eto na ulit yung karugtong...sinisipag ako magtype wala kasi magawa e,...
tama na chika...
enjoy...
di ko na kekwento yung nangyari ngbakasyon ha?boring naman e...^_____^
~~~~~~~~~~~~~~~~
Pasukan na ulit,
Hanap hanap ulit ng section sa bulletin board tapos nung makita na pila nanaman.Pero ngayon di na ko masyadong nininerbiyos kasi may mga kilala na ko at tska yung iba kong classmate sila ulit classmate ko.
Classmate nga pla kami ulit ni Jaja,tumaas din section namin kasi nga mabait kaming student..Si Mark naman nasa lower section.
Buti nga nakapag 2nd yr pa yun e..kung di lang katakot takot na pakiusap namin sa mga teacher at kung di namin siya tinulungan na gumawa ng special project di pa siya papasa.Kaya nga ngayon kahit magkakahiwalay kami ng section okay na din.
Papunta na kami ni Janice sa room namin nung kinalabit niya ko para lang sabihin na may bagong transfer daw kaming classmate.
Galing daw yun sa Private school at crush daw niya.
Si Jaja talaga lahat nalang ata crush niya,tapos gusto pa niya makipagkilala ako para daw maging barkada namin.Palaging ganon kasi ang sistema pag may crush siya ako makikipagkilala tapos siya ang poporma.
Effective naman kasi nagiging sila naman kaya lang di tumatagal kasi pag may nakita nanaman siyang bago iiwan niya yun nauna.SiMark lang ata ang di niya nauto e..
Pagdating namin sa room nakkta niya agad yung sinasabi niya sakin na crush niya kaya tinuro niya agad sakin.Pero di ko tiningnan mas inuna kong maghanap ng upuan,alam mo naman sa public agawan ng upuan,karamihan kasi ng upuan kung hindi sira yung sulatan,walang sandalan.kaya unahan ng pagpili ng maayos ayos.
Pag upo ko hinila agad ako ni Janice patayo para lumapit sa bagong studyante.Nakayuko siya nung lumapit kami tapos tinulak ako ni Janice para mauna makipagkilala.
"hi,kaw yung bagong lipat?"sabi ko agad nung paglapit ko.
madalas wala akong pakialam sa earth pero friendly naman ako lalo na pag simula ng klase para di ako mailang sa mga bagong classmate ko.
Pag angat niya ng mukha niya..
o_O siya
o_O ako
^_______^ siya
^____________^ ako,ohdiba mas wagas yung smile ko...
"hi,classmate pala tayo" sabi niya
"bakit nandito ka?"
"Lumipat ako ng school,bawal ba?" siya.
"sabi ko nga" ang sungit nito pasalamat ka crush kita dati..
opo tama kayo ng basa,di ko na siya crush..May bago na kasi akong crush e..bawal ko sabihin kasi.....basta bawal....
"Magkakilala kayo?" bigla naman nagsalita si Jaja.
"oo nga pla ,Francis si Janice bestfriend ko."tiningnan naman ako ni Janice na parang sinasabi na siya ba yun?
"Janice si Francis classmate ko dati"tapos tiningnan ko rin siya na parang sinasabi ko din na oo.
"hi,"sabi ni Jaja tapos nakipagkamay kay Francis lantod talaga hahaha..
~~~~~~~~~~~
Dumating na yung teacher namin pero di naman ngturo syempre 1st day kaya puro pakilala lang ang ginawa at naiimbyerna ako sa mga bagong classmate kong babae kasi ang aarte..tapis halatang kinilig kay Francis.