Chapter 11 Part 2
Pagdating nila Felix at Leo sa nakita na nilang bakanteng mesa ay kaagad na silang umupo rito at dito na hinintay ang kanilang inorder.
Mayamaya lang ay isang may katangkarang lalaki na ang lumapit sa kanilang mesa, kung saan ay may dalang isang tray ng pagkain sa ibabaw.
“No. 20 po, Sir?”
Sabay na nilingon nilang dalawa ang numero na nasa kanilang mesa at bumalik ng lingon muli sa nasabing lalaki.
“Oo, dito nga.”
Mabilis na itinabi ni Felix ang nasabing numero at isa-isa namang inihanda ng lalaki ang dala-dalang tray na may pagkain sa mesa. Matapos niyang ilagay sa mesa ang lahat ng mga pagkain ay kinuha na nito ang numero at naglakad na pabalik ng counter, upang ibang order naman ang asikasuhin.
Iniabot na ni Felix ang pagkain sa kaibigang si Leo.
“Salamat.” wika ni Leo, matapos tanggapin ang pagkain.
Matapos ang ilang minuto nilang pagsasaluhan, sabay na nilang nilisan ang mesang pinagkainan at naglibot-libot naman sa buong Mall, para bumaba ang kanilang kinain.
“Kamusata na kaya si Oira? Sana naman masaya sila sa kanilang pinuntahan.” sa isip-isip ni Felix, habang tulalang naglalakad.
“Uy, namimiss n’ya si toot.” pang-aasar ni Leo sa kaibigan.
Napahinto sa paglalakad si Felix, nang marinig ang pang-aasar sa kanya ng kaibigan.
“Ha? Ano ba’ng sinasabi mo?” maang-maangan ni Felix sa kanyang narinig.
“Sus… Kunwari ka pa’ng hindi mo alam ang tinutukoy ko. Halata na nga d’yan sa dalawa mo’ng pisngi na namumula sa twing naririnig ang pangalan n’ya.” nakangising saad ni Leo.
“Promise. Wala talaga ako’ng gusto sa kanya.” saad ni Felix.
“Kung gano'n, p'wede kong ligawan si Oira?” nakangiting tanong ni Leo.
Walang imik si Felix at mabilis na naglakad palayo kay Leo.
“Uy, sandali lang! Hindi ko kabisado ang lugar na 'to!”
Huminto sa paglalakad silang dalawa sa harap ng isang Museo kung saan ay may nakakalat na mga statue ng samu't saring dinosaurs.
Hindi napigilan ni Leo ang mamangha, pagpasok nila ni Felix sa loob ng Museo. Naglakad-lakad silang dalawa sa loob.
“Grabe, para talaga silang totoo.” mangha pa ring tugon ni Leo, habang isa-isang hinihimas ang mga balat ng dinosaur na kanilang nadadaanan.
Habang masayang pinapanuod ni Felix ang kaibigan na hinahawakan ang mga nadadaanang hindi totoong dinosaur ay isang dinosaur naman ang biglang umagaw ng kanyang pansin.
“Sandali, bakit parang may kakaiba sa isang 'yon? Bukod sa walang nagpapagana sa kanya na makina ay nag-iisa lang din s’ya sa kanyang kinalalagyan habang ang ibang replika nama'y may kasama?” tanong ni Felix sa sarili, nang makita ang isang malaking replika ng dinosaur, mula sa hindi kalayuan.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasyMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...