May nababasa pba nito? well anyway di ko kayo masisisi kung wala na.tagal ko na kasi to nabisita.
Di bale tatapusin ko pa rin to para lang wala akong nakahang na story.^___^
~~~~~~~~~~~~
After nung mga kilig moment na yun back to normal nanaman kami ni Francis dating gawi sabay pumasok at umuwi.Sabay magrecess. Parang naboboring ako,at alam kong pati siya.Pero kuntento ako, ewan ko lang kung pati siya.
Ok naman hanggang matapos na nga ang sophomore at maging juniors na kami.
Oo 3rd year na kami at magkaiba kami ng section.
Napunta ako sa section 4 habang siya ay section 8.
Pasaway kasi siya at di nagpasa ng projects nung last quarter kaya bumaba yung grades niya.
Pero ok pa rin kami, pumunta siya room namin di na nga lang madalas kasi iba kami ng oras ng klase at di na din kami masyadong nagkikita dahil sa extra curricular activities ko na sa palagay ko ay medyo nagpaganda sa relasyon namin.
Pero akala ko lang pala yun.
Nung umaga na yun nagtext ako kay Francis na di ako sasabay sa kanya kasi may report ako mamayang 2nd subject at di ako papasok sa unang subject namin.
Maayos naman an reply niya...Yung usual text na "mag iingat ka ha at puntahan nalang kita sa room mo maya" niya ay ganon pa rin.
7am na ko umalis sa bahay dahil 8am pa naman ang second subject namin,kaya makakapagready pa ko.
Nasa 3rd floor ang classroom namin at 2nd floor naman ang kila Francis.
Nung pagdating ko,nasa baba palang ako ng bldg. nakita ko na nasa corridor yung mga classmate ko kaya siguradong di nanaman pumasok ang teacher namin.
Paakyat ako ng bldg.nung makasalubong ko si Gerald bestfriend ni Francis.Barkada ko dati si Gerald kaya sila nagkakilals ni Francis.Masyadong playboy ang lalaking yan at minsan ginagamit niya ako para makipagbreak sa gf niya.
"Hi Gerald si Francis? "Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Gusto mo makita? halika samahan kita"natatawa siya habang sinasabi yan.
"Sige,wait lang lagay ko lang gamit ko sa room".
Inantay naman niya ko sa hagdan.Masaya kong binati si Janice at Mark na naging classmate ko ulit.Nilipat kasi si Mark sa higher section para daw mahiyang gumawa ng kalokohan.Tapos nagpaalam ako sa kanila na lalabas kasama si Gerald.
Nung una ayaw ako payagan ni Mark dahil asar daw siya kay Gerald pero napapayag ko din siya.
Pagdating ko sa hagdan lumakad na si Gerald kaya sumunod nalang ako.
Lumabas kami ng gate at dumiretso sa tambayan ni Gerald.Medyo nagtataka ako kasi tambayan yun ng mga pokpok at siraulo sa school(sorry po sa word) .At di ko alam kung bakit nandun si Francis.
Dire diretso lang si Gerald ng makita ko ang di ko nalang sana nakita.Sana nakinig nalang ako kay Mark.Di sana ganito yung nararamdaman ko.
Nakita ko kasi si Francis na nakatalikod sakin habang kahalikan ang isang second yr.student.
Di ko alam kung anong gagawin ko nun.Nanginginig ako,di ko alam kung sa galit ba o ewan.
Basta ang alam ko, nakatayo ako dun, at mas pinili kong umalis nalang.Hindi din ako makaiyak.Parang di maabsorb ng utak ko yung nakita ko.Basta nanginginig lang ako at parang hirap na hirap akong umakyat sa hagdan.
Pagdating ko sa room nmin naabutan ko silang naglalaro ng jackstone.
Niyaya ako ni Sarah dahil alam nila na mahilig ako dun pero tumanggi ako.Pumunta ako sa corridor pero nanginginig pa din ako.
Lumapit sakib si Jaja.
"Bianx ok ka lang? bakit ka namumutla? "
At dun sa tanong na yun, bigla nalang akong napaiyak...
Sa isang tanong ng bestfriend ko bumuhos ang lahat ng luhang di ko mailabas kanina.
Nagpanic naman si Jaja dahil ngayon lang niya ko nakitang umiyak.Pero di ako makapag salita.Iyak lang ako ng iyak.
Pinilit kong tumigil at pinainom niya ko ng tubig.Mahirap kasi pag nakita ni Mark na umiiyak ako.Malamang lumabas ang pagkadragon nun.
Medyo ok na ko kaya naikwento ko na kay Jaja yung nangyari..
Galit na galit siya pero sabi ko sa kanya na pabayaan na.Ayaw pa niya nung una at ipapabugbog daw niya si Francis pero sabi ko wag na at baka malaman pa ni Mark.
Pero huli na pala ako dahil alam na niya.
Nagulat ako nung bigla siyang lumapit sakin at hinila papasok ng room.Pinaupo nya ko sa upuan ng teacher at tiningnan ng masama.Tapos maya maya nawala na din an tingin na yun at mahinahon siyang nagtanong.Alam ko na galit siya kaya sinagot ko lahat ng tanong niya.
D din pumasok ang next subject namin kaya bukas na ang report ko.
Nasa labas ang mga classmates ko at kaming 4 lang ang nandito sa room. Si Jaja,Si Mark, Ako at yung bf ni Janice na si Manuel.Recess na kasi pagkatapos ng subject na to kaya nagbabaan na sila.
Magkatabi si Janice at manuel sa upuan na nakaharap samin tapos kami ni Mark naman ang magkatabi at nakatalikod sa pintuan.
Biglang sumimangot si Jaja nung tumingin siya sa pinto.
Kasunod nun narinig kong nagsalita si Francis.
"Bianx".Sa tono ng boses niya alam ko na nalaman na niya na nakita ko siya.Di ako lumingon pero wrong move pala yun kasi narinig ko nalang may malakas na bumagsak sa sahig.
Ang bilis ng pangyayari, ngayon sa harap ko nag susuntukan si Mark at Francis.Inaawat sila ni Manuel at Janice per ako vnandun lang at tinitingnan sila.Parang wala sila sa harap ko.Ni hindi ako gumalaw man lang.
Nung makita ko na bugbog na si Francis tska lang ako nakagalaw at niyakap ko si Mark.Pareho naming alam ni Janice na ako lang ang makakapag patigil sa kanya.
Pag hinto niya lumabas siya ng room pero tiningnan muna niya ko bago siya umalis.
Si Francis naman nasira yung uniform niya, puro dugo yung bibig niya at medyo maga na yung kilay niya.Di naman masyadong bugbog ang mukha niya dahil puro katawan ang tinamaan sa kanya.
Kahit ganon ang itsura niya nagsosorry siya sakin pero tinitingnan ko lang siya.Di ko alam ang sasabihin ko basta ang alam ko galit ako.
May sinasabi pa siya pero umalis na ko sa room namin.Pumunta ako sa room nila at pinasundo ko siya kay Gerald at Bernadette.May meeting kasi an mga teacher kaya halos lahat walang klase.