JIN POV
Papunta na ako sa last subject ko.
Dumaan muna ako sa locker room ko para kumuha ng mga drafting materials.
Nang makuha ko na ang mga gamit ko--
"Look who's here.." nakarinig ako ng boses ng babae. Alam ko nasa likod ko siya.
"Who are you?" tanong niya sa akin pero hindi ako lumilingon sa kanya.
"Ba't ba hirap kang harapin ako!!" nanggagalaiti niyang sigaw. Humarap ako sa kanya.
Pinagflip ko ang mga mata ko bago ako humarap sa kanya.
"Is it important that I know you?" balik na tanong ko sa kanya. Nagulat siya.
"Your eyes are blue and red! Sino ka?!" sigaw niya at tinulak ako sa locker.
(-.-) Masakit. Tss.
"Anong ginagawa mo dito?! Sino ka ba?! Sinusundan mo ba ako?!" sigaw niya kaya napakunot noo ako sa sinabi niya.
What the eff-- Ako? Susundan siya? Hindi ko nga siya kilala eh!
Pinakalma ko ang sarili ko dahil pag hindi ako nakapagtimpi... Babagyo (.--).
"Punyemas..." bulong ko matapos niya akong sampalin.
Great. Pangalawa na siyang sumampal sa akin sa tanang buhay ko.
"Ano ba ang problema mo?" mahinahong tanong ko.
"IKAW! Ikaw ang problema ko!" asik niya sa mukha ko.
"Ano naman ang ginawa ko sayo? Kakarating ko lang sa eskwelahan na ito. Kaya wag kang umastang kilala mo ako. Sino ka ba para sampalin ako!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.
"I-im s-orry--" hindi ko pinatapos ang sinasabi dahil hinawakan ko ang kwelyo niya.
*bbbbblllllaaaagggg*
"I-ibaba m-mo ako!" sigaw niya.
Di ko mapigilan ang sarili ko na iangat siya sa ere. At sa nakikita ko ay namumutla siya.
Napangiwi ako ng mag echo ang sinabi sa akin ni Ace.
'Humans can harm you. Unless you harm them too'
Pabagsak kong binaba yung babae at nakita ko siyang umiiyak.
"Halimaw ka!" sigaw niya.
"Wala kang alam kaya wag kang magsalita." cold na sabi ko at nilapitan siya.
"Sa susunod na makita kita. Hindi lang paglipad sa ere ang mararanasan mo. Takot ka sa heights at pag nakita ulit kita. Hindi na kita ibababa sa ere." ma awtoridad na sabi ko at naglakad paalis.
-
EDWARD POV
Napalingon ako sa kanang bahagi ng Academy... May nararamdaman akong malakas na enerhiya.
"May nangyayari sa locker area!" sabi ni Smith matapos niyang pumikit.
Ramdam nila? Ayos.
Pinuntahan namin ang locker area pero wala kaming nakita bukod sa sirang kisame.
Ako ang nakakita sa sirang kisame kaya tinawag ko sila.
"May nangyari dito at hindi natin naabutan yun." seryosong sabi ko habang nakatingin sa taas ng kisame. Napatingin rin sila sa kisame.
"Kaninong kapangyarihan naman ito? Na kayang magpalipad sa ere?" takang tanong ni Cailegh.
"Maaaring mangyayari na naman ang nangyari kay Lady. Sa nakikita ko ay nanggaling dito kanina lang si Lady bago tayo dumating." sabi ni Rosewell.
"Sabi ko na eh! Maaari ring may nasaktan siya!" sigaw ni Ace.
(-.-) Ano ba pinaglalaban ni Ace? Tss.
"Tanongin natin siya mamaya. Meron rin naman siyang night class at hindi niya pwedeng tanggihan yon." sabi ko.
"Pero kailangan muna nating ayusin ang nasirang kisame bago makarating kay Dean." sabi ni Smith kaya tumango kami bilang pagsang-ayon na kailangan naming ayusin ang kisame.
Natatakot ako na baka maulit ang nangyari at baka makalimot na naman siya.
-
JIN POV
Tahimik lang akong naka upo sa upuan ko malapit sa bintana. Nasa loob ako ng classroom at ang ingay nila.
Di ko sila pinansin dahil nangangamba akong baka alam na nila Edward ang nangyari kanina lang.
Ramdam ko ang presensiya niya kahit na malayo ako sa kanila. Binalik ko na sa pagiging brown ang mga mata ko dahil ayoko nang may makakitang tao na dalawang kulay ang mga mata ko.
Wala pa ang teacher namin kaya ang iba ay naging maingay ang iba naman ay lumabas ng room para pumunta sa cafeteria.
"Alam niyo bang nandito ang Group of Handsomes, kanina!" kinikilig na sabi ng kaklase kong babae.
"Ayyy girl! Nakita ko sila kanina dun sa may locker room!"
(o_o)
"O, talaga? Anong ginagawa nila sa locker room? Akala ko ba ay twing night class ang pasok nila? How come na first time nilang pumunta ng morning class?"
"Ewan ko. Basta ako, nakita ko si ACE!! OMG, ang gwapo talaga niya!"
(-.-) Ace na naman. Puro yabang lang naman yung ugok na yon eh.
"And one more issue! Nakita ko rin sila GHIEL AT DAVIDSON!!"
"KYAAAHH!!" tumili na ang iba dahil sa pumasok sila Davidson at Ghiel.
Gaya ng seating arrangement namin ay nasa gitna dapat ako naka-upo at dahil sa kilala ako ng adviser ko ay napaki usapan ko siyang gusto kong mapag-isa sa huling row.
Haha. Minsan lang ako gumamit ng kapangyarihan ko bilang nakakataas kaya ganun.
Pero limitado lang. Dahil nasa human world ako. Kaya kung sino ang nakakataas dito sa Academy ay ginagalang ko.
No choice ako eh.
---***---***---***---***---
Read. Vote. Comment.
xoxo
BINABASA MO ANG
T R A P
FantasyShe choose to run away because she want to live freely. She left her sibling just to find the true her. Sumama siya sa mga kaibigang naging malapit sa kanya na siyang tuturuan siyang mamuhay sa mundo ng mga tao at ilalayo sa mundong kinalakihan niya...