Chapter Nineteen: Reunited

95.7K 2.7K 95
                                    

Clare


Nagising ako sa liwanag ng araw at lamig na bumabalot sa kwarto ko. Magdamag na kasing naka-on ang AC, kaya ganoon na lamang ang ginaw ko. Tumayo ako para kunin ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at nakita na nine na ng umaga.

"WHAT?!" halos mapuno ang buong bahay sa sigaw ko, dahil oras na.

Two P. M. mags-start ang reunion at ilang oras nalang ang pwede kong gamitin, para makapag-ready. Isa pa, hindi ko pa nakikita ang damit na binili ni Kina. Sana naman at huwag masyadong daring. Gusto ko kasi, simple lang pero sexy ang dating.

Tumayo ako at idi-nial ang number ng mga mag-aayos sa akin. Kailangan na nilang pumunta ngayon dito.
Wala pang trenta minutos ay nakarating silang lahat. Inilabas na nila ang kanilang mga gagamitin para sa ikakaganda kong lalo. Pagkatapos ay pinaupo ako sa harap ng vanity mirror. Nagsimula na silang magbutingting ng mukha at buhok ko. Makalipas ang dalawang oras, twelve o'clock na. Kailangan ko nang ilagay lahat ng gamit ko sa bag ko. May swimming at disco kasi ang aming reunion.

Matapos kong maayos lahat ng gamit ko, ready na ako.

Bumaba na ako at sakto naman na nasa labas na ang kotse ko. Nag-paalam na ako sa kanila at ipinasok na ang gamit ko sa compartment. Sumakay na ako sa driver's seat at in-on na ang engine. Naging mahaba ang biyahe ko. One P. M. na at nandito na ako ngayon sa parking lot ng beach resort.

Akala ko ay simpleng reunion lang, pero nagkamali ako. Malaki pala ang lugar.

Pumasok na ako sa room number na ibinigay sa akin ni Kina para sa aming dalawa at nakita ko siya doon na nag-aayos ng gamit.

Agad akong pumasok at hinanap ang binili niya sa akin na damit. Ilang minuto nalang at mags-start na ang party. Nagsuot ako nang two piece, dahil required iyon. Pagkatapos ay sinuot ko na ang dress na kulay black na nakita ko.

-----------------

Lumabas na kami at pumunta sa venue.

Let the battle begin, Shannen.

Una muna kaming pumunta sa isang hall kung saan ang mismong party, dahil nakalagay sa invitation na una munang magpa-party, bago ang swimming.

So I guess, gabi na mags-start ang swimming.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng elevator.

Nakayuko ako, dahil baka may makakilala sa akin. Gusto ko muna ng privacy. May mga napapatingin, pero dinededma ko na lamang.

Lahat ng mga tao ay sa amin lang ang titig. May mga babaeng manghang- mangha sa amin habang may binubulong sa isa't isa. May mga maniac na kung tumingin sa legs ng bestfriend ko at minsan nahuhuli kong sumusulyap sa cleavage ko.

Kaya, nagkunwari akong naubo at agad nilang inalis ang tingin nila sa amin. Mukha silang mayayaman. Siguro isa ang mga ito sa mga ka-batch naming.

Tumunog na ang elevator. Hudyat na nandito na kami sa tapat ng hall kung
saan gaganapin ang party.

Lumabas naman na kami. Tama nga ako. Batchmates ko ang mga taong nakatingin sa akin sa loob ng elevator.

While we're walking, the stares are killing us. Nakakakaba parin pala minsan makakuha ng atensyon ng tao. Si Kina, mukhang sanay na sanay sa ganito, kaya parang wala lang sakaniya.

Suddenly I feel uncomfortable, kaya dumikit ako kay Kina na ngayon ay patuloy na naglalakad papunta sa entrance.

Pagdating namin sa tapat ng malaking pinto ng hall ibinigay namin sa invitation naming dalawa at agad na pumasok na kami.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon