TRAP 10

7 0 0
                                    

PRINCESS POV

Wala ni isa akong kinausap sa bahay...

Maaga akong nagising dahil sa ngayon ang unang araw ko para pumasok. Inagahan ko talaga ang gumising para hindi nila ako maabotan.

Naligo na ako at sinuot ang uniform ng Academy.

Humarap ako sa salamin at nakita ko ang itsura ko.

Pangit.

Tss.. Sino ba kasi ang gumawa sa akin na may kulay asul at pulang mga mata? Ang galing nilang gumawa with sarcasm tone.

Psh. Iniisip ko kung magsusuot ako ng shades pagpasok o kaya hindi.

Bumuntong hininga ako sa naisip ko.. Magsusuot ako ng shades pagpasok pero tatanggalin ko rin.

Nagteleport ako papuntang dining hall. Dahil sa tinatamad akong maglakad pababa.

"Good morning, Lady." bati sa akin ni Senior Linda.

Tahimik lang akong tumango sa kanya at wala akong ibang sinabi at umupo.

Kalmado lang ako habang nakain at nang matapos ay tumayo na rin ako para mag toothbrush. Aba! Marunong akong mag toothbrush. Haha.

"Papasok ka na ba, Lady?" tanong ni Senior Linda sa akin matapos kong magsepilyo.

"Opo." sagot ko.

"Ibaon mo itong tinapay atsaka juice para hindi ka gutomin."

"Thank you." sabi ko at umalis na sa dining hall.

Dumiretso ako sa parking lot kung saan nakalagay ang motor ko na binigay ni Tito Russell.

Pina andar ko na ang motor ko at nagsimula nang umalis para pumunta sa Academy.

Naging maayos ang byahe ko kahit mag-isa. Napakatahimik sa human world kumpara sa another world na ang gulo-gulo na puro gera.

Nakapasok na ako sa main gate ng Academy. Hinarangan ako ng guwardiya.

"Mam. Good morning po. Pangalan po?" tanong niya kaya tinaas ko muna yung salamin ng helmet ko.

"Jin Park." sabi ko. May tinignan sa desktop yung guard at tinignan ako.

"Okay na po, Mam. Pwede na po kayong magpark." sabi niya at tumango lang ako at pina andar ulit ang motor ko.

Nakapag park na ako at naglalakad na ako papasok sa main entrance. Psh. Puro na lang ba Main dito?

Maraming nakatingin sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Tae! Ganto pala pag nasa school.

Di ko naranasang pumasok sa isang school kahit nasa another world ako. Homestudy lang ako.

Kaya kong iflip ang mga mata ko. Sa ngayon ay kulay brown na ang dalawang mata ko. Tinanggal ko ang shades ko at pumunta sa Counter.

"Miss, saan po dito ang Computer Room?" tanong ko dun sa babaeng nasa counter. Tinignan niya lang ako at bahagya pa siyang nagulat at yumuko sa harap ko.

Eh??

"Magandang umaga po, Lady. Ako si Meli ang assist dito sa counter. Idiretso mo lang ang way na ito at lumiko sa kanan. Kaagad mo namang makikita ang sign ng computer room." nakangiting sabi niya.

Kaya kahit naguguluhan ako ay pilit akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat.

"Thank you." walang ganang sabi ko.

"You're welcome, my Lady." sabi niya.

Habang naglalakad ako sa sinabing daan ni Miss Meli ay biglang nag echo sa isip ko yung sinabi ni Dean.

Akala ko ba, walang makaka alam na nandito ako?

Nakita ko na ang room ko at kumatok muna ako.
Kahit kinakabahan ay taas noo akong kumatok.

First day ko 'to kaya sana makisama ang lahat.

-

GHIEL IAN POV

*tok.tok.tok*

Napalingon kaming lahat sa pintoan ng room namin ng may marinig kaming katok.

"Siya na siguro yan." nakangiting sabi ni Miss kaya nakakunot noo akong sinundan siya ng tingin.

"Sino ang tinutukoy ni Miss?" tanong ni Davidson sa akin.

"Aba, malay ko kung sino." sabi ko.

"Class. Siya ang transferee galing sa Naedeux."

Naedeux? Saan yun?

Tinignan ko yung babaeng nasa harapan naming lahat.
Tinaas ko pa yung ulo ko para lang makita yung babae.

Nasa Computer Room kasi kami.

"Mind to introduce your name to us, Lady?" tanong ni Miss.

Lady?

"Annyeong haseyo na neun Jin Park imnida. Kamsahamnida." sabi nung babae.

Sheet! Koreana!

"Jin Park?" tanong ni Miss.

"Yes. That's my name in korean." sabi nung babae.

"We're using our true name here, Lady."

"Is that so?"

"Yes, Lady."

"Hello everyone. My name si Janna Irene Nae McKnight. Can I sit now?"

"You may sit beside Mr. Tullio." sabi ni Miss at tinuro ang bakanteng upuan sa gitna namin ni Davidson.

What?! Sa gitnang upuan namin ni Davidson?!

Naglakad na si Jin papunta sa amin. May napansin ako na may papatid sa kanya--

"Ouch." sabi nung babaeng papatid sana kay Jin.

"Wag mo kasing iharang yang paa mo. Maapakan ko lang yan." sabi ni Jin.

Sheet~ Ang cold niya!

"Hi, Davidson is my name." sabi ni Davidson at nakipagkamay kay Jin.

"Jin." simpleng sabi niya.

"Ghiel Ian." sabi ko at lumingon sa akin si Jin.

Nakita kong ngumisi si Davidson sa akin (,--).

"Jin." sabi niya ulit.

"Pwede ba kitang tawaging Janna?" tanong ko. She stare at me coldly.

"Jin." sabi niya ulit.

"Okay.." napapahiyang sagot ko.

-

Matapos ang klase namin ay tumayo na kaming lahat.

"Sama ka na sa amin, Jin." yaya ni Davidson kay Jin na nagliligpit ng mga gamit niya.

"Sure. Saan kayo kakain?" tanong ni Jin.

Nakatingin lang ako sa kanila. Nakita kong nakatingin si Jin sa akin.

"Baka ayaw niyang sumama ako." sabi ni Jin at humarap kay Davidson.

"A-ahh. H-hindi sa ganun. Okay lang." sabi ko.

Habang naglalakad kami papuntang Cafeteria ay maraming nakatingin sa amin.

"Sikat ba kayo dito?" natanong ni Jin sa amin.

"Yeah. Pero bawal sumigaw dito. Haha. Pinagbabawal ni Dean eh." sabi ni Davidson.

"JIN!!" napalingon kaming tatlo sa kung sino ang sumigaw sa pangalan ni Jin.

"Akala ko ba bawal sumigaw. Tss." sabi ni Jin kaya napatingin ako sa kanya.

Medyo nagulat ako ng tumingin sa akin si Jin na nakangisi.

Sa tingin ko? Napaka misteryosa niya.

---***---***---***---***---

T R A PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon