Chapter 16 Last Part

36 3 0
                                    

Chapter 16 Last Part

“Wayne?”

“Aina?”

“Leo?”

“Olivia?”

Nanlaki ang mga mata ng Mysterious Four, nang makita nilang ibang-iba na ang hitsura ng kanilang mga kaibigan.

Una, dahil sa kanilang kasuotan na nababalot ng kulay at purong metal. Pangalawa, dahil naman sa kanilang mga mata't buhok rin na kulay metal. At pangatlo, dahil rin sa kanilang mga leeg, kung saan ay makikita roon ang isang marka kagaya ng kay Leviticus, at tanda rin na si Levi na ang nagkokontrol sa kanilang mga sarili.

“Ohh, guys. Ang angas naman ng mga pormahan natin ngayon, ahh.” puri ni Felix, kung saan naglalakad ito palapit sa nasabing apat.

Nang makita naman ni Rose ang pinsan na si Felix na malapit ng maabot ng matalim na mga pakpak ni Olivia ay mabilis na siyang nagpalit ng anyo, bilang isang malaking kulay rosas na leon at sakmalin si Felix palayo, bago pa man tuluyang magkapirapiraso ang mga katawan nito. Animo'y isang maliit na uri ng daga ang binata na ibinabalik sa kanilang puwesto kanina.

Nang tuluyan ng naibalik ni Rose a g pinsan sa tabi ay kaagad naman na nagbigay si Hafaku sa Mysterious Four ng hudyat na sumugod na. Nakahawak ang isa nilang kamay apat sa suot na kwintas habang tumatakbo palapit sa mga kalaban.

At habang nasa gitna silang apat ng paglusob ay kasabay rin nito ang bahagyang pagiging kasing-kulay ng kanilang mata sa kwintas na suot at pagpapalit na nila ng anyo, base sa kapangyarihan ng kwintas nilang suot.

Nahati ang katawan ni Felix sa bilang na walo, lumulutang naman sa ere habang may malalaking bilogang bato na lumulutang rin sa dalawang kamay ni Oira, kapansin-pansin ang pagiging purong bato ng dalawang braso ni Usef matapos ang mga ito ilapat sa kalsadang tinatahak, at si Rose naman ay nag-anyong rhino na kulay rosas.

“Mysterious Four, ignite!”

Walong bilang na Felix laban sa shokoy na si Leo.

Lumulutang sa ere na Oira laban naman sa manananggal na si Olivia.

May dalawang batong braso na Usef laban sa santelmong si Wayne.

At panghuli. Bilang rhino na Rose laban sa taong sigben na si Aina.

At nang magtagpo na ang landas ng dalawang grupo, kaagad na silang nagsimulang kalabanin ang isa't isa, base sa mga kapangyarihan nila.

Pinalibutan ng walong katauhan ni Felix-kasama na rito ang totoo, si Leo. At duo'y inumpisahan na ng mga ito na paulanin ng magkakasunod na sipa't suntok ang kalabang shokoy.

Ngunit, dahil tubig ang kapangyarihan ni Leo, kaagad na nadama nito ang pagtangka sa kanyang buhay. Kaya bago pa man tuluyang dumampi ang mga nasabing atake sa kanya, mabilis na siyang nag-bend sa paligid niya, upang protektahan ang sarili. At sa isang iglap lang, matapos ang ginawa nitong pagbend, kapansin-pansin na ang paglitaw ng walong naglalakihang mga alon sa palibot nito at isa-isang nilamon ang mga ulupong at maging na rin ang totoong Felix.

Matapos naman ang nangyaring paglamon ng mga alon sa ulupong ay kapansin-pansin na ang isa-isang paglaho ng mga ito at ang totoong Felix na lang ang tanging natira sa kanila. Ngunit dahil sa pagteleport ang kapangyarihan nito ay mabilis na siyang naglaho palayo sa p'westo, bago pa siya magaya sa nangyari sa kanyang mga nilikha.

Matapos magkakasunod na ihagis ni Oira ang mga naglalakihang bolang batong mula sa dalawa niyang palad, mabilis naman na salagin at hatiin sa ere ni Olivia ang mga ito gamit ang matatalas niyang pinakawalang balahibo, kung saan gawa at mula sa malapad at gawa sa metal niyang pakpak.

Mysterious Force √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon