TRAP 11

4 0 2
                                    

JIN POV

Akala ko ba night class pa sila? Eh, 10 a.m palang. Tss.

"JIN!!" sigaw ni Cailegh.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko.

"Sasamahan ka naming mag lunch--" pinutol ko ang sinasabi ni Ace.

"May mga kasabay ako." seryosong sabi ko kaya nagulat sila.

"Please to meet. Davidson and Ghiel." sabi ko at tinuro pa sila Ghiel.

"Akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" tanong ni Ace sa akin.

"Anong napag-usapan? Hindi naman ako nakinig non." sabi ko.

"Lady, may sasabihin si Dean. Sa Main Cafeteria tayo." seryosong sabi ni Smith.

Bumaling muna ako sa kanila Davidson.

"Kita na lang tayo sa room." sabi ko.

-

"KYAAAHHH!!"

"OIIMGII! SILA ACE!!"

"OMOOO!! ANG GWAPO!"

"WAAAHHHH SI EDWARD AT CAILEGH!!"

"SI ROSEWELL AT SMITH!!"

"PAKSHEET! WAG KA MANULAK!"

"KYYYYYAAAAHHH!!"

"SINO YUNG KASAMA NILA?"

"Siya yung bagong transferee."

"OMO!! ANG GANDA!"

Tss. Ano maganda sa akin.

At akala ko ba bawal sumigaw. Tss. (.--).

Nakarating kami sa Main Cafeteria na pinagtitinginan ng lahat.

Pina una na nila akong pumasok sa cafeteria at nakita ko si Dean Lee na simpleng nakaupo pero kalmado.

"Good morning, Dean." bati naming lahat.

"Good morning. O! Hi to my niece." sabi ni Dean at niyakap ako.

"Parang ang tahimik niyo naman." dagdag ni Dean ng mapansing di kami nagpapansinan nung limang ugok.

"Dean, sa tingin niyo po ba na pagbinigyan po namin si Lady ng rules magagalit siya?" takang tanong ni Edward.

Tss.. Sinasadya ba niyang iparinig sa akin na kailangan kong umiwas sa lahat? Alam ko naman na kailangan ko ngang umiwas. Pero wag naman sana nila akong pagbawalan sa mga gusto kong gawin. Kaimbyerna.

Tumingin pa muna sa akin si Dean kaya nilayo ko ang tingin sa kanila at tumingin ako sa labas ng bintana kung saan makikita ang malawak na field.

"Of course she will get mad to all of you. Ayaw niya na pinagbabawalan siya unless yung mga nagbabawal sa kanya ay yung mga nakakataas." paliwanag ni Dean.

Tama yun. Hindi rin ako susunod sa utos pag inutusan ako ng mas mababa sa akin. Sabihan niyo na akong ginagamit ko ang kapangyarihan ko bilang nakakataas pero ayon na yun sa rules sa mansyon.

Bawal akong utusan unless kailangan. Kadalasan lang namang naguutos sa akin ay si Queen at Dad. Psh.

"Nakakataas rin naman po kami, Dean." nakangusong sabi ni Cailegh.

"Alam ko.. Nagbasa ba kayong lima ng mga rules sa Kingdom?" tanong ni Dean.

"Well, sinasabi nila Mom and Dad kaya hindi na namin binasa." sabi ni Cailegh ulit.

"Hindi pa rin basihan na narinig niyo lang. Dapat binasa niyo rin." sabi ni Dean.

Di ko mapigilang mamalik-mata matapos kong makita si Anne. Bakit nandito siya?

"Dean?" tawag ko kay Dean pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Yes?"

"Did you know Anne Jung?" tanong ko. Ramdam kong nagulat siya sa tanong ko. "She's here." sabi ko.

"Yes. Dito siya nag-aaral for about three years. Top student siya."

"Paano siya nakapunta dito?" seryosong tanong ko.

"Nakapasa siya sa entrance exam dito. Galing din siya sa Naedeux at kilala ka niya. Kaklase mo siya sa kindergarten kasama tong limang kasama mo ngayon."

"Sa tingin mo? Kilala pa niya ako matapos ko siyang masaktan?"

"Time would heal the pain. I guess tama na ang panahong nakalipas. Nakalimutan na niya siguro."

"Pwede ko siyang kausapin, right?"

"Yes of course. Kaklase mo siya sa night class mamaya."

"Dean?! May schedule si Lady sa night class?!" sigaw na tanong ni Cailegh.

Ang O.A. Sinundan ko lang ng tingin sa Anne.

I hope she can still remember me after that accident.

"Bakit? Ayaw niyo ba siyang maging kaklase sa night class?"

"Gusto po namin.." sabi nila.

"Ayokong pumasok sa night class. Tama na ang schedule ko sa morning class. Nakakapagod kung pati sa gabi may pasok." sabi ko at tumayo na.

"Excuse me.. Kailangan ko nang pumasok." sabi ko at akma sanang aalis nang hawakan ni Ace yung kanang braso ko.

"Hindi ka pa kumakain." sabi niya kaya malakas kong inalis ang braso ko sa kamay niya.

"May baon ako." at humarap ako kay Dean at yumuko. "Mauna na po ako, Dean." sabi ko at naglakad na paalis ng cafeteria.

---***---***---***---***---

T R A PTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon