I dedicate this chapter to LanceRednican, i really love reading his stories and poems. But what i really love with his creation is his Under Arrest.
=========================================================
Lagi na kami magkasama ni Jacob. Hanggang isang araw naisipan namin gumawa ng tula, gusto kong makita kung kaya din ba niyang express ang kanyang sarili through writing. Nagsulat siya nun sa likod ng notebook niya, and wrote this:
It’s easier to run
Replacing the pain
With something numb
Something has been taken deep inside of me
The secret that I’ve locked away
That no one else can ever see
Wounds so deep and never show away
Like moving pictures inside my head
For years and years they played
Noong nabasa ko yun, isa lang ang naisip ko. He is still pain. Nasasaktan pa din siya. Pero kanino? Sino ang dahilan kung bakit siya nasasaktan?
“bakit ang lungkot ng naman nung tula na sinulat mo?” tanung ko kay Jacob.
“haha, wala lang yan. Yan lang kasi naisip ko eh.” pagtanggi niya.
Hindi maalis sa isip ko kung bakit ganun klaseng tula ang sinulat niya. Hindi ba siya masaya? Hindi ba siya masaya na kasama niya ako? Oo nga pala, aalis din siya. Pero inisip ko pa din na mananatili siya siya sa tabi ko. Kahit na alam ko pagkatapos ng graduation namin ay pupunta na siya sa ibang bansa para mag-aaral. Kaya I’m controlling my feelings for him.
Na wag siya mahalin ng sobra, na hindi masanay na lagi ko siyang tabi. Dahil ba ka pag umalis siya. Hindi ko kayanin.
1 week na ang lumipas, Noong sagutin ko si Jacob. Masaya ako sa bawat oras na magkasama kami. Ngunit hindi ko masyado pinapakita o pinapararamdam sa kanya.
Natatakot kasi ako, natatakot akong iwanan muli, katulad ng pag-iwan sa amin ng Papa ko. Nakakatakot maramdaman muli ang sakit ng pag-iwan ng isang taong minamahal mo.
Isang gabi, habang abala ako sa paglalaro ng Sims 3 sa computer.
Tumuwag si Jacob, umiiyak…
“Da….nesah, pwede…ba…..kitang…. makausap?”
“Jacob, ikaw pala. Bakit ka umiiyak? Anung nangyari?” ang totoo, natatakot ako sa pwede niyang sabihin. Ngayon ko lang kasi narinig na umiyak si Jacob. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Kung ano ang dapat kung gawin…
“Danesah, nandito ngayon si Maia sa labas ng bahay namin. Sabi niya gusto raw niya makipagbalikan sa akin.” Humahagolgol Si Jacob.
Hindi ako, makasagot agad sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung anu bang gusto niyang mangyari. Bakit siya tumawag at umiiyak sa akin ngayon? Gusto na ba niya akong hiwalayan? Bigla ko naalala ang tula sinulat niya, at naisip na para kay Maia yun. Siya ba ang dahilan kung bakit siya nasasaktan? Mahal pa din ba niya si Maia kaya siya nasasaktan ngayon? Ang dami kung naisip itanong sa kanya pero isa lamang ang nasabi ko sa kanya.
“Jacob, anong gustong mong mangyari?” ni lakasan ko ang loob ko sa anu man ang pwede kung marinig.
“Hindi ko alam ang gagawin ko!” mararamdaman mo naguguluhan siya sa dapat niyang gawin.
Kaya naisip ko na, baka mahal pa din niya si Maia. Na gusto niya itong balikan, pero baka napipigilan siya dahil sa akin.
Napagdesisyonan ko na, tutal hindi ko pa naman siya ganun kamahal, mas maganda siguro kung habang maaga ay pakawalan ko na lang siya. At least hindi ganun ka sakit pagnawala siya. Kaya ko na sabi sa kanya na…
“Kung, gusto mo siyang balikan…ayos lang sa akin…I will let you go. Kung yun ang gusto mo?” Oo…naisipan ko siyang pakawalan, habang kaya ko pa.
“Bakit mo ako hayaan na bumalik sa kanya?” tanung niya sa akin, na parang nagulat sa sinabi ko sa kanya.
Ang totoo niyan, ayaw ko maging makasarili. Ayaw kung manatili siya sa tabi ko kung iba naman ang gusto niyang makasama. Masakit na pakawalan ko siya pero nasabi ko pa din sa kanya na…
“Oo, kung yun ang gusto mo.” Sagot ko sa kanya.
“Pero, bakit ka papayag na bumalik ako sa kanya?” isang tanung na nahirapan ako sabihin ang kasagutan…hindi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko. Ito ay dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tunay nararamdaman ko. Hindi pa niya naririnig mula sa akin sabihin sa kanya ang mga salitang….
“Mahal kita.” unang beses na nasabi ko din sa kanya kung anu ang nararamdaman ko. Hindi sa pamamagitan ng sulat at hindi din sa pagkanta. Sinabi ko mismo…lumabas mismo sa akin bibig…binigkas ng aking mga labi.
“Mahal mo ako? pero ayos lang sa iyo na bumalik ako sa kanya?” naguluhan na tinanung ni Jacob.
“Mahal kita, kaya kung magparaya para sa iyo. Ayaw ko manatili ka sa tabi ko kung napipilitan ka lang. Ayos lang sa akin.” Ayaw ko pilitin ang isang tao manatili sa tabi ko, kung hindi nila gusto. Kahit pa masasaktan ako sa pag-alis niya.
“Ayaw ko ng bumalik sa kanya. Ayaw kung iwanan ka. Ayaw ko na, masaktan ulit ng dahil sa kanya. Ikaw na ang mahal ko ngayon.” sabi ni Jacob
“It’s up to you, desisyon mo yan. Sinabi ko lang naman yun kung sakaling maisip mo na sumama sa kanya. Alam mong hindi ako magiging sagabal sa iyo. Anu ngayon ang gagawin mo?” tanung ko sa kanya.
“Kakausapin ko siya, I will tell her, na hindi na kami pwede. Nahuli na, matagal din akong nahintay para sa kanya noon. Pero ngayon hindi na kami pwede, dahil may mahal na akong iba. Dahil ikaw na ang mahal ko ngayon, kahit pa nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa akin dati.” Pagtatapat ni Jacob.
Noong sinabi niya sa kin yun, ang totoo natuwa ako. Dahil ako ang pinili niya kahit na handa ko siyang pakawalan. Masaya ako dahil pinili niyang manatili sa tabi ko. Masaya ako dahil sinabi niyang ako na mahal niya ngayon. Kaya gusto ko tanggalin ang sakit na nararamdaman niya.
To remove the pain she caused him, to heal his wounded heart. Just like how he healed mine. How he took care of my heart when it is badly hurt. I wanted to stay with him until the day, he will ask me to leave him alone. Until the day, he will tell, me he doesn’t need me anymore. Until the day, he will say, that he no longer love me. Until then, I will stay by his side.
Author' Note:
sorry kung sobrang tagal ng update. hehehe Pero thanks dahil patuloy niyo pa din binabasa. Thanks you and God bless.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan?
RomanceHanggang kailan ka maghihintay para sa taong minamahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para iparamdam na mahal mo siya? Hanggang kailan ka mananatili sa tabi niya? Hanggang kailan mo sasabihin mahal mo siya? Hanggang saan ang kaya mong tiisin...