Epilogue
Few years later...
Matapos ang nangyaring pagbinyag ng pare sa apat na sanggol at pangunahan ni Rose ang dasal sa ibabaw ng entabladong bilog na nasa sentro ng mansion ay dahan-dahan na siyang bumaba rito, para naman puntahan ang kanyang mag-ama. Pero bago pa man siya roon diretsong magtungo ay dinaanan niya na muna ang iilang mesa ng kanilang bisita na madaraanan.
“Enjoy the party.” pa-sweet at paulit-ulit na bati ni Rose sa bawat mga mesang nadaraanan niya.
Akmang pa-akyat na ang dalaga patungong silid upang silipin ang kanyang mag-ama, nang isang tinig ng lalaki ang kanyang narinig mula sa likuran.
“Honey!”
Dahan-dahan na nilingon ni Rose ang nasabing tinig at napangiti na lamang ito sa kanya ngayong kaharap. “Ohh, ano'ng ginagawa mo dito, Honey? And sino'ng nagbabantay sa anak natin?” nag-aalalang tanong ni Rose sa asawang si Wayne.
Dahan-dahang jnilapat ni Wayne ang malambot at mamumula nitong labi sa labi ng asawa. “Don't worry, Honey. Tulog na si Baby, kaya p'wede na natin i-enjoy ang party.”
Inilagay ni Wayne ang isang kamay sa kurbang baywang ng asawa at nililibot nila ng magkasama ang buong mansion.
-
Nagdikit ang babasaging baso na hawak nilang anim at kung saan ay may laman itong red wine. “Cheers!”
“Ano, kaya n'yo pa ba mga, Brad? Baka mamaya, may bigla na lang sa 'tin ang bumagsak sa kinauupuan.” nakangising wika ni Usef, habang katabing umiinom ang asawa na si Aina.
Pasinpleng hinaplos ni Aina sa ilalim ng mesa ang tuhod ng asawa. “Wag ka nga'ng masyadong mayabang, Love. Baka nga mamaya, ikaw pa itong unang malasing sa inyong tatlo, ih.” saway nito sa asawa.
Habang kasalukuyang nagsasaya at nag-iinuman silang grupo sa kanilang bilugang mesa, nang biglang isang familiar na tinig ang kanilang narinig mula sa 'di kalayuan.
“Guys!”
Mabagal na lumingon ang nasabing grupo at isang mag-asawa na naglalakad palapit sa mesa nila ang kanilang nakita.
“Ohh, Wayne! Saan ka ba kasi pumunta? Kanina ka pa kaya naming tatlo hinahanap.” sabay na tanong nila Leo, Usef, at Felix.
Magkatabing umupo ang mag-asawang sina Wayne at Rose sa dalawang bakanteng upuan, sa nasabing mesa.
“Palibahasa kasi kayong tatlo, pinapaubaya n'yo na lang sa mga katulong 'nyo ang pag-aalaga sa inyong mga anak.” seryosong sagot ni Wayne.
Mayamaya lang, nang marinig ni Olivia na naging slow dance ang kanina lamang na disco music ay bigla na lang nito inaya ang asawa na sumayaw. “Love, sayaw naman tayo, please.” paglalambing nito kay Felix, habang patuloy pa rin ang asawa nito sa pag-inom ng red wine sa basong hawak.
Naghalukipkip habang naka-ismid na nakatingin si Oira. “I agree. Puro na lang kasi kayo inom!” parinig nito sa katabi namang asawa ring umiinom na si Leo.
Dahil sa hindi pa rin tumatayo sina Usef, Felix, at Leo sa kanilang kinauupuan hangga't may laman pa ang isang baso ng wine sa gitna ng mesa ay napilitan na ang kanilang mga babae na sila na mismo ang kusa na magpatayo sa mga ito. Sabay na hinila nilang tatlo ang kanilang mga asawa patayo at nang makatayo na ang mga ito ay sabay ring hinila nila patungong dance floor, na nasa gilid ng entablado.
Dala naman ng sa pagka-inggit, hinila na rin ni Rose ang asawa papuntang dance floor.
At ng nasa dance floor na silang walo ay sabay nang ipinatong ng mga babae ang dalawa nilang kamay sa balikat ng kanilang asawa, at sabay namang inilagay sa baywang ng mga lalaki ang kanila ring dalawang kamay. Nakangiti at magkatitigan ang bawat pares sa isa't isa habang sinasabayan ang mabagal ngunit may kasamang kilig na tugtugin.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasíaMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...