PRINCESS POV
"Welcome, Lady." sabi ni Ace at ngumiti.
(,--) Napaka gwapo mo Ace! Pero di kita type. Lol.
Pumasok kami sa bahay.
"Mansyon rin ba'to?" natatawang tanong ko.
"Bahay lang to. Si Mom ang nagbigay sa akin. At kasya lang tayong grupo na tumira dito. Hanggang third floor ang bahay. Ang kwarto mo ay hilera ng mga kwarto namin ni Edward. Nasa gitna ang kwarto mo Lady. Nasa kanan mo ang kwarto ko at sa kaliwa mong bahagi ay kwarto ni Edward."
"Okay.. Ang alam ko, ayaw niyo sa maliwanag? Bakit ang liwanag naman masyado dito?"
"Dahil mahilig ka sa maliwanag, Lady!" nagulat ako nang biglang lumabas si Rosewell na abot tenga ang ngiti ng makita ako.
Lalapit sana siya sa akin para yumakap pero hinarang ko ang kamao ko sa kanya at ngumisi.
"Wag na. Yayakap pa eh." sabi ko.
"Waaah!! Nandito na si Princess!!" narinig ko nang sumigaw si Cailegh..
"*huk!*" niyakap nila akong lahat. Pati si Rosewell yumakap na rin.
"Tama na. Tama na. Tss.. Puro kayo lalaki tapos kung yumakap kayo sa akin daig niyo pa babae." reklamo ko.
"Totoo nga! Haha. Namiss kita, Lady!" sigaw ni Rosewell.
"Yah! Cailegh!" sigaw ko nung bigla niyang pisilin yung pisngi ko.
"Limang taon na ang nakakaraan nung magkita tayo pero bakit ganun? Ang liit mo pa rin? Hahaha." at tumawa silang lahat.
(-.-) Taena! Pagkasama ko talaga sila lagi ako ang center ng asaran nila.
"Nagugutom na ako." sabi ko at nahinto sila sa tawanan nila at nagkatingin muna sila bago ako hilahin papuntang dining hall.
"Yah! Wag kayong manghila! Ang lalakas niyo manghila ah!" reklamo ko.
"Buti nga di ka namin binuhat na parang sako ng bigas eh."
"Salamat ah?" mapaklang pagpapasalamat ko kay Ace na tatawa tawa sa harap ko.
"You're welcome." taas noong sabi ni Ace.
Kahit kailan talaga ang yabang ni Ace.
"Ba! Tumatawa na ang loner boy natin! Wahaha! Namiss talaga si Lady! Yaaayy." pang a asar ni Edward sabay sundot sa tagiliran ni Ace.
"Aiish." reklamo ni Ace.
"Hahaha! Si Lady lang ang makakapag ngiti sa yelong yan!" sigaw ni Cailegh.
"Tss.. Magkaharap lang tayo Cai. Bakit ang lakas ng boses mo." reklamo ko.
"Ahahaha! Naaayyy! Mas bakla sa akin yang si Cai!!" sigaw rin ni Edward.
(.--) Anong bang nangyare sa mga 'to? Mas lalo atang naging abnormal. Psh.
"Wooo!! Tada dada~ Ayan na~~!!" kumanta nang pasigaw si Edward at Cai kaya napalingon ako kung sino ang pumasok.
"Eh?? (o.o) P-princess?!" gulat na tanong sa akin ni Smith.
"(-.-) Baekoppa?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa katabi kong upuan.
"Ne." sabi niya at kumain na.
Habang kumakain kami binitiwan ko ang kutsara ko kaya napalingon sila sa akin.
Aiisshh.. Uma atake na naman. (>/<).
Napatayo ako at lumabas ng bahay at napunta ako sa garden.
---***---***---***---***---
BINABASA MO ANG
T R A P
FantasyShe choose to run away because she want to live freely. She left her sibling just to find the true her. Sumama siya sa mga kaibigang naging malapit sa kanya na siyang tuturuan siyang mamuhay sa mundo ng mga tao at ilalayo sa mundong kinalakihan niya...