Chapter 6: Comeback

95 17 3
                                    

Chapter 6: Comeback

Matapos ang photoshoot at ayusin ni Rose ang mga gamit sa maletangbdala, ay hinila niya na ito papuntang parking. Pagdating ng parking ay kaagad na niyang ipinasok sa likuran ng sasakyan ang maleta at saka sumakay na. Kinuha niya ang susi sa kanang bulsa, ng suot na polo at  pinaandar na ang sasakyan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, maka-ilang beses na niyang sinusubukang paandarin ang sasakyan ay hindi pa rin ito umaandar.

Kaya't bago pa man siya abutin ng pagkagat ng gabi sa labas sa daan ay kagad na niyang kinuha ang mamahalin nitong cellphone at magbook na ng masasakyan..

At wala pa ngang kinse minutos, mula nang magbook siya ay isang magarang sasakyan na ang dumating at huminto sa kanyang harapan. Bumaba ang driver ng sasakyan at tinulungan si Rose na ilagay ang dala niyang maleta sa likuran ng sasakyan. Nang masigurado na nitong nakasara ang likurang bahagi ng sasakyan ay pumasok na si Rose sa loob.

“Saan po tayo, Ma’am?” driver's ask to Rose, in manly voice.

“Kuya sa Silver City po tayo." sagot naman ni Rose, sa malambing niyang tono.

Pinaandar na ng nasabing driver ang sasakyan at nagseat belt naman si Rose.

Lumipas ang halos kalahating oras nilang biyahe, biglang nakaramdam si Rose ng kakaiba nang bahagyang itigil ng driver ang sasakyan at luminga-linga ito sa paligid.

"Kuya, why you stop the car?" tanong ni Rose. "Wala pa naman tayo sa Silver City, ahh?"

Namulsa ang nasabing driver at itinututok kay Rose ang baril nitong hawak.

"Miss, walang gagalaw. Hold up ‘to!"

Napasandal sa pagkakaupo at hindi inaasahan ni Rose ang sinabi sa kanya ng driver.

"Akin na ang lahat ng mamahaling gamit mo, kung gusto mo pa'ng mabuhay."

Sa halip na matakot ay kapansin-pansin ang paghuhugis puso ng dalawang mata ni Rose, nang makita ang kabuoan ng mukha ng nasabing driver, matapos nitong hubarin ang suot nitong itim na sombrelo.

Black color long hair, dark eye brows, hazelnut eyes, pointed nose, and rosy lips.

"Shet! Ang gwapo niya. Sabi na nga ba, e. Legit nga ang sabi nila na hindi lang sa tv at kilala na mga magazines ang may gwapo at magaganda, pati rin pala ang holdaper ngayon, nag level up na rin." sa isip isip ni Rose, habang kinikilig sa kinauupuan nito.

"Ano pa ang tinitingin mo, Miss? Akin na ang bag mo, bago pa kita tuluyan dito sa sasakyan ko!" gigil na wika ng driver.

"Ito na nga ‘di ba.”

Binusaksan ni Rose ang dalang shoulder bag at isa-isa niyang ibinigay sa holdaper ang lahat ng mamahalin niyang mga dala na gaya ng, alahas, pera, at maging ang bago niyang bili na bagong labas na model ng Iphone.

"By the way, highway. Ano nga pala name mo, Mr. Cute?"

Lumabas ang holdaper ng sasakyan at marahas na hinila si Rose palabas ng sasakyan.

"Aray!” sigaw ni Rose.

Nang tuluyan ng nailabas ng driver si Rose at maging ang malaking maleta na dala nito sa likod sasakyan ay muli ng bumalik sa loob ng sasakyan ang driver upang makaalis na, bago pa man may makakita sa kanya na mga pulis.

Tuluyan ng nakaalis ang sasakyan, ngunit ang nararamdamang kilig ni Rose ay hindi pa rin mawala-wala sa kanya.

"OMG! Ang gwapo niya talaga."

Habang tulala na sinusundan ng tingin ni Rose ang nasabing sasakyan, isang tanod naman ang lumapit sa kanya. Tinitigan nito si Rose mula ulo hanggang paa. "Okay lang po ba kayo, Madam?"

Nilingon ni Rose ang nasabing tanod at saka nakangiting namalimos rito.

"Kuya, baka naman may 100 pesos ka diyan sa bulsa mo. Pahiram naman muna. Ibabalik ko rin agad sa 'yo kapag nagkita na tayo ulit. Pamasahe ko lang pauwi."

Nagulat ang tanod sa kanyang ginawa. Dala ng sobrang awa ay kaagad nang kumuha ng pera ang tanod sa kanan nitong bulsa at saka mabilis na iniabot ito kay Rose.

"Ito miss, ohh!"

"Thankie, kuya.”

"Umuwi ka na, ha.”

Pagdating ni Rose sa condo niya ay kaagad siyang humiga sa queen size niyang kama, nang hindi pa nagpapalit ng damit at hindi rin pa nakapaghihilamos.

"Good night, Universe!" wika ni Rose, na nakangiting nakatingin sa kisame.

Binato niya ng unan ang switch ng ilaw at saka natulog na ng mahimbing.

-

Mysterious Four's Headquarters-

“Masarap ba, guys?” tanong ni Hafaku kina Leo at Oira, na masayang pinagsasaluhan ang mga niluto niyang samu'tsari ng mga putahe na tulad ng, menudo, pritong manok, at mara pa'ng iba.

Nakangiting tumango sina Leo at Oira, habang may hawak na isang piraso ng pritong manok sa kanilang isang kamay.

Habang masaya na kumakain silang tatlo ay laking gulat nila nang biglang umalingaw-ngaw sa buong lugar ang alarm, kung saan ay nagpapahiwatig na mayroong mga kalaban sa mundong ibabaw o paparating.

Iniwan nilang tatlo ang hapag ng hindi man lang naghuhugas ng kamay.

“Alarm! Alarm! Alarm!"

Sa pagdating nilang tatlo sa mismong opisina ay tatlong naka-black cloak ang kanila'y nadatnan roon.

Nagbilang santelmo ang isa sa mga ito at laking gulat nila Leo at Oira nang nasa likuran na ni Hafaku ito. Nagbilang abo si Hafaku at laking gulat muli nilang dalawa ng katabi na ng tatlo si Hafaku.

Hinaplos ni Oira ang suot niyang kwintas. "Sino ba kayo at paano kayo naparito?"

"Kung gusto pa ninyo ang mabuhay itong kaibigan ninyo ay ibigay niyo sa amin ang nag-iisang anak ng diyos ng apoy, tubig, lupa, at hangin, bilang kapalit." wika ng isa sa tatlo.

Sinubukang gamitin ni Oira ang kanyang kapangyarihan, upang bawiin si Hafaku sa may hawak sa kanya, ngunit laking gulat niya ng bakit hindi ito gumagana.

"Wag mo na subukan pa'ng gamitin ang kapanyarihan mo, miss. Walang bisa 'yan sa aming tatlo."

"Muli, binibigyan na lamang namin kayo ng ilang araw para makumpleto ang mga ito, dahil kung hindi ay tuluyan ng magpapaalam sa inyo itong kaibigan ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Oira, tawagin mo na ang buong Mysterious Four at sabihin sa kanila ang nalaman mo ngayon." wika ni Hafaku.

Pinalibutan ng tatlong naka-cloak hood si Hafaku at mayamaya pa ay isang makapal na pinagsamang apoy, hangin, lupa ang bumalot sa kanila, hanggang sa tuluyan na silang apat maglaho.

Napasigaw na may kasamang pagluha si Oira nang tuluyan ng maglaho si Hafaku sa kanyang harapan.

Iniharap ni Leo si Oira sa kanya at pinunasan ng gamit ang kamay ang mga luhang walang humpay sa pag-agos sa mga mata.

"Wag ka mag-alala, Oira, sasamahan kita at ng buong Mysterious Four sa laban na ito." Wika ni Leo, na kaagad naman kapansin-pansin ang pagtahan na ng tuluyan ni Oira.

-

Don't forget to comment, vote, and use the hashtag #MysteriousForce at the end of your comment

Thank you and God bless

Mysterious Force √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon