano man ang sasabihin mo, dahil ayos na, Blue. Nakuha ko na. Hindi naging tayo at pinamukha mo'kong tanga. I get it." Napatango na lamang ako. Siguro, tama na hindi ko nalang sabihin sa kaniya, kasi baka hindi naman niya ako maintindihan."
BINABASA MO ANG
Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)
Novela JuvenilHIGHEST RANK ACHIEVED: #2 in TEEN FICTION!!✨ COMPLETED and PUBLISHED UNDER PSICOM!! ❤️ I know some of you might say that the title says it all. But let me tell you that this story is beyond of what you think. This story is not the typical nerd st...