Chapter 5: Leo
Matapos ni Rose magbihis at magpa-make-up ay kaagad na itong pumuwesto sa harap ng camera. Nakasuot si Rose ng pink stripes na above the knee with matching white rubber shoes.
"Can we start, Ms. Ashton?" malambing na tanong ng photographer kay Rose.
"Yes. We start." sagot ni Rose, na naka-pose na. Rose pose like a sweet girl, na nakatayo habang nasa pisngi ang pareho niyang palad, at nakangiti.
Matapos ang halos kalahating oras na photoshoot ni Rose ay muli na niyang isinuot ang kanyang pink bathrobe na may burda ng pangalan niya sa bandang kanan. Nagtungo siya sa upuan niya upang magpahinga at i-check kung may mga bago siyang subscribers sa youtube account niya. Pagka-log in ay agad na niyang inumpisahang magscroll nng kanyang news feed.
Sa kalagitnaan ng ginagawang pagscroll ni Rose ng mga new upload vids sa home section ng app ay napahinto siya nang aksidente nitong ma-play ang isang video.
"What's up, guys! This is Felix, your cute vlogger!"
Napahalakhak nang mahina si Rose sa kanyang pinapanuod. "Ayos, ahh! Pagala-gala na lang 'tong mokong na 'to." ani Rose habang patuloy na pinapanuod ang vlog ng kanyang pinsang si Felix, na naglalakad sa isang Museo, kung saan ay napalilibutan ng matatamis na bagay at makukulay na mga palamuti ang paligid.
Nahinto sa pinapanuod si Rose ng lapitan siya ng kanilang photographer. "Madam, pwede na ba tayo uli mag-umpisa?"
Nakangiting tumango si Rose.
Ipinatong ni Rose ang hawak na telepono sa kanyang mesa at muling hinubad ang suot nitong bathrobe at pumuwesto na muli sa harap ng camera.
-
Anonymous World-
Magkakasunod na tumunog ang mga trumpeta sa buong kaharian at lugar.
Nang marinig ng mga enkantado't enkantada ang pqgtunog ng trumpeta ay mabilis silang nagtungo papunta sa ibaba ng balcony ng kaharian upang pakinggan ang mahalagang bagay sa iaanunsyo ng mahal na hari sa kanyang mga nasasakupan.
Inalalayan ng mga kawal ang mahal na hari na umakyat sa balcony. At bahagya rin nila na iniabot ang mikropono sa mahal na hari.
Tinesting na muna ng hari kung gumagana ang mikropono bago magsalita.
"Magandang umaga sa inyong lahat." paunang bati ng mahal na hari.
"Magandang umaga rin po sa inyo, mahal na hari." ganti ng mga enkantado't enkantada.
"Nagtataka ba kayo kung bakit ako nandito sa inyong harapan at may ideya ba kayo kung bakit? Kaya lang naman ako nandito ay dahil mula noong mga nagdaang mga araw ay napagalaman kong marami sa pananim ng mga isa sa inyo ang napinsala, kung kaya't simula sa araw na ito, ako na inyong mahal na hari ay ang bahala sa magiging pagkain ninyo sa araw-araw hangga't sa hindi tumitigil ang bagyo na nasa atin."
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasyMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...