Chapter Twenty

95.2K 2.7K 108
                                    

Clare

Umalis na sila at nagsalita na rin ang emcee na ngayon ay katabi ng DJ sa taas ng hall na ito. Ininform niya kami na magkakaroon ng mga games at mga iba pang mga entertainments.

Bumalik na rin ang mga co-batch mates namin sa kanya-kanyang ginagawa nila, matapos ng mainit namin na eksena namin ng pakialamera at suluterang si Shannen.

Kinuha ko na ang pangalawang glass ng red wine at ininom iyon nang kaunti. Ipinatong ko ulit ito sa mesa namin ni Kina. Hindi din ako nakapag-usap kay Mr.Chinito dahil kay Shannen! Bwisit. Itatanong ko pa naman sana kung nagkita na ba kami dati.

Medyo nahihilo ako nang kaunti, pero pinatugtog ang isa sa mga paborito kong kanta na Starving, kaya napatayo ako at napapunta sa dance floor para sumayaw sa chorus part na may mabilis na beat.

Nalunod ako sa kumpol ng mga taong nakapaligid sa akin. Idagdag mo pa ang pagka-tipsy ko, dahil sa wine na nainom ko. Hindi kasi ako sanay uminom. Kaunting alcohol lang, hilo na agad ako. Mababa lamang kasi ang alcohol tolerance ko.

Sa madaling salita, nawala ako. Hindi ko alam at hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha ng mga nakaka-salamuha ko. Sigurado naman akong matitino sila, pero kahit na. Hindi pa rin ako safe, pero hindi ko padin mapigilan ang pagsayaw ko.

Umindak lang ako nang umindak.

Maya-maya ay may humawak sa bewang ko at gumiling giling ito mula sa likod ko. Hindi siya pamilyar.

Kaya dahil na din sa tama na dulot ng alcohol ay naki-sayaw na ako sa kaniya. At sa pagkakataon na ito, humarap na ako rito.

Pagharap ko, nakita ko at napagmasdan ko kung gaano ito kaguwapo... Namumukod tangi ang kaguwapuhan niya.

Para siyang diyamante na hinalo sa mumurahing mga bato.

Sumayaw lang kami nang sumayaw, pero nabigla ako nang hawakan niya ang dibdib ko. Kaya gamit ang natitirang lakas ko, sinampal ko siya. Hindi man lang siya natinag. Hindi parin niya ako tinigilan, kahit na sumisigaw na ako--- walang epekto.

Malakas ang sound system at hindi sapat ang pagsigaw ko para may makarinig sa saklolo ko mula sa pambabastos niya sa akin.

Bago pa ako ulit makasigaw, nakita ko nalang siya na nakabulagta sa sahig, dahil sa malakas na pagsuntok sa kaniya ni Blue.

Napansin ko ang mga ugat ng kamay niya ay nagsilabasan. Ang tingin niya ay nakakamatay at ang mukha niya ang namumula sa galit.

Bago pa ako makapag-salita, hinila niya ako papunta sa lugar na hindi ko alam.

---------------

Blue

Hanggang ngayon ay nanggigigil at nanginginig parin ako sa sobrang galit. Ni-ako nga na naging ex niya hindi ko siya hinawakan sa dibdib, dahil sobra ang respeto k okay Eviana, tapos makikita ko 'yung mukhang paa na iyon na hinipuan si Evi?

Gago siya.

He disrespected my love, kaya deserve niya 'yung malakas na suntok na iyon. Kung hindi lang ma-tao ang lugar na iyon, pag-nagkataon, baka hindi na siya humihinga ngayon.

Ang sarap sa pakiramdam na hawak ko ang kamay ng mahal ko ngayon, kahit na hindi ko alam kung saan kami papunta. Lakad lang ako nang lakad.

Ewan.

Gusto ko lang mailayo siya doon. Masolo ko siya na walang Jaeo, walang Shannen, walang pamilya o ng kahit sino man.

"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?! Pagod na ako!" sabay bawi niya ng kamay niya. Oo nga pala. Hindi nga pala kami magka-ayos. Sino ba naman ang gustong makipag-ayos sa isang gagong katulad ko? Hindi naman siya tanga para gawin 'yon, 'diba?

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon