Chapter 1 Pagbabalik sa nakaraan...

1.1K 11 19
                                    

Author's note:

I dedicated to this chapter to forgottenglimmer, she one of my favorite authors in wattpad. thank you for inspiring me to write and believe in love again because of your stories most especially Secretly Married and I heart kuya be reading Reyna ng Kamalasan and Fire and Ice soon. ^_^ God bless you.

Danesah's picture is uploaded ^_^ 

==================================================================

Umalis ako ng Pilipinas 6 years ago, dahil sa isang taong lubos kong minahal. Hindi ko nga maisip noon na makakaya ko pala siyang iwan. Tanging naisip ko lang panahon na yun ay kailagan kong magparaya, kailangan ko na siyang isuko. May limitasyon din pala ang pagmamahal ko. Sobrang sakit na kasi. Sobra na akong nasaktan.

Highschool ako nun ung nakilala ko ang taong magpapatibok ng puso ko.

*pagbabalik sa nakaraan*

4th year highschool kami noon. First day of school year, lahat ng high school students ay nasa gym para ipakilala ang bagong Student Councils for the year 2006-2007. Iba’t-iba ang pinagkakaabalahan ng estudyante. May nakikipagkwentuhan dahil ngayon nalang ulit nagkita pagkatapos ng summer vacation, may iba naman ayaw tumigil sa pagtetext sa cellphone nila, at ako ay naman ay nakikinig at nag-aabang kung sino ang bagong na piling Student Council para sa ngayon taon.

Pinakilala nila isa-isa ang mga members hanggang dumating sa level representative ng year namin. Siya ay si Dara Madrigal, maganda, mabait, maputi, chinita, matangkad, kaya walang duda na siya ang naging Prom Queen naming last year. Sino naman kasi hindi magkakagusto sa kanya, sa ganda niyang yun malamang engot lang hindi magkacrush sa kanya. 

At sympre kasama dun ang crush ko na si Russel Dela Vega, chinito, mabait, cute magsmile, matalino. Bagay sila. Kaya tuwang tuwa siya noon, dahil naging Prom King siya, maisasayaw na kasi niya ang kanyang ultimate crush.

Paano ko iyun nalaman sympre nandoon ako ng gabi ng Prom namin. nasa isang tabi, at pinapanuod silang sumayaw. Masaya na akong makita ko silang sumayaw. Ewan ko ba? Basta tuwing nakikita ko si Russel naka ngiti, Ayos na yun sa akin. At isa pa kaibigan ko naman ni Dara, hindi man kami masyadong close pero maayos ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. 

Pero meron lang nagbago ng nararamdaman ko, nung nakita kong niregaluhan ni Russel si Dara nung birthday niya. Hindi kasi nagbibigay ng regalo si Russel basta basta. At ang sweet talaga ng regalo niya. Isang silver necklace, na may heart pendant. Nakalagay dito ang pangalan ni Dara at sa likod ay meron pa din nakasulat na “My Prom Queen”

Dahil mukhang nagiging okay na sila. Makakasira lang ako kung patuloy pa din akong magkakagusto kay Russel. Kaya pinilit ko kalimutan ang pagkagusto ko sa kanya.

Noong tinawag si Dara papuntang stage, hinatid siya ni Russel na hawak hawak ang kanyang kamay. Akala ko nun okay na ako, pero nung nakita ko yun biglang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. At sinabi ko sa sarili ko na  “SH*T anu ka ba, bakit ka umiiyak? Hindi ba wala ka ng gusto sa kanya?” five years ko din naging crush si Russel. Crush ko kasi siya simula nong Grade 5 palang kami.

Sa bawat pagtulo ng luha ko ng hindi ko namamalayan, na may tumawag na pala sa akin.

"DANESAH MARGARET TIANGCO" kaya dali dali kung pinunasan ang luha ko. baka makita pa nila. 

"bakit?" tanung ko. 

"kanina pa kaya kita tinatawag pero tulala ka pa din tumitingin sa stage, hay naku hindi ka pa din na get over kay Russel noh? 

"anu ka ba nakikinig lang ako sa mga speech nila" sagot sa kanya. 

"Okay, sabi mo eh." sabi ng kaibigan ko kung si Leslie Rose Gomez. 

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon