medyo natagalan to,sensya naman...nakikiwifi lang ako sa mabuting kapit bahay e..tska uso din sakin yung busy.hehehehe....
~~~~~~~~~~~~
Bianca's P.O.V.
Haaay...hikab..
dilat....
pikit....
dilat ulit...
anong petsa na nga ba ngayon?June 5....yah i know tapos na bakasyon,medyo bitin pa ko ang saya kasi ng bakasyon ko e....
swimming dito,swimming dun...
pero kahit na naging exciting ang bakasyon ko....
mas excited ako ngayon,syempre first day ng high school life ko.
Sabi nga nila diba?high school ang pinakamasayang part ng pagaaral.
Pagkabangon ko,naligo na ko agad tapos nagbihis pero di pa ko nakauniform.Di pa kasi ako nabibilhan ng uniform,oorderin pa kasi yun sa school.Pero lang kasi fresh man naman ako kaya papapasukin ako.
Pagkatapos ko kumain nagtoothbrush na ko at kinuha ko na yung bag ko.
Kinuha ko na din yung baon kong lunch at pera na nsa ibabaw ng ref,nagtataka siguro kayo kung bakit nasa ibabaw ng ref yung baon ko at di galing sa nanay ko.
Wala kasi palagi sila mama at papa.Yung kuya at ate ko naman sa mga tita ko nakatira kaya ako lang magisa ang naiiwan dito sa bahay.maaga kasi pasok ni mama pero ok lang naman kasi bago naman siya umaalis inaayos na niya yung pagkain at mga kailangan ko kaya ok na din.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nandito na ko sa school..
lapit sa bulletin board.
hanap hanap hanap.
yun nakita ko na!nasa bulletin board kasi yung listahan ng mga pangalan at section per year e...Ang daming fresh man na nagenroll.Napangiti naman ako kasi kahit medyo late na ko nag enroll di naman ako sa dulo nilagay,yun nga lang nasa bandang gitna na,dati kasi laging section 3-5 lang ako napupunta.
Section 6 ako....
Bigla naman tumunog yung speaker(all student pls fall in line)
tapos may teacher na nagpapapila,by section and yr.
Nasa bandang unahan ang mga 1st year kaya pumunta agad ako dun at nagtanong kung san pila ng section 6,nahanap ko naman agad.
Kaya lang pagdating ko sa pila may isang babae na umiiyak..at take note!umiiyak siya.hahahahaha!takte kala ko sa elementary lang yung ganon..
Lam niyo yung para siyang batang ayaw magpaiwan sa nanay niya dahil natatakot siya sa teacher at sa mga classmate na bully.
"Oh pano iiwan na kita ha?pinapila naman na kayo e."narinig kong sabi nung babaeng kasama niya na mukhang nasa late 30 na yung edad.
"sob...dito ka muna sandali...sob...maya kana umalis pag pinaakyat na kami."sabi niya habang hatak hatak niya yung kamay nung babae.
Napansin ko naman na napapatingin sakin yung kasama niya kaya ako naman si dakilang pakialamera nakisali na din.
"Wag ka na umiyak,ako nga din walang kasama e.Ako nga pala si Bianca...Bea nalang,ikaw?" tapos lumapit pa ko ng konti para makita niya ko..
Tiningnan naman niya ko tapos tumingin dun sa kasama niya,nginitian naman siya nung kasama niya na parang nagsasabing sumagot siya.
Pero bago siya sumagot sakin,bumulong muna siya dun sa kasama niya tapos niyakap siya at nagpaalam ng umalis yung babae.
Nagulat naman ako kasi pag tingin niya sakin di na siya umiiyak tapos sobrang lapad na ngiti naman ang pumalit.Lam mo yung parang may sayad lang siya na ang bilis magbago ng emotions.kakatakot.
"Hi Bea,ako si Janice..Bahala ka na kung anong itatawag mo sakin."tapos ngiti nanaman ng wagas.
Natawa naman ako sa kanya.Pano ba naman kasi kanina lang umiiyak siya ngayon lahat ata ng magiging classmate namin kinakausap na niya at pinipakilala sakin.
~~~~~~~~~~~~
Pinakaakyat na kami sa mga magiging room namin pero di daw pupunta mga teachers ngayon para magturo o magpakilala..Adviser lang namin ang pumunta sa classroom namin para magpakilala at syempre may introduce yourself nanaman..Lagi naman yun.
Halos lahat naintroduce na pati ako.pero may inaantay pa kong isa na magpapakilala bago ang recess.
Siya yung suplado type na classmate ko.Si Mark,bilis ko no?alam ko agad pangalan...
Pano ba naman kasi crush daw siya ni Janice matagal na,at magschoolmate din daw sila dati.
Di naman sa curiuos ako sa kanya,kaya lang kasi napakasungit niya...
Tinanong ko kasi siya kanina kung may nakaupo dun sa upuan malapit sa table ng teacher,sagot ba naman sakin..
"E di tingnan mo."nskapoker face pa.Ang taray ni kuya..
Pogi ka kuya?pero cute nga siya..mahihiya ang moon sa dimples niya.
Si janice naman parang kinikiliti ang pwet sa kilig habang nagpapakilala si Mark.Natatawa nalang ako sa kanya.
Puro ganon lang ginawa maghapon.Pakilala,nag assign ng cleaners at leader bawat araw.tapos nagbotohan din ng class president at kung ano ano pang kaartehan.
Ginawa pa nga akong leader ng cleaners tuwing friday.
Pagkapos ng nakakapagod na araw,uwian na...
Nagbabye lang kami ni Janice tapis umuwi na ko.
~~~~~~~~~~~~~~
Wala nanaman po ako magawa ngayon kaya ngupdate nalang ako.umaatake nanaman kasi insomnia ko..kung may net lang sana na publish ko na to.hehehe...
dami mali nito pero ok lang di naman ako pro e..at wala din ako balak maging pro,namngungulit lang ako at inaatake ng kabaliwan ko kaya ko ginagawa to..tnx kasi kahit papano binabasa niyo yung kabaliwan ko hahaha..
time check:12:03
Maguumaga nanaman gising pa ko..gudluck nalang sa eyebag ko hahahaha..
goodnight pips!
29chinita07