Ang haba nung update ko last time noh?sunod sunod na chapters yun..eto ulit sunod sunod kasi natagalan e,para makabawi...hehe
Oo nga pala sana basahin nyo din yung one shot ko.title po ANG ENGOT KONG LOVE STORY and sana magustuhan niyo kahit bano ako..
eto nah...
~~~~~~~~~~
Nung uwian na yun pinuntahan ako ni Mark sa room namin.
Di pa tapos ang klase pero nandun na siya,wala daw kasi silang teacher sa last subject kaya pwede sila lumabas,si Kristal naman umuwi na daw.
Nasabi ko na din kay Janice yung nangyari kanina sa canteen at sabi niyaxsiya na daw bahala.
Medyo panatag na ko pero pag tinitingnan ko si Mark ramdam na ramdam ko yung galit niya.
At alam ko na marami siyang itatanong sakin at kailangan ko magready.
Hindi nga siya sumabay samin kaninang lunch,sasamahan daw niya si Kristal umuwi para kunin yung naiwan na project niya,first time nangyari yun kaya alam na talagang galit siya sakin.
Sa pagkakakilala ko kasi kay Mark,ayaw na ayaw niyang maglakad sa initan.Ayaw kasi niyang pinapawisan at nangangamoy araw siya..Super arte kaya nung bestfriend ko na yun,palagi ngang may baong pulbo yun e.Pero ngayon pumayag siyang maglakad sila kahit mainit.
~~~~~~~~~~~~~~
Nag bell na at ibig sabihin nun uwian na..
Pagkalabas pa lang ng teacher namin pumasok na agad siya.Pero nilapitan agad siya ni Janicepara tumahimik siya tapos naupo sila sa tabi ko..
Grabe nininerbyos talaga ako.
Inantay muna naming lumabas lahat ng kaklase ko.
Bale ang naiwan sa room,ako, si Francis tapos sa harap namin si Mark at Janice.
Pinaikot nila yung upuan kaya magkakaharap kami.
Bago pa magsalita si Mark inunahan na siya ni Janice magsalita at pinaliwanag na niya yung nangyari.
Nalaman na din ni Francis yung totoo at mukhang dismayado siya kaya sinabi ko na gusto kong totohanin yung nasa sulat na yun kaya ngumiti na rin siya.
Pero si Mark nakatitig lang sakin tapos pagkatapis ko magsalita bigla siyang tumayo.
"Bianca,alam mo bang mahal kita?"sinabi ni Mark ng parang wala kaming ibang kasama kaya napatingin ako kay Janice.Nagulat kasi kaming lahat sa sinabi niya.
Tapos nagsalita siya ulit.
"sige papayag ako sa gusto niyo,Pero put**** in* masaktan kalang pasensiyahan nalang tayo!!"
tapos nakatingin siya kay Francis na parang gusto niyang ibaon ng buhay si Francis.
Di kami nagsalita lahat.
Pagkatapos magsalita ni Mark lumabas siya diretso kaya hinabol siya ni Janice.
Umalis na din kami ni Francis pagkatpos nun...
~~~~~~~~
Habsng naglalakad kami pauwi di ako nagsasalita,pakiramdam ko lutang ako,nagulat kasi talaga ako sa sinabi ni Mark .Iniisip ko kung pano nangyari na mahal niya ko e may gf siya?e ano niya si Kristal mahal din?labo...
Di ko na nga napansin si Francis hanggang makasakay kami ng jeep.
Pero nung malapit na akong bumaba,nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko tapos bumulong siya..
"i love you".Feeling ko tatangayin ako ng hangin....
First time niya kong sabihan ng ganon,Palagi kasing gusto kita ang naririnig ko sa kanya.
Nakakatawa nga kasi sa sobrang gulat ko nataranta ako kaya sabi ko sa kanya "bye" tapos nag para ako ,...
E malayo pa yung bababaan ko dapat sa kabilang kanto pa,kaya ayun naglakad ako.
Pero ok lang para makapagemote pa ko at marewind ko pa ng paulit ulit yung sinabi niya...
~~~~~~~~~~~~~~
Ayan na,maya ko ulit type yung karugtong ha?nood muna ako..
ingats ingats!
29chinita07