Chapter 11 Last Part
[Now Playing: Don't Let Me Down- Trap Remix Version]
Malayo pa man sina Wayne at Usef sa lugar na sinabi sa kanila ni Felix ay tanaw na nilang dalawa ang kanilang mga kaibigan na abala sa pakikipaglaban.
Gamit ang kanyang fire power, kaagad na nag-anyong santelmo si Wayne at mabilis na nilusob ang isa sa tatlong kalabang dinosaur. Walang tigil niyang inikutan ang nasabing malalaking dinosaur, hangga't sa matunaw ang ito sa kanilang kinatatayuan at wala nang mapinsala pa'ng ibang tao.
"Hetong sa inyo!" sigaw ni Wayne, habang wala pa ring tigil sa pag-ikot.
Habang abala si Wayne sa pag-ikot, tinulungan naman ni Usef ang iba pa niyang mga kaibigan sa pakikipaglaban, para mabilis nang matapos ang gulong kinahaharap nila ngayon.
Matapos ilapat ni Usef ang dalawa niyang palad sa nakitang bakal ay matulin naman siyang tumakbo patungo sa isang dinosaur na nagwawala. At nang malapit na siya sa nasabing dinosaur ay tumalon naman siya ng mataas at duo'y buong lakas niyang sinuntok ang mismong mukha ng nasabing dinosaur. Dahil sa tibay ng kamao na tulad ng sa bakal at lakas ng pagkasuntok ni Usef, tumalsik sa malayo ang lahat ng mga ngipin ng nasabing dinosaur.
"3 point!" masiglang puntos ni Usef sa sarili.
Matapos ang nangyaring pagsuntok ni Usef, kapansin-pansin ang kusang paglayas na ng itim na espiritu mula rito at pagbalik na sa dating wangis ng nasabing dinosaur.
"Ayos! 2 more to go!" masiglang bilang naman ni Felix, nang mabawasan na ang kanilang kalabang dinosaur.
Kasunod namang umatake ay si Leo. Gamit ang kanyang kapangyarihang tubig, na kinuha mula sa bote ng tubig na nakatali sa kanang tadyang ay binend niya ang parehong kamay hanggang sa magpormang bilog ang nasabig tubig sa kanyang harapan. Walang humpay niya itong inihagis kasabay rin ng ginagawa namang pag-atake ni Felix sa nasabing kalaban nila. At sa tuluyang pagdampi ng tubig na mula kay Leo at malalakas na suntok at sipa na mula naman kay Felix ay mabilis nilang dalawa napatumba ang kalaban nilang dalawa na dinosaur. At dahil naman sa lakas ng p'wersa na inilabas ng hawak nilang dalawa ay kapansin-pansin na rin ang pag-alis ng itim na espiritu mula sa katawan ng isa pang dinosaur na kinakalaban nilang dalawa at ang bahagya ng pagbalik na rin sa dating wangis nito.
"1 more to go!" masiglang bilang muli ni Felix, nang mabawasan uli ng isa ang kanina lamang ay tatlong mga dinosaur.
Para namam tuluyan ng matalo ang isang natitirang dinosaur ay naisipan nila Felix at Usef na ipagsama na ang lakas ng suot nilang kwintas.
"Felix, handa ka na ba?" pasigaw na lead ni Usef.
"Handang-handa na!"
Pumuwesto si Felix sa likuran, samantalang sa bahaging harapan naman ng dinosaur si Usef. Sabay nilang dalawa hinawakan ang suot nilang kwintas. Kapansin-pansin ang pagiging kasin-kulay ng kanilang nga mata sa pendant ng suot nilang kwintas at itinutok na nila ito sa nasabing dinosaur. Dahil sa pinagsamang lakas na mula sa suot nilang dalawa na kwintas ay tuluyan na nilang napatumba ang nasabing Dinosaur, matapos magpaikot-ikot sa katawan nito ang enerhiyang inilabas ng dalawang kwintas at nilisan na rin ng isa pang itim na espiritu ang katawan nito.
Nagsigawan ang lahat ng mga madla na nakapaligid sa kanila nang masaksihan ng mga ito ang pagwakas nilang apat sa tatlong nabuhay na mga replekang dinosaur.
Nilapitan naman ng ilang mga media silang apat, upang i-interview.
"Maaari po ba namin malaman ang pangalan ng inyong grupo?" tanong ng isang babae, habang may hawak na cellphone sa isang kamay.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasyMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...