hi...oo ako nga nabuhay ako ulit..
busy daw kasi ako kunyari kaya di ako nakakapag update,pero eto na ako ulit para ituloy ang kwento ni Bianca..
enjoy po..
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ilang months na din ang dumaan tapos na exams at kilala ko na lahat ng classmates ko kahit yung iba di ko masyadong tanda ang pangalan hehe..
Ganon kasi ako pag di masyadong importante sa buhay ko di ko na inaalala,aba mamaya mapuno ang memory ko 2gig lang kaya to.joke!hehe
Habang dumadami ang kilala ko,nagkakaroon na rin ako ng mga suitors,o diba bongga syempre maganda ako e.hahaha.
at oo nga pla close na din pala kami ni Mark,nagtanong kasi siya kung pwede siyang manligaw sakin e.
ganito kasi yun.....
flashback:
(o diba pumaflashback na din ako.hahaha)
nasa canteen kami nila Janice,Mark,Emmalyn,Micheal,Alma and ako.Sila ang circle of friends ko.
Sabi ni Emma na napapansin daw niya na parang may gusto sakin si Mark pero ako syempre dedma,ayoko naman magaway kami ni Jaja bonita epokpokin noh.Pero sa totoo lang napapansin ko na rin yun...di naman ako manhid noh.
Masyado kasi siyang obvious e,di naman kasi talaga siya kasali sa circle of friends ko kaya lang palagi niyang tinatanong kung san kami pupunta tapos tinatanong niya kung pwede siyang sumama samin.
At itong Jaja naman mapag samantala hahaha.Syempre siya unang unang pumapayag na sumama samin si Mark.Syempre chance naniya makapagpacute noh.
After namin kumain sa Canteen nagpaalam akong pupunta sa library,wala kasi akong libro sa science e need namin yun para sa assign. bukas at dahil (ehem)mabait akong studyante manghihiram ako sa library.
Nauna na akong umalis sa kanila ang babagal kasi nila kumain.yung 2boys naman(Mark and Micheal)lumabas,magyoyosi daw.bad!!
Sa library medyo natagalan ako,hindi naman dahil sa di ko mahanap yung libro kundi dahil sa librarian...
san ka naman nakakita ng librarian na nakikipaglandian sa Math teacher.Di kasi teacher ang librarian namin dito sa school.ojt kaya every 6months nagpapalit kami ng librarian.
ayun na nga,at dahil mainipin ako,nababadtrip na ko.nilakasan ko na nga yung pagbagsak ng libro para mapansin niya ko pero dedma pa rin siya ...at take note tiningnan lang niya ako sabay hawi ng bangs niya tapos tingin ulit sa teacher at pacute na nagkwento.asar ha!
kung di ko lang kailangan yung pirma niya sa library card ko nalalayasan ko to dala yung libro.hmp!
Habang pinipigilan ko ang sarili ko na mambato ng tao,biglang bumukas yung pinto.
Nakakagulat yun kasi iilan lang namang studyante ang pumupunta dito.sa totoo lang sa tagal ko ng pumupunta dito palaging 4na studyante lang ang nakikita ko.yung 4 na nsa section one at nagaagawan ng pwesto bilang top 1.
ayun na nga pagbukas ngpinto nagulat ako kasi nandito naman yung apat na nerd sino to?
Pagpasok niya ngumiti siya sakin.pero di na ko nabigla nung makita ko kung sino sya.magtataka paba ako e siya lang naman ang bumubuntot sakin ngayong mga nakalipas na araw.
oo tama kayo ng iniisip,si Mark hinahanap na daw ako nila Jaja pero alam ko naman na nagdadahilan lang siya.
Pero ok lang atleast may kasama akong magantay sa nagmamagandang librarian namin.kwentuhan kami habang naguumapaw ang pacuteness ni miss librarian.