Chapter 15
Pagbalik nilang lahat sa himpilan, kasama ang babaeng manananggal ay dali-dali nang nagtungo sina Aina, Oira, at Rose upang maghanda ng makakain sa kusina, habang ang mga kalalakihan nama'y naiwan sa sala upang ilapag ang nasabing babae sa kwadradong sementado na higaan.
“Wala naman kayong gagawing masama sa'kin 'di ba?” kinakabahang tanong ng babaeng manananggal, habang isa-isang nilalagyan ng posas ang mga kamay at paa ng nasabing babae nilang apat.
Ngumiti sina Felix, Usef, Leo, at Wayne. “Wala ka dapat ipag-alala...kakampi mo lahat kami dito.” nakangiting tugon nilang apat.
Matapos i-turok ni Felix ang pinaghalong pampakalma at pampatulog sa kaliwang braso ng babaeng manananggal ay nagtungo na silang apat sa kusina para pagsalusalohan na ang nakahain sa hapag.
Nakaka-ilang subo pa lang sina Wayne at Usef nang bigla silang mahinto sa ginagawa. “A-ano'ng pangalan ko? At bakit ako nadirito?" tanong ng dalawa sa sarili.
Napa-kunot ang noo nila Aina, Rose, Oira, kung saan ay silang tatlo ang naghanda ng kanilang makakain lahat. “Wayne at Usef, ano'ng sinasabi n'yo?”
Ngumiti at hunalak sina Wayne at Usef sa nakita nilang naging reaksyon ng tatlo. “Joke lang, guys. Sobra kasi talagang sarap kasi ng niluto n'yong ulam, e.”
Pagkatapos nilang lahat kumain ay naglakad naman na silang lahat patungo sa mga kwartong kinabibilangan nila para matulog.
Akmang papapikit na ang sina Felix, Usef, at Leo, matapos magdasal at magbihis ng pantulog nang biglang mag-aya si Wayne sa kanila. “Mamaya na tayo matulog guys.” aya nito.
“Bakit, hindi ka pa ba inaantok?” tanong ni felix, habang abala sa pag-aayos ng hihigaan.
“Hindi ko rin alam,” pa-unang tugon nI Wayne. “Basta pakiramdam ko, parang gusto ko pa'ng gumala at mag-explore."
Ang kaninang inaantok ng mukha ng tatlo, ngayon sa isang iglap lang ay napalitan kaagad ng saya at pagkasabik. “Gumala? Explore? Mukha nga masaya 'yun! Sama kami!” wika ng tatlo.
Dali-dali na silang apat nagbihis ng sibilyan at tahimik na nilisan na ang himpilan at magpunta na ng siyudad.
Pagpasok nilang apat sa makinang lagusan, sa isang iglap lang ay dinala na kaagad sila nito sa siyudad at tumambad sa kanilang harapan ang samu'tsaring mga klase ng tao na nagsisiyahan sa ilalim ng bilog na buwan.
“Wow! Napakadaming tao naman dito.” mangha na wika ni Leo sa sarili, habang kasalukuyan na silang naglalakad apat sa kahabaan ng kalsada at napaliligiran ng mga nagkakalat na street vendors.
Habang naglalakad pa rin silang apat, bigla na lang sila napahinto nang isang nakabibinging busina na mula sa magarang kulay pula na ketse ang kanilang narinig sa gawing kaliwa nila.
“Hoy! WTH you are! Kung magpapakamatay kayo, 'wag n'yo na ako isali!” bulyaw ng binatang nasa tantya ay kasing-edad lang rin nila ito at kung saan ay nagmamaneho ng nasabing kotse.
“Sensya na.” paghingi ni Felix sa nasabing lalaki ng paumanhin, sabay tawid na silang apat patungo sa isang mataas na gusali na mayroong makikinang at iba't ibang kulay na ilaw sa bawat kanto nito.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasiMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...