Chapter 3: Olivia Delos Reyes
Isang babaeng balingkinitan na may hawak ng mahabang latigo at naka-cat woman costume ang pumasok ng tent.
"Hoy, bakla, hindi ka pa rin ba tapos?" tanong ng isang babaeng may cat ear headband sa ulo. "Ang haba na kaya ng pila,"
Lumabas ng tent ang babae, na Naka-ismid sa sobrang inis at naghanap na lamang ng ibang pag-aayusan ng kanyang sarili.
"Ang oa naman nito sa haba ng pila." bulong ni Olivia.
Walang imik si Olivia sa sinabi sa kanya ng babae, bagkus ay nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa.
Kasalukuyang nakaupo at nasa harapan si Olivia ng malaking bilugang salaming na napalilibutan ng maraming maliliit na bumbilya, habang nilalagyan ng kolorete ang kanyang mukha.
Para mapatunayan nito kung totoo ang sinasabi sa kanya ng babae ay pasimple itong sumilip sa labas ng tent. Pagsilip niya ay nanlaki ang dalawa nitong mata ng napagtantong totoo nga ang sinabi sa kanya. Bumalik siya sa kanyang kinauupuan at binilisan ang ginagawang pagpapaganda.
Isang matangkad at maputing lalaki na may suot na pulang mahabang kapa at may suot na magician hat ang pumasok ng tent.
"Olivia, mahal ko, ikaw na ang susunod na magtatanghal. Kaya't maghanda ka na," sambit ng lalaki, na kung tawagin ng lahat na nagtatrabaho sa perya ay Master Red dahil sa kasuotan nito na parating kulay pula.
Iniikot ni Olivia ang upuan paharap sa lalaki.
"Bibilisan ko na po, Master!" magalang nitong sagot.
Siya si Olivia Delos Reyes o mas kilala sa bansag na Lady Butterfly, bente anyos.
Kalahating tao, kalahating manananggal.
Na-diskubre niyang mayroon siyang dugong manananggal ay noong siya ay nasa walong taong gulang pa lamang at habang siya nasa loob ng isang lugar kung saan ay naghahanap sila ng kanyang mahal na ina ng susuotin niyang damit, para sa sasalihan niyang Mr. and Mrs. sa kanilang eskwelahan.
Dahil sa hindi sapat ang pera ng kanyang ina, para sa mga damit na nasa loob ng mall ay umabot sila sa paghahanap sa isang lugar kung tawagin ng lahat ay ukay-ukay.Pagpasok nila sa lugar ay kaagad na nilapitan ng kanyang ina ang sales lady upang itanong kung mayroon ba sila ng hinahanap nila na damit.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
Viễn tưởngMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...